C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 6

150 4 0
                                    

Run

Nasa loob ako ng maliit na dressing cubicle, tinititigan ang hawak-hawak na lacey panty at damit. Ito ang pinapasuot sakin ni Maricar. Ang damit ay isang maikling spaghetti-strap fitted dress na dark blue ang kulay. Hindi ko alam kung nag-titipid ba sa tela and nag-tahi nito.

Mula sa damit ay napunta ang paningin ko sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko at sinubukang hanapin ang pag-kakatulad namin ni Yuki. Nahirapan akong gawin iyon dahil hindi kami mag-kamuka. Mas nakuha niya kasi ang itsura ng nanay niyang morena at tila may lahing Latina. Hindi tulad ko na mas lamang ang lahing Haponesa.

Bumuntong hininga ako at nag-simula na mag-bihis. Nang matapos ay muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. Ngayon ay may mas pagkakatulad na kami ni Yuki. Pareho kami ng hubog ng katawan at napagtanto ko iyon dahil sa fitted dress na suot.

Bumalik sa alaala ko ang itsura niya noong nakita ko siya sa CCTV. Halos ganito rin ang suot niya noon, iba lang ang kulay. Pero nang maalala ko ang pagiging aligaga niya sa pag-alis kasama ng lalaking iyon ay nag-init ang dugo ko.

"Umi, tapos ka na? Need mo ng help?" Boses iyon ni Maricar.

Dahil tapos na ako ay binuksan ko na ang pinto. Agad nag-tama ang paningin namin.

"Shocks. Ang sexy mo pala??? Hindi halata sa suot mo kanina! Trina!" Tinawag niya ang kasama na agad lumapit.

"Wow.. Girl, parang nag-sisi akong nakipag-palit dito. Baka gawing regular 'to."

"Sinabi mo pa." Pabirong sambit ni Maricar at tumawa. "Lika na dun, hair and make-up ka na namin."

Sumunod ako sa kanila at naupo sa harap ng vanity mirror. Pareho naman silang abala sa pag-ayos ng mga gagamitin.

Nag-simula si Maricar sa pag-lagay ng make-up sakin. Hindi pa man nag-tatagal ay ilang beses ko nang narinig ang reklamo niya dahil hindi ako mapakali.

"Girl wag kang malikot. Ano ba, kinakabahan ka ba? First time mo ba?" Naka pamwewang siya habang ang isang kamay ay hawak ang isang brush.

Kinagat ko ang labi ko.

"First time." Tipid kong sagot.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Normal yang kaba girl." Si Trina.

"Maswerte ka pa nga kasi dito sa client na 'to yung first mo. Bukod sa sobrang gwapo at hot.. maliligtas ka pa." Sambit ni Maricar at pinanood ko siyang kumuha ng isang make-up pallet.

"Paanong ligtas?" Hindi ko napigilang mag-tanong.

"Kasi walang mangyayari sa inyo." Si Trina ang sumagot at halos mag-kibit balikat siya.

Ang sinabi niyang iyon ay nakuha ang buong atensyon ko. Pakiramdam ko ay isa iyong magandang balita. Napatingin ako kay Trina ngunit hinawakan ni Maricar ang baba ko at pinaharap sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin? Panong walang mangyayari samin?" Tanong ko habang nakapikit dahil may kung ano siyang nilalagay sa aking talukap.

"Sa inyo wala...pero sayo meron." Sambit ni Maricar.

Napamulat ako. Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin siya sa pag-mamake up sakin at sa mga tingin ko sa kanya ay alam na niyang nag-tatanong ako.

"Alam mo yung dildo?" Nag-taas siya ng kilay.

"Dildo?" Walang muwang kong tanong.

Umiling si Maricar at padabog na nilapag ang brush. Kinuha niya ang kanyang phone at tumipa doon. Nang matapos ay iminuwestra niya ito sakin.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon