(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)
Nang matapos ang usapan namin ni Apple ay naglakad na kami pabalik sa kanilang kainan. Doon ko nakasalubong si Maricel na halatang nagpa-panic na. Kalmado lang si Apple na inaalalayan ako saka niya hinarap si Maricel. "I'm sorry, hindi yata kita nasabihan na iikot kami. Nandoon lang kami sa garden dahil miss na niya ang makakita ng butterflies. May hahabol naman kay Lorna kapag tinakasan niya ako. Kumain na tayo ng merienda?"
"Sige po, Ma'am Apple. Lorna talaga, grabe ang kaba ko nang dahil sa iyo." Kinuha na niya ang aking kamay saka ko lang ito sinundan. Halatang kabado siya dahil pawis na pawis ang kaniyang mukha at pasmado ang kaniyang palad. "Halika na at pagpahingahin mo naman ako. Huwag ka nang maglilikot pa kasi nakakatakot ang ginawa mo kanina."
Nakakaawa ang hitsura nito dahil pagod talaga siya. Hindi ko na inisip pa ang maglikot o mangulit saka kami umupo sa mesa. Nasa tabi ko si Maricel, habang nasa tapat namin si Apple. Nauna pa akong asikasuhin ni Maricel dahil pinunasan nito ang aking pawis. Inayos din niya ang aking buhok at sinuklayan iyon. Inihain na sa aming harapan ang malaking kaldero ng ginataang mais.
"Apple," pagtawag ko sa kaniya. Tiningnan lang ako nito at medyo kumurba ang ngiti niya para ipakita na napansin niya ang aking pagtawag. "Ninong ko... nasa'n siya?"
"Ah? Ang daddy ko... he's in the hospital. May emergency kasi. Pero if you'll stay a little longer, baka magtagpo kayo. Kasi gusto ka rin niyang makita at makasama. Sige na, kain na kayo. Marami pang pagkain if may gusto kayo." Sinalinan ni Maricel ng pagkain ang aking bowl bago ko siya panoorin. Binigyan din niya ako ng kutsara. Saka niya isinunod ang kaniyang mangkok. Muli itong kinausap ni Apple, "You're Maricel... sa pagkakaalala ko. Would you mind if I'll ask you some questions? Ah, you're not answering. Ibig kong sabihin... puwede ba kitang tanungin ng mga personal na tanong? Kasi hindi basta-basta sa akin ang inaalagaan mo."
"Opo, Ma'am. Naiintindihan ko naman po ang gusto ninyong iparating. Ano po iyon?" Sinubuan muna ako nito ng pagkain saka ko napansin na maasikaso pala talaga siya. Hinipan niya rin iyon at sinubo ko agad para hindi siya mahirapan. "Sabihan mo ako kapag mainit, ha? Baka mapaso ka."
"Thank you, Maricel. Ako na bahala..."
Nakahinga na ito nang maluwag sa aking sinabi. Pansin kong gutom na pala ito nang medyo bilisan niya ang pagkain doon. Nakasilay naman sa kaniya si Apple saka kami nagkatitigan. Sinesenyasan ako nito na huwag masyadong manlambot kay Maricel saka siya tumuwid ng upo.
"Your parents? Nasaan ba sila? And pang-ilan ka sa magkakapatid?"
"Wala na po akong tatay. Iniwan niya kami para sa pera at para sa mas magandang oportunidad. Pero okay na po iyon. Ang nanay ko, nasa bahay at hinihintay akong magpadala. Sa probinsya po kasi kami nakatira. Nag-iisang anak lang po ako." Tumango-tango si Apple na parang nakumbinsi kahit papaano. Nagpatuloy sa kaniyang kuwento si Maricel, "Lumaki din po ako sa siyudad noong dalaga na ako. Iyon po, medyo marunong na. Nakapagtapos naman po ako pero hindi makakuha ng trabaho. Mahina po kasi ang utak ko."
"Oh, hindi ko sinasadya siguro dahil hindi ko alam ang direksyon ng istorya mo. We're the same. Ako, anak din ako ng tatay ko noon sa nanay ko na nilasing siya. Kaso she's not taking care of me, eh. Pinapabayaan lang ako at kinakawawa. Noong isinugod ako sa ospital noong bata ako dala ng lumalala kong ulcer, siya ang gumamot sa akin. At doon niya nalaman na anak niya ako. Binabae ang tatay ko kaya hindi ko na kinailangan pa ng nanay. Kaya iyon, saludo ako sa kaniya na kahit laging abala, ipinapasok pa rin ako sa ospital para maalagaan. Ganoon talaga kapag ama at ina ang role sa atin."
"Oo nga, Apple. Galing-galing naman ni Ninong!" Ipinakita ko sa kaniya ang thumbs up ko dahil halatang paiyak na ito. Umatras ang kaniyang mga luha saka ito tumawa na lamang. "Tagal Ninong, ah? Play pa kasi kami ni Mama Tina mamaya..."
BINABASA MO ANG
Maidservant's Concealment
RomanceNang mamatay ang ama ni Lorna, natuklasan niya na nasa loob ng kaniyang mismong pamilya ang salarin nito. Dahil sa kaniyang kakulangan ng ebidensya ay naghanap siya ng maaaring balatkayo nang madali iyong makamtan; ang magpanggap na siya ay nag-aasa...