"No." Sagot ni Elaine sa tanong ng kanyang kuya.
Gusto niya magpahinga ng walang katabi. Tiningnan niya ang mga katulong na mukhang tapos na sa ginagawa kaya humiga na siya ulit saka ibinalot sa katawan ang kumot.
"Alright, goodnight." Naramdaman ni Elaine ang paglapit ni Dane sa gilid ng kanyang kama at saka siya hinalikan sa noo bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.
Ilang sandali pa ay nakatulog na si Elaine.
Next morning.
Nagising si Elaine bandang alas syete ng umaga. Bumangon siya at saka nag-unat ng braso. Tinungo ang aparador na gawa sa kahoy at kinuha ang red two-piece at isinuot. Pagkatapos ay kinuha din niya ang bathrobe na naka-hanger at isinuot din. Lumabas siya ng kanyang kwarto at nasalubong si Lilyth na mukhang kakatok na sana sa pinto ng kanyang kwarto.
"Miss Elaine, good morning. Nakahanda na ang almusal ninyo at hinihintay kana ng kuya nyo." Salubong nito sa kanya.
Tumango si Elaine at sumunod kay Lilyth papunta sa dining room. Nakita niya ang kuya niya na naka-upo na habang nagbabasa ng dyaryo. Nang mapansin nito ang presensya niya ay umangat ang tingin nito at tumingin sa kanya.
"Morning.." Mahinang bati niya dito.
"Morning. Sit." Utos nito.
Umiling si Elaine at lumapit dito para humigop ng kape sa baso nito.
"I'll take my breakfast at the pool." Wika niya saka lumingon kay Lilyth. "Help me bring my breakfast there please." Naka ngiting pakiusap niya dito.
"You're going to swim this morning?" Tanong ni Dane na itinupi ang dyaryo.
"Yeah.. I'll use your pool. Okay lang ba?" Tanong niya dito.
"En." Sagot ni Dane habang tumatayo.
Dinampot ni Elaine ang tinidor at saka tinuhog ang hotdog bago lumakad papunta sa puntuan habang kumakagat sa hotdog.
"Be careful while swimming." Pahabol ng kanyang kuya.
"Yeah. I know how to swim. I was supposed to swim when I found you." Nilingon niya pa ito habang naka smirk.
Tinitigan lang siya ni Dane hanggang sa makalabas siya ng bahay. Natatawa namang umiling si Mrs. Morrell.
"Tanging si Elaine lang ang babaeng nakakapag tahimik sayo at hindi kayang makasagot. " wika ng matanda.
"En. Because she's too spoiled." Muli niyang itinuloy ang pagbabasa.
"And you keep spoiling her."
Napangiti si Dane sa sinabi ng kanyang yaya."Yeah. I admit that." Aniya.
Nang humihigop siya ng kape ay tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at sinagot.
"Tristan" sagot niya.
"Hey dude! How are you?"
"Good. What makes you called me?" Isinubo ni Dane ang skinless langgonisa na naka-tuhog sa tinidor.
"You're so serious. I'm almost at your villa. I didn't eat yet so ill take my breakfast there."
Senenyasan ni Dane si Mrs. Morrell na kumuha ng isa pang plato para kay Tristan.
"Are you alone?" Tanong niya dito.
"Nope! I'm with your love one." Parang nanunuksong wika ni Tristan."Got it. Come quick."
"Hahaha did you miss her that much? Dude, we didn't see each other for too long!"
"En. Just come quick before I finished eating." Sagot niya.
"Tch! How rude."
Napa-chucle si Dane at saka pinutol ang linya. Nilingon niya si Mrs. Morrell at sinenyasan ito na dalawang plato ang idagdag. Tumango naman ito at saka sumunod.
20-minutes later ay dumating na ang dalawa niyang bisita. Mabilis na pumulupot sa batok niya ang mga braso ni Audrey para halikan siya. Pagkatapos ay binigyan din niya ng brotherly hug si Tristan.
"How was your flight?" Tanong niya dito.
"Tiring.. If not for Audrey, I would just wait for you guys to come." Sagot ni Tristan.
Sinusundo kasi nito ang kapatid na si Audrey para sa rehearsals nito for fashion show.
"Audrey will be coming with you and I'll be there 3 days before the show." Sagot niya habang inaalalayan ang nobya na maka-upo para makakain.
"Yeah.." Sagot ng kanyang kausap.
Bumalik siya sa kanyang upuan at saka muling humigop ng kape. Sakto naman pumasok si Lilyth sa kusina.
"Oh! Hi Lilyth!" Bati ni Tristan sa katulong.
Sa ilang beses nitong pagbalik-balik sa villa ay naging magkakilala na rin ang dalawa.
"Sir Tristan." Ganting bati ni Lilyth.
"Where are you bringing those foods?" Kunot noong tanong ni Tristan ng makitang kumukuha si Lilyth ng pagkain sa kusina.
Sasagot na sana si Lilyth ng may pumasok ulit sa kusina."Nanay Morrell, do we have some watermelon?" Tanong ni Elaine na ang bathrobe ay nakasuot subalit hindi naka tali.
Kaya kitang-kita ang perpektong hubog ng katawan niya na binagayan pa ng pulang two-piece na kulay pula. Natahimik ang lahat ng makita siya. At ganun din ang reaksyon niya nung una. Subalit ng makabawi ay mabilis siyang ngumiti at kumaway pa kay Audrey.
"Sister-in-law!" Napatakbo pa siya dito at yayakap sana pero nahila ni Dane ang robe niya. Kaya napalingon siya dito na kunot ang noo.
"You're soaked." Malamig na boses nito ang ginamit sa kanya.
Natanto naman ni Elaine ang sinabi ng kuya niya kaya napa pout siya. Hinawakan na lang niya ang kamay ng super model.
"When did you arrive?" Tanong niya dito.
"Just now." Sagot naman ni Audrey na naka-ngiti din. "I'm with my brother."
Saka lang napansin ni Elaine ang gwapong lalake sa tabi ni Audrey. Namilog ang kanyang mga mata ng mamukhaan ito saka dahan-dahang umangat ang kamay at itinuro ang lalake.
"T-Tristan Gatchalian?! That's him right?! The model?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Napakurap naman ang lalakeng nagulat din. Hindi dahil sa kilala siya ng babae kundi dahil sa itsura ng babae.
"Ah.. Yes. I am...
" oh. My. Gooooossshhh!!!" Sigaw ni Elaine saka patakbong lumapit sa lalakeng model at mabilis na yumakap dito. "I'm a fan!" Tuwang-tuwa niyang sabi.
"Ahh.. Ehem. Yah. Hello." Hindi alam ni Tristan kung ano ang gagawin dahil nakayakap sa kanya ang babaeng naka two-piece and soaked.
Magsasalita pa sana si Elaine ng isang marahas na hila sa likod ang nagpahiwalay sa kanya kay Tristan. Paglingon niya ay ang madilim na anyo ni Dane ang kanyang nakita. Napa-flinch tuloy siya.
"You're wearing only two-piece and you're soaked yet you dared to hug someone you've just met?" The ice king spoke.
BINABASA MO ANG
World Of Rich: One Step Closer
RomantizmAll ages below 16 is prohibited from reading this. R18 alert!! A 19 years old Elaine Sandoval saved a stranger at night on her birthday. A man has been shot according to her observation. One Month later, Her parents found out that she is not t...