ENDING

313 10 0
                                    

(𝘔𝘢𝘳𝘪𝘤𝘦𝘭)

Mangiyak-ngiyak ako at tumigil bigla ang aking mundo nang makita siyang nakahiga at hindi na humihinga. Bigla ko na lang naramdaman ang aking sarili na nahawi paalis, saka nila tinanggal ang damit at ang brassiere ni Lorna nang may pagmamadali. Lalo akong napalayo sa kaniya at nakita ko ang defibrillator na ginamit sa kaniya. Nagdadasal ako na sana ay mabigyan ito ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. Napapikit na lamang ako nang marinig ang salitang 'clear', saka ko narinig ang pag-angat at bagsak ng katawan ni Abhi sa kaniyang higaan.

"Lorna! Anak ko..." Nang magmulat ako ay pansin kong humihinga na ulit ang aking nobya. Hindi na muna namin ito nilapitan at hinayaan na lang na ang mga paramedic ang umasikaso sa kaniya. Umusog kami palayo at bumaba nang huminto na ang ambulansya. Saka ako niyakap ng ina ng aking kasintahan. "Huwag ka nang umiyak. Magiging ayos lang ang anak ko, anak. Hindi naman iyan agad na susuko dahil nariyan ka pa. Shh..."

"Ma'am—"

"Mommy. Okay? Samahan mo na lang ako sa loob."

Nanatili muna kami sa ospital habang hinihintay ang news ukol sa nakabaon na bala kay Lorna. Aligaga ako, habang umalis pansamantala ang kaniyang ina dahil kinuhanan kami nito ng pamalit. Puro dugo na rin ang damit ko at medyo natatakot ako sa aking hitsura dahil mula iyon kay Abhi. Isa ring agenda niya ay tingnan si Matilda para masigurong okay lang ito. Samantala ay nakatayo ako sa harap ng emergency room at hindi man lang nangangawit dahil puro si Lorna ang aking naiisip.

Nang makabalik ang kaniyang ina ay sinabi nitong pinipiga at hinahanapan na ng impormasyon ang tiyahin ni Abhi para matunton ang aking ina. Sakto ring natanggal na raw ang mga bala kay Lorna, at kailangan na lang itong pagpahingahin at huwag munang istorbohin bilang naghihilom pa lamang siya. Dinalaw ko agad ito nang makapagpalit ako at tumayo malayo kay Lorna.

"Lorna, napahamak ka na naman nang dahil sa akin. Muntikan ka pang kuhanin ng Diyos kung hindi ka na-revive." Alam kong walang magpapatahan sa akin kaya hinaplos ko na lang ang aking mga braso. Niyakap ko ang aking sarili habang naiiyak siyang pinapanood. "Hindi ko man lang inisip ang ginawa ko, idinamay pa kita. Nagsisisi ako... pero hindi ko maisip ang iwanan ka ulit dahil nararapat lang na alagaan kita sapagkat magpapakasal pa tayo. Naririnig mo naman ako, 'di ba? Magpagaling ka."

Naalala ko noong araw na nahataw ako ng baseball bat at halos mamatay sa panghihina. Walang araw na hindi ko kasama si Abhi, at ultimo bawat pagkilos ko ay kasama ko siya at nakaasikaso ito sa lahat sa akin. Ngayon ay dapat na ako naman ang maging in charge sa kaniya at hindi ito hahayaang walang katabi at walang kaagapay sa nangyari.

"Anak? May naghahanap yata sa iyo." Mahinang dumampi ang kamay ni Mommy Danilyn sa balikat ko at itinuro ang pinto. Saglit siyang tumingin kay Abhi bago magpakawala ng hangin. Tumingin itong sunod sa akin. "Sige na, ako na muna ang bahala rito. Baka importante ang sasabihin no'n sa iyo."

Lumabas na ako sa kuwarto at nadatnan ko roon si Jones. Sumama ang aking timpla at naghanda na ako para tumalikod. "Ayaw ko ng kausap. Hindi ako galit sa iyo, pero alam mong may ginawa ka na masakit kay Lorna. Umalis ka na lang and give us peace."

"Maricel, pasensiya na. Alam ko na ang nangyari ngayon kay Lorna at ipinarating ko iyon kay Ivory. Hindi siya makapunta rito dahil sa hiya sa inyong dalawa. Una kong nabisita ang bahay ninyo na nauna dahil doon ako ibinaba, ngunit bukas lang ang ilaw at walang tao. Tapos nang makarating ako sa tinitirhan ninyo ngayon, wala ka raw at nasa ospital. Gusto ko lang na humingi ng tawad. Hindi ko alam na noong may nangyari sa amin ni Ivory, sila na ulit. Sorry. Hindi ko gustong makapanakit pero aminado akong naghatid ako ng sakit at hirap—"

"Jones, wala akong masasabi kung sino ang nasa tama o mali. Ang dapat mong marinig... hindi pa ako handa at ayaw ko munang maistorbo kami. Lorna's life is on the line. Puwede siyang muling mawalan ng hininga kahit anong oras. Puwede bang iwanan mo muna kami? But I recognized 'yong sinabi mo na nagso-sorry ka. Please..."

Maidservant's ConcealmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon