XIV

34 4 1
                                    

GOOSEBUMPS

Xandriah Evory Alvendino
(POV)

"Watsup maganda kong kaibigann!!" masagang bati sa akin ni elly habang lumakad palapit at tsaka sinalubong ako ng yakap habang dala dala yung pinabili kong graham sa kanila.Ngumiti ako dito ng tipid tsaka niyakap siya pabalik at hinalikan sa pisngi.

"Tamlay mo sis ah,ano ganap?" tanong nito sa akin pero umiling lamang ako..

"Hoy Riah umayos ka nga anong problema?May nangyari bang hindi namin nalalaman?" Tanong sa akin ni eya na ngayon ay nasa likod ni elly.Bakas ang pag-aalala nilang dalawa sa akin pero di ko din alam kung paano sasabihin e.

"ano nga kasing problema bebe riri ko at balisa ka dyan ha? gusto mo ba akong magtampo ulit dahil nagtatago ka nanaman ng sikreto?" pananakot pa sa akin nito na akala mo'y bata lang ang kausap kaya napairap lang ako tsaka inabot ang hawak-hawak nitong graham.

"Wala nga ang kulet! haha ayos lang ako." balisa kong saad habang nilalantakan yung graham.Umupo sila ngayon sa tapat ng upuan na pinapagitan ng lamesa.

Nadito ako ngayon nakatambay sa bahay ni Eya dahil wala ako sa mood umuwi ng bahay namen ni Amora.Ganon din naman kase,di niya ako pinapansin.Buti pa nga yung kaibigan niya na si Ven lagi niyang kasa-kasama,masyado rin silang close.

From the past few days,okay naman kami ni Ven,close na rin kame.Friends na nga rin kami sa social media account ko.Di naman sa binibigyan ko sila ng malisya pero close lang talaga sila,nakakainggit lang because they spend much time together.I found out na naging assistant manager ng parents ni Amora si Ven sa company nila kaya rin siguro madalas sila magsama.

I can say na maswerte na rin sila amora dahil matalino si Ven.She's too brilliant and have a high intelligence to help the Valleriah's company.She's the one who's handling the Valleriah's company in out of country.Kwento niya sa akin na siya ang pinagkatiwalaan ng parents ni Amora para ihandle yon and alam kong lumago na yon dahil nasabi na sa akin yun nung daddy ni Amora.

Dahil sa closeness namin ni ate Ven ay napapadalas naman ang bonding namin siguro nakakatatlong labas na kaming dalawa.

I'm like her little sister, she's always helping me sa lahat ng bagay tapos lagi niya akong ine-encourage sa mga bagay.Mabait din siya sakin.She's always at our house din pero umuuwi din siya sa condo ng kapatid niya pagkagabi.I insisted to let her sleep at our guest room but she always said no dahil iniintay din daw siya ng kapatid niya sa condo nila..I bet Kirsten was so lucky to her older sister.She's so caring to all person's na malapit sa kanya.Dahil nga sa kanya ay nakikita ko si ate Xandra,I'm happy dahil kahit papaano'y naiibsan yung pangungulila ko kay ate Xandra.May times kase na hindi na talaga kami nagkakabonding dahil laging subsob si ate Xandra sa trabaho.Same as kuya Xander at Dad..Mas napadalas sila sa pagt-trabaho kumpara dati,I think dahil lumalago ng lumalago ang business nila at dumadami ang client nila sa company..

"huy bebe ko ano na? kakain ka lang ba diyan at walang sasabihing balita?" kulit din nito eh sarap lagyan ng sampung layer ng tape ang bunganga.

" wala nga kumain nalang kayong dalawa." maawtoridad kong utos pero napabuntong hininga silang binitawan ang tinidor.

"oh bakit niyo binitawan? sabi ko kumain hindi ilapag yong tinidor." dagdag ko pa sarkastiko lang itong tumawa.

"Riah pano kami kakain kung halos maubos mo na yan?" saad ni Eya

"kaya nga teh..ngayon mo sabihing wala kang problema,eh anlalim ng iniisip mo tas hindi mo na napansin yung ginagawa mo oh." dagdag pa ni elly kaya nahiya naman ako nang mapatingin ako dun sa kinakain ko.

𝔖𝔦𝔫𝔨𝔦𝔫𝔤 𝔦𝔫𝔱𝔬 𝔓𝔬𝔰𝔰𝔢𝔰𝔰𝔦𝔬𝔫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon