(𝘔𝘢𝘳𝘪𝘤𝘦𝘭)
Muli siyang hihirit ng paghalik sa aking labi nang takot akong umatras palayo. Ibang tao bigla ang aking nakita kay Lorna nang malaman ang ginagawa nito. Alam kong hindi niya ako niloloko dahil malaman lahat ng sinabi nito, 'di kagaya noon na puro paglalaro ang sentro ng kaniyang mga sinasambit. Gumapang naman ito palapit sa akin bago ako haplusin sa braso.
"Hey, Mari... ako pa rin naman ito. Huwag mo naman akong katakutan. We're friends, right? Saka wala namang magbabago dahil I'll proceed with my disguise para hindi ka mawala sa akin at hindi ako mapalayo. Gusto ko lang na magtulungan tayo sa balak ko. Please, listen to me. Pag-asa kita." Nagbago sa isang iglap lahat ng nakikita ko kay Lorna. Naiisip ko rin ang pagyakap-yakap nito sa akin, at ang pag-iiwas niya sa tuwing nagbibihis ako. Kinuha niya ang kaliwa kong braso bago dumausdos ang paghawak niya roon. Hinalikan nito ang palad ko. "Talagang gusto naman kita, Maricel. Kaya nga may tiwala ako sa iyo at nagpakilala ako. Kung wala? Baka nagpatuloy ako sa pagkukunwari. Will you please let me explain?"
Kahit na ganoon ang sitwasyon ay nagtanga-tangahan pa rin ako, "Let you... ano? Hindi ko maintindihan."
"Pagpapaliwanagan kita. Halika rito, Mari." Marahan niya akong hinila kaya nagpunta rin ako sa kaniya para kumportable kaming dalawa. "Ginagawa ko lang naman ito para matulungan ang nanay ko at ang lahat ng nasa bahay. Since I'm sixteen, nangongolekta na ako ng mga puwedeng lead para makapagturo sa pumatay sa tatay ko. Kaya masungit ako sa mga bagong taong dumadating sa amin. Napansin mo ba? Inaaway kita dati dahil wala akong tiwala sa iyo."
"At... tingin mo ay solusyon doon ang pagpapanggap na isip-bata? Paano naman iyon sumagi sa utak mo?"
"I don't know, Mari. Pero iyon ang paraan para makagalaw ako nang malaya sa bahay at makapaghanap ng ebidensya kung mayroon man. I'm protecting everyone inside the house. Alam kong hanggang hindi pa tukoy kung sino ang pumatay sa tatay ko... nasa kapahamakan kami. Ayaw kong may sumunod pa." Unti-unti na rin akong naliliwanagan sa kaniyang mga paliwanag. Naghawak ang mga kamay naming dalawa. "At ikaw, grabe ang tiwala ko sa iyo. Ayaw ko ring pagbuntunan ka ng galit ng kung sino man iyon. Baka mapatay ka rin. Hindi ko alam kung sino ang dapat na ituro bilang may sala."
"Humahanga ako sa mga sinasabi mo, Lorna. Hindi na ikaw ang binabantayan ko. Babaeng-babae ka nga." Ngumiti ako sa kaniya para gumaan ang mga nangyayari sa amin. Saka ko lang napagtanto na maging ako, gusto kong makilala ang pumatay sa tatay namin ni Lorna. Dapat na magtulungan kaming magkapatid. Ngunit hindi niya pa dapat malaman ang totoo. "Sige, tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. Dito na lang din tayo magkausap ng ukol sa plano natin. Delikado tayo kapag nahanap na tayo at may mga kasama na ulit sa bahay."
"Sina Apple at ang ninong ko ang bumuo ng plano para magkunwari akong umaatras ang edad. But hindi ko sasabihin sa kanila na nag-reveal na ako sa iyo. Thank you for your cooperation." Binitiwan na rin ako nito bago yakapin. Niyakap ko na lang ito pabalik dahil kahit papaano ay nakatutuwa pala ang totoong anyo ni Lorna. "But you're still my crush. Stop pushing yourself away from me."
"Lorna naman. Hindi nga talaga puwedeng mangyari iyan." Pagkakalas ko pa lang ay sumagot na ako, "Oo... maayos ka na at kausap mo ako nang normal. Pero naiisip mo ba ang ipinagkaiba natin? Mayaman ka, mahirap ako. Maganda ka... ako hindi ko alam kung pasok ba ako sa standards mo. Saka hindi mo puwedeng idahilan na ganito ganyan ang ginagawa ko. Magkaiba iyon."
"I see nothing wrong sa differences natin. Mari, ang nakikita ko lang sa iyo ay ang babaeng gusto ko." Lalo pang nadadagdagan ang aking kasalanan dahil alam kong kinikilig ako sa kaniyang mga sinasabi. Saka ko lang natiyak na ang pamumula ko ay pinaghalong kilig at hiya. "I really like you, Mari. As my Mari. Hindi bilang kasambahay o bantay ko. I like you for who you are. At napakaganda mong babae para sa akin."
BINABASA MO ANG
Maidservant's Concealment
RomanceNang mamatay ang ama ni Lorna, natuklasan niya na nasa loob ng kaniyang mismong pamilya ang salarin nito. Dahil sa kaniyang kakulangan ng ebidensya ay naghanap siya ng maaaring balatkayo nang madali iyong makamtan; ang magpanggap na siya ay nag-aasa...