Napahawak ako sa kamay niya na siyang sumasakal sa akin sa pág-asang makakatulong ito para makahinga pa ako ng maayos.
"L-Luis" nahihirapang sambit ko habang nakatingin ng diretso sa kanya
Mas nahirapan akong huminga ng mas dumiin ang pagkakasakal niya sa akin. Ang aking mga paa na kanina'y nakatapak pa sa sahig ay nakalutang na ngayon
Ayoko pang mamatay
"Huwag na huwag mo akong tatawaging Luis binibini..hindi ako kasing hina ng nilalang na iyon na pwede mong utus utusan..ibahin mo ako" mas napangisi pa siya ng makita niyang mahihirapan na akong huminga na para bang tuwang tuwa siya sa nakikita niya ngayon
Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata kahit na nahihirapan ako. Isa lang ang napansin ko sa mga mata niya puno ito ng..galit ngunit hindi pa rin mawawala sa kanyang mata ang bakas ng pagkatuwa..dahil yata may sinasaktan siya ngayon?
"L-Luis..tulungan mo ako" naiiyak na sambit ko habang nakahawak pa rin sa kanya. Nakahawak ako sa mga kamay niya na nakadiin ngayon sa leeg ko sa pag-asang kahit papaano makakahinga ako ng kaunti
Nagulantang na lamang ako ng bigla akong ihagis sa isang direksyon kung kaya't napaigik ako ng tumama ang likuran ko sa pader. Kinginamerch naman 'tong lalaking 'to..ang hard ha
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Napaluha na lamang ako ng dahan dahan siyng humakbang papalapit sa akin. Nanghihina man ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makaatras at hindi niya ako maabutan pero hindi sapat 'yon para makalayo ako para sa kanya. Ngumiti siya habang papalapit pero ang ngiting iyon ay nagdulot sa akin ng hindi maipaliwanag na kilabot.
"H-huwag kang l-lalapit sa akin..ibalik mo si Luis!" singhal ko sa kanya dahilan para matawa siya ng malakas. Tawa siya ng tawa na akala mo naman may makakatawa talaga.
Luis huhuhu help me please..pigilan mo ang lalaking 'to!
"Isa kang pambihirang binibini..hindi ako makapaniwala na nagagawa mo ang kung ano anong mga bagay kay Luis. Pero sa akin? Isang maling salita mo lamang ay hindi mo na sasapitin ang bukas. Kung ako sa iyo, magpapakabait na ako at ako'y hindi na magsasalita pa" bakas ang tuwa sa kanya habang nagsasalita. Sinamaan ko siya ng tingin at halatang hindi niya nagustuhan iyon dahil bahagya niyang sinampal ang kaliwang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya.
"I-ibalik mo si Luis..pakiusap" pagmamakaawa ko pero natawa lang siya pero agad ding nagseryoso ang mukha niya saka niya ako sinugod at sinampal ulit ng malakas. Agad akong napadura ng malasahan ko sa bibig ko ang dugo. Nyemas! Ang pangit ng lasa!
"Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na huwag mong babanggitin si Luis! Hindi na siya babalik sa inyo kahit kailàn! Mananatili siyang nakakulong sa madilim na lugar na hindi mo maaabot" habang sinasabi niya ang mga iyon ay unti unti niya akong sinasabunutan dahilan para mapaigik ako dahil nagagalaw ang parte ng katawan ko na tumama ng malakas sa pader dahil sa pagkakahagis niya sa akin.
Kung alam ko lang na mangyayari sa akin ang ganito edi sana tinuloy ko na ang pag-enroll ko sa Taekwondo para kahit papaano hindi ako lugi sa kalaban ko..
Masakit na rin ang anit ko dahil sa lakas ng paghila niya rito. Feeling ko anytime makakalbo ako like omeged my hair! Alagang alaga ko ito, ginamitan ko pa ng kung ano anong oil na pampakintab at para maging stay healthy siya tapos masisira lang dahil kay Lucas na 'to? Asa siya!
May alam akong paraan para maibalik siya pero sana..si Luis ang bumalik
Dahan dahan akong tumingin sa kanya saka siya tinitigan ng mariin sa mga mata. Habang nakatingin ako sa mga mata niya halata ang pagkakaiba ng tingin niya sa kung paano tumingin si Luis.
![](https://img.wattpad.com/cover/264377466-288-k688668.jpg)
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...