EMPTY HOUSE

136 3 0
                                    

Kinaumagahan, maagang umalis ang grupo nina Dane papunta sa New York. Hindi man lang nag aksaya ng panahon si Elaine na magpaalam sa lalake dahil na rin sa tampuhan na nangyari kagabi at sa salitang binitiwan ng nobya ng binata. Nagkunwaring tulog si Elaine sa loob ng kanyang kwarto at hindi lumabas hanggang makaalis na nga ang tatlo.

Bandang alas dyes ng umaga at lumabas siya ng kwarto hila-hila ang kanyang bagahe na naglalaman ng kanyang mga gamit. Gulat ang naging reaksyon nina Lilyth at Mrs. Morrell nang makita ang kanyang ayos.

"Ngayon ka na lilipat? Pero hindi ba ang sabi mo ay sa makalawa pa kasabay sa pag umpisa ng klase mo?" Halata ang taranta sa mukha ng kanyang personal maid na si Lilyth.

Halata din na inutusan ito ng kanyang kuya na bantayan siya. Nakaramdam ng inis si Elaine. Hindi naman siya ganito dati, pero pag dating sa lalake, mabilis uminit ang kanyang ulo. Wala ba itong tiwala sa kanya?

"Ngayon na yung lipat ko, actually, hinihintay na ako ng kaibigan ko sa labas ng gate. You can follow me there Lilyth. Thanks Mrs. Morrell. Hindi na po ako kakain dahil nangako ako na sasabay kila Daisy kakain." Aniya sa mga ito.

Naiwan ang dalawa na nakanganga. Si Lilyth naman ay natatarantang kinuha ang cellphone at sinubukang tawagan ang kanyang boss. Hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na yun.
"Ilang oras po ba ang flight nila Sir?" Tanong ni Lilyth kay Mrs. Morrell.

"8-10 hours." Sagot ng matanda.

Nakagat ni Lilyth ang daliri at sa ka pinili ang mag type na lang sa cellphone para i-message ang kanyang boss.

Samantala, tahimik na inilagay ni Elaine ang kanyang mga damit sa aparador sa loob ng apartment na pinili niyang upahan. Yes! Tama! Sa apartment siya titira at hindi sa dorm ng school. Walang nakaka alam kung nasaan siya ngayon maliban kila Daisy at Lucas.laging wala ang dalawa sa bansa Kaya safe ang pagtatago at paglimot ni Elaine sa kanyang nararamdaman.

"Okay kana ba dito?" Tanong ulit ni Daisy. Tinulungan siya nitong mag ayos ng kanyang mga gamit habang hinihintay ang pagkain na inorder nila.

"Yes. I like it." Sagot niya.

"So, napilitan kang umalis ng wala sa plano dahil sa sinabi ng nobya ng Kuya mo sayo? Nahahalata ba niya na may nararamdaman ka sa nobyo niya? " tanong pa ng Kaibigan niya.

"Hindi ko alam. Pero impossible, dahil hindi na ako masyadong lumalapit kay kuya."

"Baka naman naiinggit lang siya sa iyo dahil binibigyan ka ng halaga ng Kuya mo kahit bago ka pa lang sa buhay niya." Paliwanag ni Daisy.

Napa isip naman si Elaine. Ganun nga ba Kaya? Sana nga ganun lang, dahil kung totoong napapansin nito na may pag tingin siya kay Dane, it's her totally downfall. Kailangan niyang matapos ang pag-aaral bago mangyari ang eksenang iyon.

"I hope so." Tipid niyang sagot sa kaibigan.

Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang inorder. Masaya silang kumain at sa ka nag inuman. Well, gusto lang nilang iselebra ang matagumapay na pag lilipat bahay niya.

10 hours later, New York.

Namula ang mukha ni Dane sa galit ng mabasa ang message galing kay Lilyth.

"Sir, ngayon po pala lilipat si Ma'am Elaine? Umalis po siya ng bahay at 10am. Ano po gagawin ko?"
Halos maihagis niya ang kanyang cellphone subalit naka pag timpi pa rin siya.

"What's wrong?" Tanong ni Audrey ng mapansin ang aura na bumabalot sa buong katawan ng nobyo.

"Elaine moved out." Mahinang sagot niya.

"Well, maybe she wanted to leave alone. Let her be. Teenagers are all like that, they wanted to leave alone to find their own self." Paliwanag ng babae.

Hindi umimik si Dane, bagkus ay tinawagan ang kanyang secretary.

"Booked me a ticket back to Philippines. Yes. Now."
Nanlaki ang mga mata ni Audrey sa narinig.

"You're going back to Philippines now? You've just arrived! Aren't you going to watch the fashion show?!" Hindi mapigilan ni Audrey ang tumaas ang boses.

"My subordinates will attend for me. Besides, I am the owner and the director, I can do whatever I want.

"Exactly! You're the owner and you are the director! You should be there!" Tuluyan na ngang nag burst out si Audrey.

"Lower your voice." Sabi ni Dane. Hindi siya sanay na sinisigawan. Lalo na kung galing sa taong hindi naman mahalaga sa kanya. Wait, mahalaga? Then, how about Elaine?

"Why should I? Dane Louis! I am your girlfriend! Give me at least a little attention of yours! You're always focusing with Elaine!"

"She's my sister!" Hindi na rin niya mapigilan ang magtaas ng boses. Nakaagaw na sila ng attention ng ibang dumadaan.

"She's not even your real sister!" Bulyaw ulit ni Audrey na agad ding natahamik ng makita ang ekspresyon ng mukha ni Dane.

"Take her. And don't let her come close to me." Lingon niya sa kanyang bodyguards na kasama.

Tinalikuran niya ang babaeng paulit ulit na sumisigaw ng I'm sorry but Dane acted like he didn't hear it. Ang isip niya ay naka focus sa iisang tao lang. And that is Elaine.

World Of Rich: One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon