Think Again
Pumikit si Aling Sally dahil sa hiya. Tinago ko agad ang kamay ko sa likod.
Nang mag-mulat si Aling Sally ay hilaw ko siyang nginitian. May dala siyang tray ng pagkain, kaya siguro siya umakyat sa apartment ko.
Nag-pasalamat nalang ako dahil siya ang nandito sa harap ko at hindi ang anak niya dahil paniguradong mas magiging malala ang sitwasyon ko sa bunganga ni Sairyn.
"Aling Sally——"
"Oo Umi, tatandaan kong hindi na ako pwedeng pumasok nalang basta dito ngayong may boyfriend ka na." Aniya at nag-ngising aso.
Napakurap ako.
Anong sinabi niya?
Mag-sasalita na sana ako ulit para kumontra ngunit nauna ang demonyong nasa likod ko.
"I don't think we mind that ma'am. You can bring food to my girlfriend anytime you like." Sagot niya kay Aling Sally kasabay ng pag-gapang ng kanyang kamay mula sa bewang ko papunta sa puson ko.
Nag-muka tuloy na niyayakap niya ako at sa asta pa niya ay parang normal na namin tong ginagawa kahit na hindi.
Pigil na pigil ang inis ko.
Naramdam ko rin ang isa niyang kamay na pasimpleng pilit tinatanggal isa-isa ang pag-kakakapit ng mga daliri ko sa kutsilyo.
Nag-iigting ang mga panga ko habang nilalabanan iyon ngunit hindi ako masyado makakilos lalo pa't nakatingin samin si Aling Sally at humahagikhik.
"Aling Sally——" Muling naputol ang pag-sasalita ko. Inis akong bumuntong hininga.
"Pasensya na talaga hijo. Alam mo hindi naman kasi pala kwento yan si Umi. Mabuti nalang nga at dumalaw ka kung hindi ay hindi pa namin malalaman." Si Aling Sally, ramdam ko ang saya sa boses niya.
Humakbang siya papunta sa kusina habang kinikilig na sinisipat si Cloud.
Habang nag-sasalita si Aling Sally ay tuluyang naagaw ni Cloud ang kutsilyong hawak ko. Matalim ko siyang tiningnan ngunit kay Aling Sally lang siya nakatingin at nakangiti. Pasimple niyang hinulog ang kutsilyo sa sahig at inakbayan ako pagkatapos.
"I know. She's only loud when she's angry. And when I'm fu——"
"Cloud!" Mabilis kong tinakpan ang pasmado niyang bibig. Naramdaman kong ngumisi pa siya habang hinahapit ang bewang ko palapit.
"Pwede ba?!" Pabulong kong singhal.
"Alright, that'll be our little secret."
"Ang sweet niyo naman ng boyfriend mo, Umi. Hindi kagaya ng nila Sairyn, ay naku laging nag-tatalo. Parang hindi marurunong humawak ng relasyon. Sana ganito nalang din ang boyfriend ni Sai-Sai ko. Gwapo na, Englishero pa. May ibang lahi ka ba hijo at ang mestiso mo?" Lasing na tanong ni Aling Sally.
Umentra ako bago pa sumagot si Cloud.
"Aling Sally hindi ko alam ang sinasabi niya! Paano ba yan nakapasok dito?!" Singhal ko, pilit kong tinanggal ang braso niyang nakapalupot sakin.
"Ay naku naman Umi, wag ka na ngang mahiya! Nasa edad ka naman na para mag-boyfriend. Isa pa, tatanggihan mo ba itong binata na ito?? Kung maibabalik ko lang ang edad ko, ay naku." Namula ang pisngi ni Aling Sally at nahihiya siyang tumawa.
Pasimple ring tumawa si Cloud sa gilid. Napairap ako.
"Si Sairyn ang nag-paakyat sa kanya kasi tanghali na, tulog ka pa. Nga pala Umi, kanina pa nag-mamaktol iyon. Nagtatampo sa'yo dahil hindi ka nga nagkukwento." Humagikhik ulit si aling Sally.
![](https://img.wattpad.com/cover/160651688-288-k982384.jpg)
BINABASA MO ANG
Played to Love You
ActionShe's a silent assassin, she plays with other people's lives. He's a hot gambling crackerjack, he plays with money. But when life starts to play, it will never be easy. She's paid to kill him but he's not yet done playing. All of a sudden, both o...