C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 27

140 7 2
                                    

Hide

Nang makarinig ng tila tunog ng bakal na gumagasgas sa sahig ay napaatras ako at bumangga ang likod ko sa dibdib ni Cloud. 

"Don't worry, he's chained."

Napakurap ako. Ilang saglit lang ay bumukas ang kahel na ilaw sa kwarto. Isang lalaking nakakadena ang magkabilang kamay ang bumungad sakin. Nangangayat ito at mahaba ang balbas, ganoon din ang buhok nitong halos abot na sa balikat. Wala siyang suot na pang-itaas kaya nakita ko ang ilang peklat sa kanyang katawan, patunay na nakaranas siya ng pag-hihirap.

"A-Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Cloud. Hindi maalis ang paningin sa bihag.

Nagitla ako nang hawakan niya ang mga balikat ko, nilapit niya ang sarili sakin.

"That's our guy. He's the one who killed that girl, not me. My men tried to make him talk but he wouldn't bulge. I think you got a shot cupcake, wanna try?"

"Hah..Ba't ako maniniwala sa'yo? Malay ko ba kung gawa-gawa mo lang yan?"

"You still don't trust me, huh? I won't waste my time on a muck. He's here for a reason and that reason is you."

Hindi ako sumagot.

Nilingon ko siya at pilit na binasa ang kanyang mga mata ngunit natatakot akong nag-sasabi siya ng totoo. Kung hindi siya ang pumatay kay Andrea...ibig sabihin lang ay maaaring mali ako ng daang tinatahak. Mali lahat ng akala ko.

"I'll give you time to process this. Check his left wrist, after that let's talk. He's weak, he can't hurt you. And I'd kill him if he does."

Pinanood ko siyang humakbang pabalik sa pinto at sumandal doon habang nakapamulsa. Humugot ako ng malalim na hininga. Paano kung bigla niyang isara ang pinto at ikulong ako dito?

"You can trust me, Umi. I won't hurt you."

Napalunok ako. Agad ko siyang tinalikuran. Masyado yatang halatang pinagiisipan ko siya ng masama. Ugh!

Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa lalaking nakaupo sa sahig at nakatungo.

Ang sabi ni Cloud ay tingnan ko ang palapulsuhan niya kaya iyon ang gagawin ko. Marahan akong lumapit at umupo na pa-squat sa harap ng lalaki. Dahan-dahan kong inabot ang kamay niyang nakapahinga sa sahig at nang mahawakan ko ito ay bigla siyang gumalaw.

Sobrang dahan ng pag-galaw niya na para bang mababasag siya. Hirap niyang inangat ang paningin niya sakin. Ang mga labi niya'y tuyong-tuyo ganoon din ang kanyang balat. Halos masilaw siya nang imulat niya ang kanyang mga mata. Tila ngayon nalang ulit nakakita ng liwanag.

"S-Stokes?"

Nanlaki ang mga mata ko. Halos mawalan pa ako ng balanse. Mabuti nalang at naitukod ko ang kamay ko sa sahig.

"S-Stokes, i-ilabas mo'ko d-dito.." Hirap na hirap niyang sinabi. "P-Pinadala ka ba ng...ng.. Patron? T-Tulung––" Gumalaw siya at inilapit ang sarili sakin.

Nanlaki ang mga mata ko habang mabilis na kumabog ang dibdib ko.

Bakit niya ako kilala?

Bakit alam niya pati ang Patron?

Napatayo ako bigla ngunit naabot niya ang binti ko. Sa gulat ay napaatras ako pero dahil hawak niya ang binti ko ay nawalan ako ng balanse at natumba patalikod. Paimpit na sigaw ang nagawa ko, hinihintay na bumagsak ang sarili sa sahig pero hindi iyon nangyari.

Napasinghap ako nang maramdaman si Cloud sa likod ko, sinasalo ako. Marahas niyang sinipa ang kamay ng lalaki dahilan para mabitawan ako nito. Umiinda pa ito sa nangyari nang apakan ni Cloud ang kaliwang kamay ng lalaki.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon