Cloud
Napakapit ako sa aking mga hita habang tinitingnan ang litratong naka-flash sa screen. Narito kami nila Leon at ng iba pa sa loob ng pinaka-malaking conference room ng base.
Tatlong lalaki ang naka-flash sa screen pero sa isa lang ako nakatingin. Panay salita ang intel ng mga impormasyon tungkol sa kanila pero walang pumapasok sa isip ko. Tinititigan ko lang ang tattoo ng lalaking iyon, ang bawat hugis at kurbada ay parehong-pareho sa alaala ko. Hindi ako pwedeng mag-kamali.
Nawala lang ako sa pag-iisip nang marahang sikuhin ni Leon. Nakapasok na pala si Tito Hiro sa kwarto. Agad akong sumunod sa pag-tayo upang mag-bow. Si Vince, Bradley, Leisha, at ang iba pang naroon ay ganoon din ang ginawa.
Sumenyas si Tito Hiro na ayos na at pwede na kaming maupo. Inayos niya ang kanyang necktie habang naglalakad patungo sa bandang harap kung nasaan ang screen.
Seryoso niya kaming tiningnan.
"Gusto kong pag-handaan niyong maigi ang mga targets na ito. This is one of the biggest clients we had since Scorpion was born. Do not–fail me." Mariin niyang sinabi ang huli bago lumabas ng kwarto kasunod ang dalawang bodyguards.
"Kayang-kaya ni Stokes yan.." Bulong-bulong sakin ni Leon. Hilaw akong ngumisi at umiling sa kaibigan.
Kinantyawan rin ako nila Vincent pero hindi ako makasabay. Muling napunta ang paningin ko sa lalaking kanina ko pa binabaril sa isip ko.
"Isaac Voltaire o tinatawag nilang Ice." Muling nag-patuloy sa pagsasalita ang kasamahan naming intel. "Rojo de Cervantes o kilala ring Red. Sila ang pinapauna ni General Vicente. Ang sabi ng heneral may handang mag-bayad ng malaking halaga mula sa China at Colombia para tapusin ang mga targets na ito."
"Eh yung pangatlo?" Hindi ko na napigilang mag-salita. Napagtanto ko nalang na kanina pa pala nakakuyom ang aking mga kamao.
Natigilan ang lalaki sa harap. Sa tagal ko rito ay ngayon lang ako nag-tanong tungkol sa target. Kinailangan pa niyang pumikit-pikit para maniwalang ako ang nag-salita.
Maski sila Leon ay nakatingin rin sakin. Ang mga paningin ko ay nakapako pa rin sa harap.
"Hindi siya ang main target pero pwede na rin natin isabay." Sagot sakin ng intel.
"Malamang pare-pareho lang ang budhi niyan. Isabay na natin." Tamad kong sagot.
Tumango-tango ang lalaki sa harap.
"Kilian Laudiano Yoshida. Tinatawag din nilang Cloud—"
Parang naging musika sa pandinig ko ang pangalan ng lalaking higit isang taon ko nang hinahanap.
Cloud.
Ang salitang iyan ay naging kumpirmasyon ng kutob ko. Muli kong binuhay sa alaala ko ang gabing pumunta ako sa Resorts World. Hindi ko makakalimutan ang salitang iyon sa papel ni Yuki.
"Ako na sa kanya." Putol ko sa pag-sasalita ng intel.
Muli silang natigilan. Si Lei ay nakangising aso sakin. Nang mag-tama ang paningin namin ay pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Noted, Stokes." Sagot sakin ng intel at nag-patuloy siya sa pag-sabi ng mga bagay na kailangan namin malaman. Hindi ko pinalampas maski isang detalye.
Sa tatlong lugar namamalagi ang lalaking iyon. Una ay sa Casino, pangalawa ay sa mga bar, pangatlo ay sa isang private beach sa Batangas.
Lahat ng iyon ay handa kong puntahan para pag-bayarin ang lalaking iyon sa ginawa niya sa kapatid ko.
Sa ginawa niya sa buhay ko.

BINABASA MO ANG
Played to Love You
Hành độngShe's a silent assassin, she plays with other people's lives. He's a hot gambling crackerjack, he plays with money. But when life starts to play, it will never be easy. She's paid to kill him but he's not yet done playing. All of a sudden, both o...