(𝘔𝘢𝘳𝘪𝘤𝘦𝘭)
Dalawang oras na kaming nagkakausap ni Abhi ukol sa kaniyang balak sa mga susunod ko pang birthday. Naubos ko na rin ang mga handa namin, pati na ang mga balloon doon ay na-deflate na naming dalawa. Gagamitin ulit namin iyon sa kaarawan ni Lorna. Pansin ko rin na ang ganda nito sa kaniyang suot kahit na t-shirt lang na may kalakihan sa kaniya at leggings. Hinawakan ko ang buhok niya at napansin ko ang gupit nito, kahit na brown ang kaniyang buhok na alam kong natural at paiba-iba ang direksyon ng kaniyang mga buhok ay talagang maganda iyon.
"Ang ganda ng buhok mo, Lorna. Para kang laging nagpapa-salon. Hindi ko nga alam kung bakit nila sinasabi sa iyo na magulo iyan, eh. Saan mo ba nahango ang estilo na iyan?"
"Wolf cut ang tawag dito. Nakita ko lang sa palabas saka ko naisipan na kumuha ng gunting. Marami pa akong mamahaling bedsheet na ginupit at halos gawa'n ng mosaic bago nila hindi mapansin ito. Maganda, 'no?" Hinawakan nito ang kamay kong nasa buhok niya at ibinaba. Nakipag-hawak kamay ito sa akin. "Girlfriends na tayo ngayon. Kahit na limitado lang ang oras natin sa labas, ano kaya ang gusto mong gawin natin? Am I your first girlfriend?"
"Huh? First... oo. Ikaw ang unang kasintahan ko. Na babae. Sa lalaki, isa lang pero naghiwalay na rin kami agad." Interesado ito sa aking kuwento ngunit nahahalata ko kay Abhi na hindi naman siya nagseselos. Hinalikan din niya ang gilid ng leeg ko at binigyan ko naman ito ng laya na gawin iyon. Itinagilid ko ang aking ulo para mahalikan niya iyon lalo. "Nakikiliti ako, Abhi. Ano ba ang ginagawa ng girlfriends? Ikaw... anong naiisip mo na gagawin natin? Wala na yatang natitirang ideya sa utak ko."
Umangat ang paghalik nito sa aking tainga at doon siya bumulong, "Hmm... Mari? Wala akong maisip kasi na-drain din ang aking utak sa pagpa-plano ng birthday party mo. Ikaw? You have experience with women na crush mo, 'di ba? Ano ba ang gusto mong gawin na kasama sila?"
"Eh kaso Abhi, baka lang magselos ka kapag sinabi ko. Siyempre iba kapag ibang tao ang gusto ko, lalong iba ka sa kanila. Ikaw na ang girlfriend ko kaya dapat na bagong ideya ang gusto kong gawin kasama ka."
"Ikaw rin naman Maricel, crush mo lang naman sila. I won your heart now. Sa akin mo na lang tuparin ang lahat ng iyon dahil game na game ako." Sinigurado ko muna na hindi ito nagseselos nang ngumuso ako. Hinalikan lamang ako ni Abhi. "Is that what you want? Iyan na, naibigay ko na. Mas mahirap kasi para sa akin ang alamin ang pakikipag-girlfriend dahil ikaw ang una ko."
"Gusto ko lang na kakain kami sa labas, manonood ng sine, magkasama sa iisang bahay... magkakaroon ng anak kung posible man iyon... at..." Humina ang aking boses nang iniisip ko kung sasabihin ko pa ba kay Lorna ang aking plano. Alam ko namang pipilitin din ako nito. "Magtatalik kami lagi. Iyon lang, kasi para sa akin ay mas tumitibay ang relasyon kapag ginagawa iyon. Gusto kong maramdaman ang warmth ng tao. At wala pa akong experience sa lalaki, maliban sa iyo pero tiyak kong iyon ang aking gusto."
"Then we can do the best thing na gusto mo now. Iyong paglabas, panonood ng sine, at ang pagtira sa isang bahay... we can't. I love you so much, Maricel. More than my own life."
Nakakatakot ang sinabi nito sa akin na grabe ang kaniyang pagmamahal ngunit gusto ko ring pakinggan iyon. Hinila ko paalis sa kaniya ang kaniyang damit, saka ako sunod na naghubad ng katawan para makita niya ang lahat sa akin. Nang magdampi ang mga labi namin ay naramdaman ko ang pawis sa banda nitong noo na humalo sa aking balat. Humiga lang ako sa kama at hinayaang magtanggal ng natitirang saplot si Lorna. Hinubad ko na rin ang aking shorts at pang-ibaba. Tiningnan namin nang sabay ang hubad na katawan ng isa't isa.
"Your body is really perfect, Maricel. Can I touch that now?" Inilapit ko ang kaniyang kamay sa aking pagkababae. Nabigla ako nang lumusot ang dalawang daliri nito sa akin. Kinagat ko agad ang aking daliri nang ilabas-masok niya iyon at nasa iisang direksyon lamang. Tumagal iyon ng dalawang minuto bago siya magkomento, "So this is it... ganito pala ang hitsura ng nasa porno... mas maganda pala kapag sa personal ginagawa."
BINABASA MO ANG
Maidservant's Concealment
Lãng mạnNang mamatay ang ama ni Lorna, natuklasan niya na nasa loob ng kaniyang mismong pamilya ang salarin nito. Dahil sa kaniyang kakulangan ng ebidensya ay naghanap siya ng maaaring balatkayo nang madali iyong makamtan; ang magpanggap na siya ay nag-aasa...