Chapter 1: Hidden Agenda

1.1K 26 0
                                    

(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)

Kagagaling ko lang sa eskuwela nang ako ay makauwi sa bahay. Nabigyan kami ng isang oras na break, at dahil sa walking distance lang ang aming bahay ay naisipan ko na lang tumuloy agad doon. Excited akong makita ang aking ama at makausap ito dahil saktong day-off niya mula sa kaniyang trabaho bilang piloto. Ngayon lang kami nagkasama dahil salungat lagi ang aming schedules. Pagdidiskusyonan din namin ang aking sixteenth birthday sa susunod na buwan.

Parang kakaiba ang araw ngayon dahil hindi masyadong mainit at estranghero ang aking nadarama. May paru-paro sa aking sikmura at magaan ang bawat paghakbang ko pabalik sa tahanan. Mukhang ganoon lamang ang aking nadarama dahil narito ang aking tatay. Naamoy ko rin ang bagong putol na damo roon na hobby pagkaabalahan ng aking ama kapag bumabalik sa aming bahay.

"Papa? I'm home!" Ipinihit ko ang doorknob nang masusian iyon. Ini-lock ko mula sa loob ang aming bahay, saka ko sinuyod ang sala. Wala roon ang aking papa kaya lumapit ako sa hagdan. "Papa, ang daya mo naman, eh! Amoy ko pa kaya na bagong putol ang damo sa labas. Huwag mo na akong taguan—Yaya Jian!"

"Uy, nandiyan ka na pala, alaga ko. Gusto mo ba ng cookies? Kanina ay may ipinahanda rito ang nanay mo. Tapos may jam pa, favorite mo. Blueberry flavor. Kumain ka na at tatawagin ko si Sir."

"Ayaw ko nga," pagmamaktol ko rito. Hinawakan ko ang kamay ng matandang nakahawak sa akin bago iyon tanggalin. Tiningnan lang niya ang aking mukha na parang ako ay dinidisiplina at kinukuha sa pagtitig. "Hindi pa po ako gutom, eh. Si Papa ang hinihintay ko. Malapit na po maubos ang oras ng break, oh. Kailangan ko nang mapuntahan si Papa at kausapin. May date pa sila ni Mama mamaya."

May matigas at maotoridad na tinig ang sumagot sa akin sa likuran, "Kapag sinabing kumain ka, kakain ka. Ano naman ang mapag-uusapan ninyong matino kapag hindi ka kumain? Ilang oras kang babad sa initan dahil sa training ninyo kaya hindi imposible na nauuhaw ka na at gutom. Kain."

Naroon pala ang aking tiyahin na si Tiya Danilyn kaya wala akong choice kung hindi ang sundin siya. Lagi itong nag-uutos sa akin kahit pa nasa harap niya ang aking ina, at pansin kong hinahayaan lang ito ng aking nanay. Ate niya kasi ang aking tita at hindi naman ako nito pinalo kailanman. Ito rin ang mas nasusunod ko lagi dahil sa kaba ko sa kaniya.

Baby pa lang ako ay lagi nang nakatira dito ang aking tiyahin. Nakakapagtaka dahil hindi ito umaalis kailanman, ngunit nakatutulong naman siya sa aking ina dahil kapag may bisita kami ay humaharap ito. Hindi siya tapos ng pag-aaral dahil pinili nito ang magbulakbol at nakikitira siya sa amin. Ito ang tumatayong guardian ko minsan kapag wala ang aking tatay na piloto, at ang nanay kong actuary. Sila ang nagpapasok ng pera sa amin pero may nakuha rin ang aking ama na pagawaan ng jam sa namayapa kong lola.

"Iyan, kumain ka nang kumain. Umalis ka agad dito sa bahay pagkatapos mong kumain." Para akong itinataboy ng aking tita ngunit hindi ko na naatim pa ang magsalita. Padabog niyang nilapag ang plato sa aking harap at walang pag-iingat na nilagyan iyon ng pagkain. Tinambak niya lang iyon. "Huwag mo nang hanapin pa ang tatay mo mamaya. Baka abala yon—"

"My princess! Lorna, my baby!" Mabibigat ang bawat paglakad ng ama ko papunta sa akin. Malaking lalaki talaga ito at lubos ko siyang hinahangaan at ng aking mga kaklase. Sikat na sikat ito noon dahil dati siyang artista ngunit huminto sa showbiz nang makilala ang nanay ko. Yumakap ito sa akin. "Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka. Akala ko naman ay sa school ka na magtatagal. We should discuss about your birthday, okay? May ibibigay muna ako sa iyo."

Kinuha niya ang keychain na may disenyo ng eroplano. Naglabas din ito sa kaniyang bulsa ng 3d model ng sinaunang airplane model ng Wright Brothers at Eiffel Tower. Napahanga ako agad ng kaniyang surprise dahil mahilig akong mangolekta ng lagi niyang dala para sa akin. "Woah! Wala pa ako nito! At Papa, ang ganda nitong tower! May Leaning Tower of Pisa na ako, may Eiffel pa. Papa... next time... iyong phonebooth na red naman ah? Ang ganda kasi."

Maidservant's ConcealmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon