KABANATA XXII

11.1K 376 247
                                        

(Not Edited)



"Now, speak."



Ito ang unang salitang binitawan ni Miss Salvacion matapos namin huminto sa loob ng isang kwarto.

Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito, pero ang hula ko ay sa kanya ito dahil mabilis nya lang nabuksan ang lock gamit ang passcode.

"Ano po bang sasabihin ko, ma'am?" I asked. Ano nga bang gusto nyang malaman ulit?

Nakalimutan ko yung sinabi nya kanina sa kusina eh. Simula ng hatakin nya kase ako ay nafocus ang isip ko sa paraan ng pagtibok ng puso ko. Sobrang bilis nito lalo na nang hawakan nya ang aking kamay. Every time she's holding me or touching me, I always feel the coldness of her hand. For some reason, it just perfectly blends to mine.

Alam kong maraming tao ang nagsasabing ang init ng temperatura ko kahit na para sa akin ay normal lang ito. Kaya siguro yung pakiramdam ko sa tuwing hinahawakan ako ni Miss Salvacion ay tila ba sobrang balanse ng paligid ko. Parang may magic.

"I heard you almost drowned in the pool. What happened?" she's composed right now. Pero ramdam ko ang matinding inis o hindi magandang enerhiya na bumabalot sa kanya.

We're just standing in the middle of her room. Kung wala kami sa ganitong usapan ngayon, siguro ay ang sarap humilata sa malambot nyang kama o di kaya ay umupo sa sofa nya habang umiinom ng kape at kumain ng cookies habang nakikipagkwentuhan sa kanya.

The thought makes my heart skip a beat in joy.

"What are you smiling at?" aniya.

Mabilis kong inayos ang tayo dahil nakakahiya na ang seryoso ng usapan namin tapos ngingiti ako na parang tanga.

"S-Sorry." Nagpalinga-linga ang aking ulo upang huwag mapatingin sa pinagpala nyang mukha dahil sa tuwing tumatagal na tinitignan ko ito, ay may iba pa akong nais na gawin sa kanya.

"Sunnie.." she heavily sighed. "What happened in there?" tila mauubusan na ito ng pasensya.

Nang sinilip ko ang ekspresyon nya sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong may halo ng pag-aalala ito.

The smell of her perfume is fresh and balmy. Hindi ko alam kung anong brand ng pabango nya pero paniguradong mamahalin ang mga ito. Yes, she loves perfume very much. Paiba-iba ito ng amoy, but all of them smell heavenly on her.

"A-Ano ma'am.. Kase ano, n-nahulog po ako sa pool dahil kinukuha ko po yung isda," nahihiya kong sambit habang nakayuko.

"Could you be more serious about this matter?"

"Pero... iyon talaga ang nangyari."

Her voice boomed like thunder, "You nearly drowned! What possessed you to chase that fish into the pool? Spit out the truth now, or consider yourself disqualified in this task!" Shems, galit na si mami huhu.

Nilunok ko nalang ang kung anong invisible na bagay na nakabara sa lalamunan ko bago magsalita.

"Nagkulang ang salmon namin. Since ako ang naka assign sa inventory at production, humanap ako. Kaya lang ay ubos na ang salmon sa storage room..." huminga ako ng malalim. I wasn't supposed to say this dahil baka may kung anong hindi magandang gawin si ma'am sa kabilang school. "I saw a student from SVU na nag hoard ng salmon. Kaya hiningi ko ang isang balot kapalit ng hindi ko pagsumbong sa kanila. Pero itinapon iyon ng estudyante sa pool."

"What happened to your integrity? You're complicit in their wrongdoing." Mabigat na pahayag nito. Totoo ngang masakit ang katotohanan. "Your actions disappoint me; you are better than this."

Burn For MeWhere stories live. Discover now