Hapon na ng makarating ang apat sa rancho ng Onslov family. Pagbaba ni Elaine ay inalalayan siya ni Tristan. Sinalubong sila ng mga tauhan sa rancho at tinulungan na ibaba ang kanilang mga gamit upang dalhin sa loob ng mansion.
"Ang ganda." Bulong ni Elaine sa sarili ng maigala niya ang paningin sa paligid.
Ang paligid ay napapalibutan ng mga matataas ng puno ng fire tree na kasalukuyang namumukadkad ang mga bulaklak. Lumakad sila papalapit sa mansion pero pinili ni Elaine ang lumibot muna sa likod ng bahay. Pagdating niya sa may likuran ng bahay ay sinalubong naman siya ng mga kalachuchi na kulay white ang kulay ng bulaklak.
"I feel inside the paradise." Nakangiting bulong niya ulit sa sarili.
Naglakad pa siya ng ilang metro bago niya natanaw ang katamtamang laki ng lawa na napapalibutan ng mga bato. Nakagat ni Elaine ang labi, gusto niyang lumusong sa tubig subalit hindi pwede dahil hindi niya alam kung pwede ba paliguan ang lawa.
"What are you doing here?" Gulat na napalingon siya sa nagsalita sa may likuran niya. It was Dane.
Humakbang ang lalake palapit sa kanya at huminto sa harapan niya mismo. Nakatingin ang mga mata ng lalake derekta sa mga mata niya kaya pasimpleng iniwas niya ang tingin.
"Sorry. I'm so amazed at this place. Pwede ba maligo sa lawa, kuya?" Pasadyang ginamit ni Elaine ang salitang kuya, upang paalalahanan ang kanyang sarili na hindi pwedeng malaman ng binata ang bilis ng tibok ng kanyang puso ng mga sandaling iyon.
"Yeah. Kaya lang pagod ka pa sa byahe kaya bukas ka na lang maligo." Sagot ng lalake sa kanya. "Let's go inside the house. I'll introduce you to all the workers here in rancho." Hinawakan ni Dane ang kamay niya saka bahagyang hinila upang makasunod siya sa paglalakad ng lalake.
Elaine bit her lips while secretly sighing. Paano mo mapipigilan ang puso mo na mahalin ang isang taong palaging nakadikit sayo? Naalala niyang inaaya nga pala siya ng lalake na sumama sa new York para manood ng fashion show ng girlfriend. Ngayon ay napag-isip isip ng dalaga. Kung gusto niyang iwasan ang lalake na hindi nito nahahalata, bakit hindi sa paraang gagamitin niya ang pag pasok sa school bilang excuse?
"Kuya.." Tawag niya sa pansin ng lalake.
Pasimpleng nilingon siya ni Dane. Nagtatanong ang mga mata ng lalake habang nakatitig sa kanya.
"I can't go with you to new York. Kailangan kong mag-stay sa dorm ng school to study their previous topics para sa pag babalik ng klase ay may alam ako."
Paliwanag niya sa kanyang kuya na napahinto pa sa paglalakad. Kunot ang noo ng lalake na naka-titig sa kanya.
"Dorm?" Tanong na naninigurado ni Dane.
"Yes." Sagot naman ni Elaine habang ang mga mata ay muling itinuon sa mga kalachuchi.
"Bakit ka pa magdo-dorm? Pwede ka naman mag paroo't parito sa skwelahan mo gamit ang sasakyan sa bahay." Tanong ni Dane na sobrang lalim ng kunot sa noo. "And besides, how am I supposed to send my people to protect you if you stayed there?" Tanong pa ni Dane.
Nilingon ni Elaine ang lalake. Nakikita sa mga mata nito ang maraming tanong at pag-aalala. Ugh! This view is like a vitamin for her heart.
"Hindi mo naman ako kailangan pang bantayan. I'm already 19-years old. Adult enough to know what is wrong and what is right. At isa pa, sa loob ako ng school. As if I don't know that you are the biggest shareholders of that private school." Nakataas ang kaliwang kilay na paliwanag niya sa lalake.
Naningkit ang mga mata ng kanyang kuya. Halatang hindi ito kumbinsido sa paliwanag niya. Pero kailangan niya talagang manatili sa dorm baka sakaling makatulong iyon upang makalimutan niya ang lumalalim na pagmamahal sa lalakeng tumutulong sa kanya ngayon. Ayaw niya rin na sirain ang tiwala ni Audrey sa kanya bilang nakababatang kapatid ng kanyang kuya.
"You don't know how dangerous it is to be part of Onslov family." Mariin na salita ni Dane sa kanya."But I am not Onslov. My last name is Sandoval. And I am just a trespasser in your house. There's nothing to be afraid of." Pagpipilit niya dito.
"Of course there has! My enemy might know that you are the most important person to me now!" Bulyaw ng lalake sa kanya.
Napalunok si Elaine sa mga salitang narinig. 'Most important person'. Gusto niyang tumalon sa tuwa pero pinigil niya ang sarili. Those words are referring to her as the benefactor of this man in front of her.
"What are you guys arguing about?" Narinig niya ang boses ni Audrey kaya naka-hinga siya ng maluwag.
Lumapit siya sa babae pagkatapos niyang kumawala sa hawak ng kanyang kuya. Tumago siya sa likuran ni Audrey at nag-kunwaring humihingi ng tulong sa babae. Siya na siguro ang pinaka martyr na babaeng nagmamahal sa mga sandaling iyon.
"Help me convince him to allow me to stay in the dorm." Pakiusap niya sa babae.
Natawa naman si Audrey, maaring hindi nito napansin ang pagdilim ng anyo ng boyfriend nito.
"You guys should talk inside. Let's go. Everyone is waiting and looking for the two of you." Pag-awat ni Audrey sa pagsasagutan nilang dalawa ng lalake.
Napatango si Elaine bilang pagsang-ayon. Napilitan ding sumunod ang lalake sa nobya nito pagkatapos siyang batuhin ng matalim na tingin. Napapikit naman si Elaine bago sumunod sa dalawang nauuna maglakad.
Pagkatapos siyang ipakilala ng kanyang kuya sa mga trabahador ng Hacienda, ay sinamahan naman siya ng isang taga-silbi papunta sa kanyang silid. Pagsapit ng gabi sa liwanag ng buwan. Binaybay ni Elaine ang daan patungo sa lawa suot ang kulay pulang negligee na sobrang nipis. Napatingala siya sa kalangitan at napangiti sa liwanag ng buwan.
Dahan-dahan niyang hinubad ang manipis na negligee at saka lumusong sa tubig. Ang suot na bra ay hinubad niya lang ng tuluyang lumubog na ang katawan niya sa tubig. Sumandal si Elaine sa malapad na bato at ipinikit ang mga mata.
Ang hindi niya alam, under the big fire tree, someone who have burning eyes is watching her. The man is actually clenching his fists as he gritted his teeth to control his own desire.
BINABASA MO ANG
World Of Rich: One Step Closer
RomanceAll ages below 16 is prohibited from reading this. R18 alert!! A 19 years old Elaine Sandoval saved a stranger at night on her birthday. A man has been shot according to her observation. One Month later, Her parents found out that she is not t...