SLIPPED OF THE TONGUE

183 4 0
                                    

Naka-upo sa isang upuan ang dalawang Onslov, Si Dane at ang Lolo nito. Kasalukuyang nasa malawak na tagong hardin ang dalawa kaharap ang mahigit isang daang tauhan. Sa pinaka-harapan, naka-luhod ang mag-amang Dwine at ang ama nito.

Ika-pito ng umaga ay naka-tipon na ang lahat doon. Maagang nagising si Dane pagkatapos ng matinding trabaho kagabi kasama si Elaine. Hind niya alam kung ilang beses ba siyang nag-pasawa sa katawan ng nobya dahil sa epekto ng drugs na pina-langhap kay Elaine ng magagaling niyang kamag-anak.

"You cut his hands off?" Tanong ng kanyang Lolo na posturang naka-upo sa tabi niya.

"Yeah, but I think it's not enough."

Nakita niya kung paano nag-tagis ang mga bagang ng kanyang pinsan, habang ang ama nito sobrang dilim ng anyo na naka-titig sa kanya. They have the guts to act like this?

"Ilang beses kong pinalampas nang ilang beses mong subuking patayin ako. Inaakala mo ba na dahil pinapabayaan kita, hahayaan ko rin na pakialaman mo si Elaine?" Tanong ni Dane sa pinsan na bagama't umiiyak ng tahimik, madilim naman ang anyong naka-tingin sa kanya.

Isang smirk ang pinakawalan niya, "Lowering your guard just because I never fought you back. What a stupid move you have there." Aniya pa.

Pumalag si Dwine bilang pag-papakita ng pag-tutol. Hindi ito makapag-salita dahil na rin sa busal na inilagay niya sa bibig nito.

"I just have one question for the both of you." Inayos ni Dane ang pagkaka-upo.

Naramdaman din niya na napa-sulyap sa kanya ang kanyang Lolo.

Tinitigan niya ang kanyang Tiyuhin na naka-titig sa kanya. "Are you the one responsible for my parents accident, right?" Tanong niya dito na nag-patigil sa lalake.

Naikuyom ni Dane ang kamao. "What an obvious reaction." Madilim ang anyong sambit niya.

Naramdaman niya ang biglang pag-tayo ng kanyang Lolo. Mabilis ang mga hakbang ng matanda na tinungo ang anak na naka-luhod. Pagkatapos ay tinanggal ang busal.

"You, what did you do?!" Sigaw ng matanda.

Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay ng kanyang Tiyuhin sa ama nito.

"I did what I did. Bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung bakit ko ginawa? Dad, simula pagka-bata, wala kang ibang bukambibig kundi ang bunso mong anak! Anak mo rin ako, pero itinuturing mo akong parang ibang tao!" Sigaw ng lalake.

"I killed them! Yes! But they deserved it. Sayang nga, e! Hindi pa nasama si Dane-" isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ng lalake.

Napa-tingala ito at isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi. "See? Kailan mo ba ako tinuring na anak?!" Anito na dala na rin marahil nang matagal ng kinikimkim na galit at sama ng loob, pumatak ang luha nito sa lupa.

"Hindi pa ba sapat na pinalaki kita, pinakain, at binigyan ng pangalan? Bakit kailangan mong patayin ang anak ko dahil lang sa inggit?! Ibinigay ko sa'yo ang lahat ng kailangan mo, kahit hindi kita tunay na anak!" Isang suntok ang pinakawalan ng matanda na tumama sa mukha ng lalake na sadyang nagulat.

Hindi lang ito ang nagulat kundi ang lahat ng naroroon kasama si Dane na ngayon din lang nalaman ang totoo.

"W-What are you saying...?" Mahinang usal ng lalake na sinisikap na iangat ulo.

Sa halip na sumagot, tumalikod ang matandang Onslov bago nag-salita. "You're not my son, anak ka ng isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa VOLSNO. He sacrificed his life for me to keep me alive. In exchange, I have to keep you as my child." Malungkot ang boses na sagot ng matanda.

Parang tinuklaw ng ahas ang lalakeng kausap. So that's why, kahit anong gawin niya sa pamilya Onslov, hindi niya makuha ang buong pag-mamahal at simpatya ng kanyang ama, because he's not his father. Then, it also means, Dwine is not his grandson. Malinaw na ang lahat. Kaya lang, bakit hindi gumaganti si Dane kahit ilang beses na siyang sinubukang patayin ni Dwine?

"I-I am not Onslov?!" Sigaw ni Dwine.

Natanggal na pala ang busal nito. Maaring ipinatanggal ni Dane.

"You're not." Sagot ng kanyang Lolo.

Parang binagsakan ng langit ang binata. Nanginig ang katawan nito. "Then, why didn't you kill me?!" Malakas na tanong nito.
Nilingon si Dwine ng kanyang kinikilalang Lolo. "Because Dane asked me not to touch you." He said.

Napa-lunok si Dwine na napa-sulyap sa pinsan na naka-upo parin at nakikinig lang. The man is looking at him with blank expression on his face.

"I did that because I thought, you're my real cousin. Ayaw kong magalit sa akin si Lolo." Walang emosyon na sambit ni Dane bago ito ngumiti. "But since I know now... Well, hah! My hands are itching to torture you, cousin." Nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi ni Dane.

Dwine shivers, is this man, really is Dane? Tanong niya sa sarili.

"Bring them to my kingdom.." Sambit ni Dane na malapad paring nakangiti.

Ilang beses pumalag ang mag-ama habang ibinabalik ang busal sa mga bibig ng mga ito. Sinulyapan ng ama ni Dwine ang ama na hindi na muling tumingin sa kanya. Gusto niyang tawagin ito, gusto niyang humingi ng tawad, pero hindi niya magawa.

"Hmp! Hmp!" He's saying.. "Father! Father!" But the old man remains deaf. Hindi ito lumingon kahit pa kinaladkad na sila ng mga tauhan ng VOLSNO.

Alam niya, nasaktan niya ang ama. Siya ang dahilan ng pagkawala ng nag-iisa nitong anak. Kung maibabalik lang niya ang nakaraan, he will never do that unforgivable crime.

"I'm sorry, I'm sorry.." Paulit-ulit niyang sambit sa isip.

Maaring huli na para mag-sisi, alam niya, ito na ang huling araw na makikita niya ang ama. Ha! Alam niyang mamamatay siya sa kamay ni Dane, pero kung bibigyan siya ng pag-kakataon, gusto niyang makita ang kanyang mag-ina.

"May gusto ka bang sabihin, Uncle?" Tanong ni Dane na ipinatanggal ang busal sa bibig niya.

Sunod-sunod na tango ang naging sagot niya. "Yes.. Please, just this once, alam ko, you gonna kill me, but please, just one last time, I wanna see Elise." Anito.

"Elisse? Who's that?" Tanong ni Dane.

Humakbang ang kanyang Lolo palapit sa kanya. "Elisse, is his ex-girlfriend. Nag-hiwalay sila dahil natuklasan ng babae na ikakasal na siya sa ina ni Dwine. Pagkaka-alam ko, Elisse was pregnant when she left." Kwento ng kanyang Lolo.

"Please, Dane, gusto kong makita si Elisse..kahit isang beses lang, I wanna see my child with her."

"What's her complete name?" Tanong ni Dane na nasapo ang ulo.
Hindi siya ganun kasama para pag-bigyan ang huling kahilingan ng isang taong mamamatay na sa kamay niya.

"Corpuz, her name is Elisse Corpuz."

Sabay-sabay na napaalingon ang lahat ng marinig ang malakas na pagkabasag ng baso sa di-kalayuan. It was Elaine. She looks shocked and she's trembling.

"W-What is her name again?" Tanong ng dalaga na nag-patigil sa lahat.

Nang hindi sumagot ang tinanung. Humakbang si Elaine palapit sa lalake. "Answer me, did you just say, Elisse Corpuz?!"

"Yeah.. Why?" Tanong ng lalaki.

Sinaklit ni Dane sa beywang ang nobya ng muntik na itong mabuwal.

"Do you know, Sandra Corpuz?" Nanginginig ang boses na tanong niya.

"Yeah, that's her sister.." Sagot naman ng lalake na naka-titig na sa kanya.

World Of Rich: One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon