Bleeding
Nakatingin lang ako sa labas buong byahe. Tinatandaan ko ang daanan. Hindi naman naging mahirap iyon dahil pamilyar din ang lugar.
Ilang sandali lang ay papasok na kami sa Corinthian Hills, isang exclusive village malapit lang sa Eastwood.
Pinapasok agad kami ng gwardiya. Muli kong tinandaan ang daan dahil ilang kanto pa ang nilikuan niya at up-hill pa ang kalsada. Tumigil ang kotse sa tapat ng isang malaking itim na gate at automatic itong bumukas para samin.
Nang maiparada ang kotse ay bumaba ang lalaki at pinagbuksan ako ng pinto.
"Si Cloud?" Tanong ko. Hindi man lang nagbago ang walang emosyon niyang mukha.
"Nasa loob. Hinihintay ka." Sagot niya at marahas na sinara ang pinto ng kotse. Matalim ko siyang tiningnan dahil nagulat ako pero humakbang lang siya paalis.
Malayang nalibot ng paningin ko ang paligid. Sa gitna ay may modernong bungalow type house na Japanese style ang disenyo, ang kalahating parte ng bubong ay rooftop. Nalalatagan ng damo ang paligid at may mga Japanese Bamboo sa tabi. Sa kanan ay may maliit na man-made pond.
Lumakad ako papunta sa entrada. Natanaw ko pa ang bodyguard na pumasok sa mas maliit na bahay sa kaliwang banda. Nang makalapit ako sa itim na pintuan ay sumabay din ang kabog ng dibdib ko.
Marahas akong bumuntong hininga para iwaglit ang kaba sa traydor na puso bago hinawakan ang doorknob. Ngunit natigilan ako nang bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang babae. Palagay ko'y mas matanda siya sakin ng ilang taon.
Nagulat din siya nang makita ako ngunit agad siyang nag-bow at nag-paalam sa pag-alis.
Ilang babae pa kaya ang makikita ko dito? Tsch.
Sinundan ko siya ng tingin bago hinawakan ang pinto para pigilan itong sumara. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Bumungad sakin ang sala na may itim na couch sa gitna, sa paligid ay may mga indoor plants. May malaking mounted flat-screen TV. Pag-diniretcho ay glass walls na ang pader at kitang-kita ko doon ang overlooking view ng city lights.
Nakarinig ako ng ingay mula sa kaliwang pasilyo kaya doon ako pumunta. Lumunok ako bago tuluyang humakbang papasok.
Mukang iyon ang dining area.
Nag-tama ang paningin namin ni Cloud. Nasa kabilang banda siya ng mesa at may kung anong nilalapag dito.
Napunta ang paningin ko sa katawan niyang walang suot na damit pang-itaas. Tanging ang kwintas at ang matikas na hubog ng katawan niya ang bumalandra sa paningin ko.Nang ngumisi siya ay nabalik ako sa wisyo at irap ang pinanlaban ko.
"You hungry?" Sambit niya at nag-patuloy sa pag-lapag ng mga pagkain galing sa paper bag.
"Sino yung babae kanina?" Tanong ko habang lumalakad palapit.
"Woah, we're not even starting yet, nag-seselos ka na agad?" Mayabang niyang sinabi.
Tsch. Kailangan ko lang malaman kung isa ito sa lugar na pinagtataguan mo ng babae!
"Hinde. Ayoko lang na may kasabay akong nag-seserbisyo sa'yo." Kunwari kong dahilan. Nilagyan ko ng diin ang salitang serbisyo tulad ng pag-kasabi ng nabihag naming tauhan niya. Tuluyan akong nakalapit sa mesa at humalukipkip.
Nanunuya naman siyang tumawa.
"After I met you, I ain't gonna hire anyone else. No one will match your qualifications cupcake."
Dinilaan niya ang kanyang hinlalaki dahil sa dumikit na sauce.
"She's just an on-call maid. You see, you gotta understand my situation here. Ikaw lang ang babaeng gusto ko dito pero wala akong magagawa." Nag-kibit balikat siya sa huli at may inabot sa gilid niya.
BINABASA MO ANG
Played to Love You
Hành độngShe's a silent assassin, she plays with other people's lives. He's a hot gambling crackerjack, he plays with money. But when life starts to play, it will never be easy. She's paid to kill him but he's not yet done playing. All of a sudden, both o...