Chapter 17: Swap

117 4 0
                                    

(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)

Nananatili lang akong nakaupo sa kama nang dumating na si Ivory sa silid. Kinuha nito ang upuan sa harap ng damitan, saka iyon hinila papunta sa aking harap. Umupo ito roon at tinanggal ang kaniyang mga butones sa pang-itaas. Kagat-kagat nito ang labi niya nang mariin habang ginagawa iyon na halatang sine-seduce ako. Diretso lamang ang aking mukha sa kaniya lalo na't praktisado ko na ang aking itatanong.

"Are you cheating on me, Ivory?"

"Cheating? Oh... you know that we're picking where we left off. Is this role-playing? Yes, Lorna. I'm so sorry that I'm cheating. Are you gonna punish me?" Naiwan na ang bikini nito pero hindi nagbabago ang aking mukha. Tumawa sa akin si Ivy na parang ayaw maniwala sa reaction ko sa kaniya. Siguro ay iniisip pa nitong nakikipaglaro ako. Hahalikan na niya ako nang mauna akong mag-iwas ng mukha. "Hey! Bakit ka umiiwas? Ano ba ang nangyari at nagkakaganiyan ka na? Are you impatient? My work is important, pero mas importante ka. Sadyang kailangan ko lang mag-present..."

"Are you cheating on me? Hindi ako nakikipaglokohan." Inilabas ko na ang cellphone niya at ipinakita ang mga mensahe roon. Nakita ko sa kaniya ang matinding shock dahil nanigas ito sa kaniyang puwesto. Binasa ko ang mensahe, "I miss you, Ivory. I want us to meet again. Please come here and I really want us to be together again. Iyan, lahat iyan galing kay Jones. He wants the two of you to be together again? Bakit, anong ginawa ninyong dalawa nang una kayong mag-solo?"

"It's not like... oh my God. Hindi niya ako tinitigilan, Naabhi. Nagsasabi ako ng totoo. I blocked his number, I deleted his former messages... and I had to unblock him because I need to ask him things about work. Please listen—" Binitiwan ko na ang cellphone at agad na tumayo. Humawak naman ito sa aking braso at pinigilan ako, "Don't go and let me explain. Dating kami, Lorna. Naging kami pero hiniwalayan ko na siya because he's not focusing on his work, walang direksyon ang buhay... and alam kong tapos na ang lahat sa amin bago kita mahalin. Nagmamakaawa ako, please don't leave me and simpleng text lang iyan. If you want, sige! I'll block him. And I'll kick him out of our workplace."

"Talaga?" Ni-retrieve ko lahat ng mensahe nito na hindi niya na-permanent delete. Puro iyon replies niya rito na sinasabing miss na rin niya ito pero may kasintahan na siya. "You think he'll proceed on his persuasion kung hindi ka sumasagot pabalik na nasasabik ka rin sa kaniya? Noong una, wala akong kinakampihan. Actually? My side's on you. But you are not trustworthy. Sana ay hindi na lang natin sinira ang friendship na mayroon tayo para hindi humantong sa ganito. Kasi hindi lang ako ang sinasaktan mo. May iba pang apektado sa ginagawa mo."

"Lorna, I'm so... sorry. I don't know what to say. I'm confused. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagre-reply sa kaniya. Maybe there's a part of me missing him."

Hindi ko na nais pa ang makinig sa kaniya kaya lumabas na ako sa kaniyang kuwarto at pumanaog na agad sa hagdan. Kinuha ko sa sofa ang aking bag, at sumunod na ito sa akin habang may suot siyang t-shirt na ibinababa pa lamang niya. Papunta na ako sa pinto nang iharang nito roon ang kaniyang katawan.

"Umalis ka na riyan," mahinahon kong pakiusap. Umiling naman si Ivory na halatang nagmamatigas sa akin. Wala na akong choice kung hindi ang gumamit ng puwersa kaya hinawi ko ito. "Please, palabasin mo na ako. Sasagap lang ako ng hangin. Don't bother calling me dahil hindi ko alam kung paano kita pakikitunguhan. Ikaw lang ang taong gumawa nito sa akin. You're making me question my worth. Hindi ko alam kung saan at paano ako nagkulang sa iyo para makipag-usap ka nang ganiyan sa ibang tao, lalo pa sa lalaki. That's an insult."

"Forgive me, I'll never repeat that. Hindi ko sinasadya—"

"Remember the incident with Maricel? You'll not say sorry if you're not caught. Baka behind my back, you're lauging because you're mocking me. You were thinking that I'm a fool and I am falling for your lies. Hindi ako naniniwala sa iyo. Don't give me a hard time, palabasin mo na ako."

Maidservant's ConcealmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon