C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 31

154 4 0
                                    

Mind Bedlam 

Mabilis kong pinabuhat kay Cloud si Mochi para mahawakan ang braso ng lalaki at mas matingnan ang palapulsuhan nito.

Scorpion nga ang tattoo niya pero hindi gaya samin ay buntot lang ang sa kanya. Agad kong winaglit ang kaba sa aking dibdib.

"Baka nag-kataon lang.." Napapalunok kong sinabi.

"You can check the other guy too."

Napatingin ako kay Cloud ngunit seryoso ang kanyang mga mata.

Nahirapan akong huminga nang silipin ang isa pang lalaki na nakahandusay sa sala. Kung meron din siyang tattoo na tulad nito ay hindi ko na pwedeng lokohin ang sarili ko.

Mabagal akong lumapit doon at agad sumunod si Cloud. Dahan-dahan akong umupo sa tabi ng lalaki. Dahil naka itim na t-shirt lang siya ay mas madali kong nakita ang palapulsuhan niya.

Parang nawasak ang mundo ko nang makita ang kaparehong buntot ng Scorpion na tattoo sa kanyang palapulsuhan.

Totoo ba ito?

Tama ba ang nasa isip ko?

Gusto nila akong. . .patayin?

Hindi pwede. . .

Bakit. . .

Mabilis na umikot ang hindi mabilang na katanungan sa isip ko. H-Hindi nila magagawa ito. . . .diba?

"Umi...we have to go."

Napatingin ako kay Cloud. Nanghihina ang katawan ko kaya kinailangan niya pang hawakan ang braso ko para alalayan ako sa pag-tayo. Nag-reklamo pa si Mochi dahil naipit ito sa braso niya.

"Cloud..."

Bumuntong hininga siya at mapungay ang mga mata akong tiningnan na para bang alam na alam niya ang laman ng isip ko.

"I know baby...we have to go.."

Nag-init ang gilid ng aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kung wala si Cloud sa tabi ko ay baka hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko. O di kaya'y baka tuluyan na akong napatay ng mga...

Muli akong napabuntong hininga.

Hahakbang na sana kami ni Cloud palabas ng pinto nang may tumambad na isa pang lalaki. Agad sinipa ni Cloud ang kalaban, natumba ito at tumama ang likod sa barandilya. Habang bumabawi sa pag-tayo ang lalaki ay binaril na siya ni Cloud sa dibdib at agad itong tumumba.

Nang makalabas kami sa pasilyo ng apartment ay natanaw ko ang hindi mabilang na kalaban sa baba. Parang compound ang tinatayuan ng gusaling ito at may dalawa pang gusali sa magkabilang gilid kaya may malawak na lote sa gitna na ngayon ay pinuputakti ng kalaban. Lahat sila'y may hawak na baril at naalerto pa ang ilan nang makita kami sa aming pwesto.

Dahil 4th floor ito ay nahirapan silang asintahin kami. Yumuko ako para kuhain ang baril ng lalaking nakahandusay at nakagat ko ang labi ko nang makita rin ang tattoo niya.

"Cloud! Dito tayo.." Sambit ko kay Cloud at hinila siya paakyat sa rooftop. "Cloud!" Kinailangan ko pa siyang singhalan dahil sa bagal niya sa pag-kilos.

Hingal akong pumunta sa kabilang dulo at sumilip sa barandilya pababa. Napamura ako nang makitang wala man lang emergency ladder sa parteng ito. Meron man ay naroon sa bandang harap kung saan kitang-kita kami ng mga kalaban sa oras na gamitin namin iyon.

Kung bakit ba kasi hindi ako nag-handa sa ganitong sitwasyon!

Pero hindi ko rin naman naisip na mapupunta ako sa ganito...hindi kailan man maiisip na mismong Scorpion...ang mga taong tinuturing ko nang pamilya...sila pa ang mag-lalagay sakin sa ganitong sitwasyon.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon