(NOT EDITED)
I woke up around 3 am in the morning to go to the storage section of this ship. Ngayong araw na gaganapin ang pagluluto namin.
The challenge is that we have to be able to serve our own cuisine to everyone on this ship. Hindi ko ito nakikitang kumpetisyon sa pagitan naming mga estudyante ng Thompson University. Ngunit mariing pinaintindi sa akin ni Naomi kagabi na importanteng magampanan namin ng maayos ang kanya-kanya naming gawain dahil ang ibang schools ang makaka-kumpitensya namin.
Aminado akong hindi naman talaga ako nagbabasa ng emails. Kaya hindi ko alam na ang cruise company na ito ay nagce-celebrate ng ika-sampung taong anibersaryo ng Aurora Voyager. Grabe, 10 years old na ito pero sobrang updated pa rin at mukhang bago. Halatang maintained na maintained ang bawat kagamitan mapaloob o labas na bahagi nito.
At dahil hindi nga ako nagbabasa ng email, sa ibang tao ko pa nalaman na pinili lamang ng kumpanya na nagmamay-ari ng barko na ito ang mga university na sasali sa competition ngayon.
Tatlong unibersidad lamang ang naanyayahan dito. Ang Thompson University, Silver Valley University, at ang Langford University. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang tungkol sa huling unibersidad na nabanggit. I'm excited!
I'm currently inside the storage room where the meat section is located. Sobrang challenging ng competition na ito dahil walang mga professional people na tutulong sa amin katulad ng butchers. Ang lahat ng paghahanda at iluluto ay kaming mga estudyante lamang ang gagawa.
I was busy humming and inspecting the meat, fish, and basically all the protein stuff nang bumukas ang pinto ng storage room.
"Good morning," masayang bati ko kay Gabriella Edda.
"You're early," gulat man ay mabilis rin nitong pinalitan ng malamig na ekspresyon.
"Ikaw rin," ngiti kong sagot.
Inismiran lamang ako nito at mabilis na sinuot ang gloves at apron. "What parts of the pork and beef have you chosen so far?"
"Uhh—"
I was cut off nang bumukas muli ang pinto ng storage room at pumasok ang isang babae at isang lalaki. Nakasuot na ito ng proper suit. Mula sa SVU ang babae at sa LU naman ang lalaki. Parang hindi uso ang kapangitan sa mga universities na ito.
Nalaman ko kung anong school nila dahil ang apron na suot nila ay may tatak ng logo ng kanilang school at may kanya kanyang kulay ang naka indicate kada university sa mismong apron. Blue ay sa Thompson University, Red ay sa Silver Valley University, at White sa Langford University.
"Hello, I'm surprised to see two students from TU at the storage room," ani ng babae. "Kulang na ba ang magagaling sa inyo at kailangan nyo pa ng katulong sa production?"
Namamangha kong tinignan ang babaeng nagsalita but in an innocent way. Kase bakit naman nya sasabihin yon? I honestly don't know why.
"Ha?" iyon lang ang sinagot ko.
"Oh," the girl laughed mockingly at me. "I know why already. However, I can't quite figure out why Frankie would allow a not-so-knowledgeable student in this section." Lumapit ito kay Gab at saka nginisihan. "Is that why Gabriella Edda of the 4th Rank is supervising this girl making sure she won't fuck up? I'm pretty sure you will not let yourself be stuck in the food production and inventory section."
Akala ko ay aawayin ito ni Gab dahil nararamdaman ko ang inis nito sa babaeng nagsasalita. Ngunit na-amuse lang ako dahil sa mabilis na pagbabago ng emosyon nito.
"I was just bored that's why I'm here," ngumisi rin si Gab na halatang ikinatakot ng babae mula sa SVU. "Don't ever underestimate any Thompsonians especially Frankie's decision-making ability, whatever your name is."
YOU ARE READING
Burn For Me
General FictionAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...
