C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 10

168 4 4
                                    

Play

Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong naligo. Hinayaan kong anurin ng malamig na tubig ang kakaibang pakiramdam na dinudulot ng lalaking 'yon. Alam kong galit at inis ang nananaig sa nararamdaman ko pero sa tuwing pumipikit ako ay nakikita ko ang kanyang mga nanunuyang ngiti.

Ilang mura na ang nasambit ko habang naliligo.

"Umi? Sinong kaaway mo diyan sa banyo?"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Sairyn.

"Wala! May ipis kasi."

"Grabe yung galit sa ipis ha? Hi, Mochiii.."

Napapikit ako nang mariin at nag-madali nalang sa pag-ligo. Nang makalabas ay naabutan ko si Sairyn na nilalaro si Mochi.

"Umi!" Matalim niya akong tiningnan.

"Ano?"

"Ang dami mo nang utang sakin! Yung date hindi mo pa kinukwento tapos eto pa, nakita ka daw ni Mang Luis sa Arcovia, may ka-holding hands!"

"A-ano? Sinabi ni Mang Luis yun?"

"Oo! Hindi ko alam kung tama bang ikaw yung kinaibigan ko o dapat si Mang Luis nalang eh!"

Pambihira naman si Mang Luis.

"Oh bat mo nanaman ako tatakasan? Ang dami mong tinatago ha?"

"Sai, mag-bibihis lang ako. Saglit lang."

Matalim niya pa rin akong sinundan ng tingin. Mabilis lang akong nag-bihis at pinuntahan na ang kaibigan. Umupo rin ako sa sofa katabi niya, agad naman humiga sa hita ko si Mochi.

"Oh eto, sabi ni Mama wala ka pa daw kanina nung nag-akyat siya ng pagkain. Naisip ko na baka kumain kana kaya ito nalang dinala ko." Aniya habang inaayos ang apat na bote ng San Mig Apple at ilang piraso ng barbecue.

"Thank you Sai.." Ngiti ko sabay kuha na ng isang stick ng barbecue.

"Anong thank you? Chikahan mo ako oy!"

Inirapan ko siya at kumagat na sa barbecue.

"Anong ginagawa ni Mang Luis sa Arcovia?" Tanong ko.

"Bakit si Mang Luis tina-topic mo? Ayoko dun! Yung date mo nalang!"

Nag-isip agad ako ng palusot.

"Yung dating app na sinasabi mo. Sinubukan ko."

"Oh tapos?"

"Ayun, may nag-match."

"Oh tapos?"

"Edi nag-date."

"Tapos? Anong nangyari sa date? Kiss? Chugchugan?"

Umasim ang mukha ko habang tinitingnan ang kaibigan. Ang mga alaalang pinaagos ko sa tubig kanina ay bumalik nanaman.

"A-Anong chugchugan? Sairyn date nga diba?"

"Ay nako. Pero sabagay, first date palang nga naman...nasundan ba? O masusundan ba? Sino yung ka-holding hands mo sa Arcovia? Same guy ba?" Sunod-sunod niyang tanong.

"O-Oo." Sagot ko nalang habang iniisip din si Leon.

"Ay nag-sisinungaling. Kinagat mo labi mo nakita ko."

"Tigilan mo 'ko Sairyn." Sambit ko at binuksan na ang beer at ininom iyon.

Inabot pa kami ng madaling araw kakakwento niya ng mga kung anu-ano. Pero kahit papano'y nakalimutan ko ang reyalidad sa tulong ng kaibigan.

Nang mapag-isa na ay pumasok ako sa kwarto. Tiningnan ko ang enemy board na nakasabit sa pader. Sinulat ko ang mga impormasyong nakuha ko kanina at dinagdag iyon doon. Tiningnan ko rin ang tracker at nakitang nasa Red Diamond Hotel ngayon ang aking kalaban.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon