KABANATA XX

3.6K 145 89
                                    

(NOT EDITED)


Paano ba masasabi ng isang tao na sya na ang pinaka maswerteng tao sa buong mundo?

Kapag yumaman ba? Kapag nanalo sa lotto? Kapag may buo at masayang pamilya? Kapag may halos perpektong relationship ba?


Ako kase ito lang naman...


Isang ubod ng gandang propesora na favorite ni Lord ang gigil na gigil na humahalik sa akin at ginagalugad ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam kung anong nakain ko para swertehin ng ganito. Ang natatandaan ko lang ay leche flan ang huli kong kinain.

"Hmm.. so sweet," tumaas ang mga balahibo ko sa batok nang marinig ang nakaka akit na boses ni ma'am. "Did you eat the crème caramel that I made?" Inilayo nito ang kanyang labi ng isang pulgada para lang masabi iyon. Ang bango ng hininga jusko, pwede na akong humimlay.

"H-Ha? Ikaw m-may gawa no'n?" shet, bakit nag-iba ata ang boses ko? Parang hirap na hirap akong hanapin ang natural na tono nito.

Kumain ako kanina nung nakita kong leche flan na crème caramel sa language ni ma'am-daming kaartehan, matapos kong mapakain si lola at si Xavier at bago ko linisin ang kusina. Tinikman ko lang naman, may kalahati pa sa fridge hehe.

"Why? You don't like it?" she kissed the corner of my lips, teasing me. Nakagat ko ang loob ng aking pisngi para pigilan ang sarili na habulin ang kanyang labi. Kinikilig din ako sobra. She's planting feathery kisses on my lips na parang nagpapabaliw sa sistema ko.

"S-Sobrang sarap nga ahh..." a moan escaped my lips. Pati ako ay nagugulat sa nangyayari sa akin. Sino ba namang hindi? Kinabig nya ako palapit sa kanya at sinipsip nito ang lower lip ko. It created a popping sound after.

Her hands cradled my face while staring, drowning me in its depths. "I've longed for this moment," she whispered, her gaze filled with tender adoration.

"M-Ma'am—"

"Sshh," she puts her thumb on my lips to stop me from what I'm about to say, leaving my lips slightly parted. "That's not how you called me just a few minutes ago." Pinakiramdaman nito ang lambot ng labi ko gamit ang hinlalaki nya while intimately looking onto it. She leaned into my ear and whispered, "Say my name properly, mi sol."


Kung kanina ay walang halong takot akong nag-initiate ng halik sa kanya, ngayon ay parang kinakabahan ako bigla. Tama pa ba 'tong ginagawa ko? Kahit naman kita ko ang kislap sa kanyang mga mata na gustong-gusto nito ang ganitong ka-intimate na ginagawa namin, parang natauhan ako bigla na wala naman kaming malalim na relasyon para sa ganitong uri ng mga gawain.


I suddenly wanted to run away. Not because I'm afraid of her or afraid of what's gonna happen next. Gusto kong tumakbo palayo bigla dahil natakot akong isipin na panandalian lamang ito. Baka bugso lang ito ng damdamin. Marahil ay nadala lang rin si Miss Salvacion sa ginawa ko o natukso. Kahit may mga pagkakataon na sya ang nag-initiate ng intimacy sa pagitan namin kamakailan lang, I am still afraid that it's not what I think she wanted from me.


I want her to want me as her girlfriend. I want a label. Ayaw ko ng hindi klaro. Hindi pala maari ito. Wala kaming relasyon. At isa pa, she's my professor. I wanted to apologize but I don't want her to get offended at the same time. It was me who initiated it.


The sudden realization hit me. I'm doomed.


Burn For MeWhere stories live. Discover now