C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 9

195 8 0
                                    

Game

Pumasok ang barakong bodyguard nang makalabas kami sa kwarto, nakita kong siya na ang kumuha ng kontratang pinirmahan namin ng lalaking 'to.

Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko at habang ganoon ay inalala ko ang nakasulat na kondisyon niya kapalit ng pag-payag niya sa kondisyon ko. Isa lang naman ang nakasulat doon.

This MG will be exclusively mine and will not have any other clients during the entire date written on the contract.

"So, is it Oo-m-i or Yu-m-i?" Pinigilan kong umirap dahil nag-salita siya.

"Bakit mo pa kailangan malaman? Andito lang naman ako para samahan ka hindi ba? Hindi naman natin kailangan mag-usap."

"Come on cupcake, I need to know how to call you when I fuck y—"

Tumigil ako sa pag-lalakad dahilan para harapin niya ako. Matalim ko siyang tiningnan.

"Anong sabi mo?"

"When I talk with you.. tulad ngayon, nag-uusap naman tayo diba?"

"Oo-m-i. Happy?" Mariing kong sambit.

"Well, nice to meet you Umi. You can sweetly call me Cloud." Ngumisi siya sa huli.

Inangat niya ang kamay kong hawak niya at nilapit ito sa kanyang labi. Natigilan ako nang maramdamang lumapat ang kanyang dila sa likod ng aking palad. Umawang pa ang labi ko habang pinapanood siyang nanunuyang dilaan ang balat ko.

"A-ano ba!" Singhal ko ngunit tinawanan niya lang ako.

"Licking is different from kissing cupcake, you should've been more specific." Mayabang niyang sambit at muli na akong hinala paalis.

Nag-iigting ang panga ko habang matalim na tinitingnan ang kanyang likuran. Sinusampa siya nang palihim. Ngayon palang ay hindi ko na alam kung hanggang kailan ko matitiis pakisamahan ang manyak na lalaking 'to!

Ilang saglit lang ay tumapat kami sa isang double glass-doors. Naroon ang isa pang pamilyar na barakong bodyguard, mukang inaabangan na kami. Siya ang nag-bukas ng pintuan para samin at sumunod din siya papasok.

Sa loob ng hall ay naroon ang hindi bababa sa sampung roulette table. At ang mga taong nakaupo roon at halatang mararangya.

"Your table is ready sir." Sambit ng isang staff na sumalubong sa kanya.

"Good." Sagot niya rito.

"Cloud! I knew you'll be here, it's your roulette night after all." Napatingin ako sa nag-salita. Isang babaeng morena at matangkad. Seksing-seksi siya sa suot na mini skirt at lacey croptop.

Lumapit ang babae sa kaaway ko at binigyan niya ito ng yakap. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak habang niyayakap niya ang babae.

Umismid ako pero natigil nang mapansing nakatingin na sakin ang magandang babae.

"Oh, you brought a plus one. Ang akala ko ba ayaw mo ma-distract? Kaya nga hinihintay pa kitang matapos diba?"

"I heard she brings luck. Just wanna experience it myself." Sambit ng kaaway ko sa kausap niya.

Tumawa ng maarte ang babae.

"Cloud naman, anyone who's with you is lucky. I myself experienced that." Aniya at hinaplos pa ang braso nito.

Nag-iwas ako ng tingin para umirap.

"I'm glad you did Nica. Now, If you'd excuse us? You know I can't really wait to play." Ngisi ng kaaway ko.

"Alright, but I'm still waiting for your call. Let's talk soon?"

"We'll see." Binigyan siya nito ng mababaw na yakap bago kami humakbang.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon