Further / Farther
Muli kong pinasadahan ng basa ang huling text ni Roxy.
Roxy:
Umi, baka ito na hinahanap mong sagot!!! Pinapadala ka ng extrang damit edi ibig sabihin malayo to. Ano? Confirm ko ba na pumapayag ka?Bumuntong hininga ako bago nag-tipa ng reply.
Ako:
Oo. Salamat Roxy.Roxy:
Sure na yan ha? Wala na bawian to ha! Kinakabahan ako jusq!Ako:
Oo.Roxy:
Confirmation sent! Mag-ready ka na UmiHindi na ako nag-reply. Pinili ko nalang palipasin ang hapon na iyon sa rooftop. Gamit ang binoculars ni Papa ay napili kong manood ng galaw ng mga tao sa malayo gaya ng ginagawa ko noon. Pero kung dati ay ginagawa ko iyon bilang ensayo, ngayon ay gusto ko lang manood at maramdaman ang normal na buhay kahit sa malayo.
Ano kayang pakiramdam na mabuhay na walang tinatago? Kung ganoon bang buhay ang napili ko ay hindi ako mahihirapan ng ganito? Hindi ako mag-iisa tulad ngayon?
Nang abutan ako ng dilim sa rooftop ay saka lang ako bumaba. Natahimik ang isip ko doon kaya mas nag-karoon na ako ng lakas para mag-ayos ng gamit.
Ang sabi ni Roxy ay overnight lang naman daw ang gusto ng client ko pero walang sinabing lugar. Umaasa akong doon niya ako dadalhin kung nasan man si Yuki. O kung hindi man ay ayos lang basta madagdagan lang ang impormasyon ko tungkol sa kanya.
Sana lang ay walang ibigay na calling ang Scorpion sa susunod na dalawang araw dahil kung hindi, malalaman ni Leon na nag-cancel ako at mang-uusisa yun.
"Umi? Umiii?"
Nang marinig ko ang boses ni Sairyn ay mabilis kong tinakpan ng kurtina ang enemy board ko.
"Dito sa kwarto.." Sagot ko nang matapos. Pag-silip niya ay nakita kong may hawak siyang tray ng pagkain. Agad nanlaki ang mga mata niya.
"At san ka naman pupunta??" Tanong niya. Pumunta siya sa kusina at nilapag doon ang tray bago nag-mamadaling pumasok sa kwarto. Tiningnan niya ang bag na inaayos ko.
"Babakasyon lang.." Palusot ko. Kinuha niya si Mochi bago ako minatahan.
"At sinong kasama???"
"Sai ano ba.. ako lang."
"Utot mo blue." *meowww* "Oh, kita mo maski si Mochi di naniniwala sa'yo."
"Wala namang masama umalis mag-isa. Yun na kaya uso ngayon, solo travel." Ngisi ko sa kanya.
"Eww boring! Sabihin mo na kasi kung may boyfriend ka na, promise di ko aagawin."
"Ay nako, kahit agawin mo pa."
"Oy hindi na noh! Kontento na ako kay Kyle." Kinikilig niyang sinabi.
Umasim ang mukha ko dahil alam kong inaabangan niya pa rin yung nag-lalako ng fishball.
"Speaking of.." Iminuwestra niya ang cellphone niyang nag-riring sa tawag ni Kyle. "Ano Umi, kailangan mo pa ba ako dito? Decline ko to para sa'yo." Kinindatan niya ako.
"Sagutin mo na. Baka mamaya mag-LQ pa kayo, makarami ka nanaman ng kain ng fishball." Biro ko.
"Tinatakwil mo ako ah? K fine! Sana mag-enjoy ka sa solo travel mo. Pero ito tip Umi, always use your beauty. Kapag may problema sa daan, pretty-privilege is the key!" Mapang-asar niyang sinabi. "Wag ka nang mag-suot ng mask! Parang tanga, ganda-ganda eh." Pahabol niya pa.
Tumahimik ang paligid nang makalabas si Sairyn. Pero nabawasan din ng presensya niya ang nararamdaman kong kaba. Mabilis din na lumipas ang oras at napagtanto ko nalang ay binibilin ko na si Mochi kay Sairyn.
![](https://img.wattpad.com/cover/160651688-288-k982384.jpg)
BINABASA MO ANG
Played to Love You
AcciónShe's a silent assassin, she plays with other people's lives. He's a hot gambling crackerjack, he plays with money. But when life starts to play, it will never be easy. She's paid to kill him but he's not yet done playing. All of a sudden, both o...