MAFIA PRINCESS

125 4 0
                                    

Napa-singhap si Elaine pag-baba niya ng sasakyan. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang napuntahan o talagang naligaw sila ni Dane. Kabadong nilingon niya ang lalake na kasalukuyang bumababa na rin sa sasakyan.

Hinubad ng isang lalakeng naka-suot ng black and white suit ang coat ni Dane at tsaka ito yumuko para mag-bigay galang.

Napa-kunot ang noo ni Elaine. Parang may puzzle na nabubuo sa isip niya ng mga sandaling iyon.

"Maligayang pag-dating sa VOLSNO headquarter, Young Miss."

Napa-kapit si Elaine sa braso ng matanda ng bigla na lang yumuko ang mga naka-pilang kalalakihan na naka-suot rin ng black and white.

Isa lang ang nasa utak ni Elaine ng mga sandaling iyon. Dane is a member of a gangster. Wait, kaya ba may tama ng bala ng baril ang lalake nung gabing iniligtas niya ito, ay dahil sa trabaho as gangster?

"Don't worry Apo, wag kang matakot." Narinig niyang turan ng matandang katabi.

Paanong hindi siya matatakot kung ganitong mga tao ang naka-palibot sa kanya?! At isa pa, wala sa tabi niya si Dane! Pero kahit ganun pa man, sinikap ni Elaine ang tumango ay sumagot.

"I-Im just a little bit nervous, Sir."

Isang halakhak ang pinakawalan ng matandang Onslov. Tinapik nito ang kamay ni Elaine na naka-hawak ng mahigpit sa kanyang braso.

"Don't be nervous, they are all members of VOLSNO. Your boyfriend is their ruler and the boss. So it means, you're their princess." Pahayag ng matanda na nag-patigil sa pag-lalakad ni Elaine.

So, Dane is not just a member of a gang, He is the leader. Damn! Iniligtas niya ang taong kinakatakutan ng mga sindikato? Saan siya kumuha ng lakas ng loob that time?

"What are you guys standing here for?" Ang boses ni Dane ang nag-pabalik sa katinuan ng isip ni Elaine.

Nilingon niya ang boyfriend na may pag-aalala at tanong sa kanyang mga mata. Tiningnan naman siya nito ng deritso sa mga mata at tsaka nginitian ng matamis.

"Relax, they will not going to hurt you." Sabi nito sa kanya.

Napa-lunok lang si Elaine bago gumaya sa pag-hakbang ng dalawang lalake sa magkabilang side niya. Ilang sandali pa, pumasok sila sa loob ng malaking mansion na dinaig pa ang palasyo ng sinaunang panahon. Joke lang, the Villa is indeed big.
Sa malaking chandelier pa lang na naka-sabit sa gitnang bahagi ng kabahayan, masasabi na ni Elaine na hindi lang gintong kutsara ang nasa labi ni Dane kundi Diamond spoon.

"What took you guys so long outside?"

Nagawi ang paningin ni Elaine sa biglang nag-salita. Sa malapad na living room, naka-tayo ang lalaking kasing-edad ng kanyang ama. Katabi nito ang lalakeng hindi nalalayo ang itsura kay Dane.

"What are they doing here?" Malamig na boses ni Dane ang narinig ni Elaine.

Naramdaman din niya ang biglang saklit nito sa kanyang beywang. May problema ba si Dane sa mga lalakeng kaharap? Nilingon niya ang nobyo, nakikita niya ang tinitimping galit sa mga mata nito para sa lalakeng halos ka-edad lang nito base sa obserbasyon niya.

"Bakit naman hindi kami pupunta dito? Nabalitaan namin na ipapakilala mo dito ang Mafia Princess na napili mo." Ang lalakeng kaedad ni Dane ang nag-salita. Nilingon pa siya nito kaya naging sigurado na si Elaine sa kanyang hinala.

"Dane, are they the one who ordered to kill you and thrown you to the ocean that night?" Ewan ba ni Elaine, subalit nang pumasok sa utak niya ang edeyang ang mga ito ang gustong mag-papatay kay Dane, talagang parang sinapian siya ni Hitler.

Tumaas ang angry level niya. Dumilim din ang kanyang anyo at naningkit ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa, ipinilig niya ang ulo pakanan at tsaka humakbang palapit sa dalawang natigilan. Maaring nagulat din ang mga ito sa kanyang sinabi.

"Elaine..." Tawag ni Dane sa kanya.

"How weird. Ani Elaine. " Bakit anlayo ng itsura niya sa inyo?"

Itinuro ni Elaine ang lalakeng kaedad ni Dane for sure.

Napa-kunot ang noo ng lahat ng naroroon. Lalo na ang matanda at ang dalawang lalake na magkatabi.

"Elaine, come here, stop telling joke." Naiiling na sambit ni Dane.

Sa totoo lang, gusto niyang matawa. Elaine is naturally sweet and innocent. Pero kahit siya, hindi niya alam na kaya ng babae ang mag bigay ng aura na talagang mapapa-dalawang isip ka kung lalapitan mo ba siya o hindi.

"But im not, You and Grandpa have similarities, also this old man. Uncle mo ba siya?" Naka-harap si Elaine sa kanyang nobyo at naka-talikod sa dalawang tinutukoy niya.

"Yeah, he's my Uncle. And the man beside him is my cousin, his name is Dwine." Sagot ni Dane. "By the way, Uncle, this is Elaine, she's my girlfriend." Pag-papakilala ni Dane sa nobya. "And Baby, this is my grandpa." Dugtong pa nito.

"Hello..."

Lumapit si Elaine sa matanda at bago lang naisip mag-mano. Nawala din sa isip niya ang tinutukoy na pagkaka-iba ng tinawag na Dwine. Samantala, nai-kuyom ni Dwine ang kamao habang palihim na tinititigan ng pailalim ang babaeng kausap ng kanyang Lolo.

"Is she the fake daughter of Sandoval family?" Hindi maka-tiis na tanong ni Dwine.

Sa pamilya Onslov, hindi maaring hindi question-in ng kanyang Lolo ang katauhan ng magiging asawa ng isang Onslov. Lalo't kilala ang pamilya nila sa buong mundo bilang powerful Mafia and more than a billionaire. So, kung ipag-didiinan niya ang katauhan ni Elaine, it'll be a big damage for Dane na pinili ang babaeng maging partner nito.

"Yeah.. I am." Sagot ni Elaine na muling dumilim ang anyo.

Ramdam niya na ayaw sa kanya ng dalawa. Pero, as a girl, may tinatawag na girl instinct ang mga kababaihan. And they are great in investigating just using their eyes. "I am that mistaken daughter. How about you?"

"What?" Namilog ang mga mata ni Dwine na namula ang mukha sa biglang pag-alsa ng galit.

"I said, inaamin ko na hindi ako tunay na anak ng Sandoval, but how about you?"

"Elaine." Tawag sa kanya ni Dane. But Elaine is enraged.

Alam niyang hindi siya anak ng Sandoval, but it hurt her kapag ipinapamukha iyon sa kanya. Hindi niya alam kung sino ba ang tunay niyang ama, only her mother. Kaya talagang galit siya ngayon.

"Bago mo ako husgahan, sumailalim ka muna sa DNA test at patunayan mong anak ka rin ng isang Onslov. Dahil kung ako ang titingin, anlayo ng itsura mo sa mga Onslov. Kaya siguro binalak mo rin ipapatay si Dane. Right?!"
Naka-kuyom ang mga palad na turan ni Elaine.

World Of Rich: One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon