To all the girls who give villains a taste of their own heaven.
Keep it sweet and spicy ; )
____________________________
Nakatutok na ang baril ko sa lalaking kinamumuhian ko. Ito na ang gabing pinakahihintay ko kaya hindi ako pwedeng pumalya.
Kinabisado ko ang lahat ng detalye niya. Mula sa suot na damit hanggang sa mga galaw niya. Kalkulado ko na ang lahat. Isang kalabit lang sa baril na hawak ko ay tapos na rin ang lahat.
Ilang minuto akong nag-hintay sa loob ng madilim na kwarto. Pinapanood ang target ko na naka-maskara sa mataong bulwagan ng Casino. Hinayaan ko muna siya sa ginagawa. Huling laro na niya ito panigurado...
Ngunit natigilan ako nang alisin nito ang suot na maskara at makitang hindi siya ang lalaking pinaglalaanan ko dapat ng bala. Ni hindi ko kilala ang lalaking nakikita ko ngayon mula sa scope ng baril ko!
"Looking for me?"
Napalunok ako nang makarinig ng pamilyar na boses sa aking likuran.
Hindi ko na maigalaw ang katawan ko at tila may bumara sa lalamunan ko. Nahirapan akong huminga habang pinapakinggan ang bawat yapak niya palapit.
Paanong...
Marahan siyang tumawa at mas lalong kumabog ang dibdib ko.
"It really turns me on every time you try to put that bullet inside me. Now, it's my turn...but it ain't gonna be my gun's bullet, Cupcake...it's gonna be me." Bulong niyang nag-patindig ng balahibo ko.
BINABASA MO ANG
Played to Love You
AcciónShe's a silent assassin, she plays with other people's lives. He's a hot gambling crackerjack, he plays with money. But when life starts to play, it will never be easy. She's paid to kill him but he's not yet done playing. All of a sudden, both o...
