(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)
Inabot ko kay Maricel ang paper bag na naglalaman ng in-order kong hapunan naming dalawa. Maaga kaming umuwi kaya sa bahay na lang kami kakain. Nakatingin lang ito sa akin nang kuhanin ang iniaabot ko, saka muling tiningnan ang kaniyang harap. Nagmaneho na rin ako habang wala pa rin siyang imik.
"I don't know what to say. But it is really not comfortable if hindi mo ako kinikibo, Mari. Pakiramdam ko ay wala akong kasama sa kotse. Please talk to me or say anything. O kung gusto mo, awayin mo pa ako. I know that you're still mad. Ilabas mo na lahat ng galit mo sa akin." Nang mahinto kami dahil sa traffic light ay kinapa ko ang kaniyang kamay. Hindi niya iyon binabawi mula sa akin, ngunit mas lalong hindi ito humahawak pabalik sa kamay ko. "Hey, please at least look at me. Hindi ko talaga gusto ang mahalikan ako. Mari..."
"Huwag ngayon, Lorna. Nasasaktan pa rin ako. Ayaw ko nang magsalita dahil baka mapunta sa ibang bagay ang usapan natin. Mahal kita, iyon ang mahalaga. Basta't hayaan mo muna akong mapag-isa at hindi ko na iisipin pa ang i-udlot ang pag-iisang dibdib natin. Napakaliit na bagay ng kiss na 'yon, pero iba pala kapag nakita ko mismo." Hinalikan ko ito sa kamay at nang matapos ay ipinatong ko ang kaniyang kamay sa kaniyang hita. "Umuwi na tayo agad. Inaantok na ako, Abhi. Let's sleep after eating."
Nang makarating kami sa bahay ay kumain lang saglit si Maricel habang naligo at nagbihis naman ako. Pagbaba ko ay paakyat na ito para magpalit at maglinis ng katawan, kaya lalong wala na kaming oras para magkausap. Malungkot ako habang kumakain ng aking hapunan at tahimik. Pansin kong wala ang aking tiyahin at paniguradong naiwan na naman dito si Matilda. Nang marinig ko na bumukas ang pridyider sa aking gilid ay tiningnan ko ang naroon.
"May nangyari ba, anak?" Umupo sa harap ko ang aking ina at hinaplos nito ang balikat ko at braso. Medyo matagal na rin nang maging madikit ito sa akin dahil nadistansya ako pagdating ni Maricel. Sympathetic ang mga mata niyang tinutunghayan ako. "May away ba kayo ng fiancée mo? Hindi ka naman talagang kumakain nang nag-iisa. Ni hindi nga kayo naghaharutan ngayon. Kung gusto mong isalaysay sa akin... pakikinggan kita. Puwede ko bang malaman?"
"Maricel saw me kissing Ivory on her lips. It's not really intentional, Mommy Dani. Hindi ko lalong gusto ang madurog ang puso ni Maricel. I don't know how she feels, pero tiyak na sobrang sakit no'n. I don't know how to console her. She's crying up to now at nararamdaman ko iyon. Sorry is not enough, at alam kong kailangan kong gumalaw para makuha ang pagpapatawad niya. Can you help me?"
"Hindi ko kilala si Maricel, anak. Kilala ko siya at may kaunti akong nalalaman sa katauhan niya, pero ikaw ang nakakaalam kung sino talaga ang kasintahan mo. Pasiyahin mo naman siya at pangitiin. Mahal na mahal mo siya, 'di ba? Huwag kang susuko. Saka sabihan mo naman siya... Mommy na rin ang itawag sa akin. Kasi hindi na natin siya tauhan dito. At ang kapatid ko, Tita Pristina naman."
"Why do you keep on forgiving her, Mommy? I mean in your own point of view, bakit nga ba? She almost killed me... and when she knew why I was accidentally conceived, gusto ka rin niyang patayin. Hindi ka ba natatakot o nagagalit sa kaniya?"
"Hindi ko alam, Lorna. Galit ako noon at medyo nagdaramdam dahil muntikan ka na niyang patayin at ilang beses sinaktan, pero hindi ko gustong mabuhay na galit sa kaniya. Kapatid ko iyon, eh. Kahit pa ganiyan siya. Bata pa lang kami ay lagi na kaming magkadikit at hindi magbabago iyon. Hanggang buhay si Pristina, may chance siyang magbago at tingnan ang sarili niya sa kung ano ang dapat niyang baguhin. Magpapatawad ako nang magpapatawad dahil mahal ko ang kapatid ko. Kahit sino pa siya."
"I hope she knows that," bulong ko naman sa kaniya, "she never recognized everything you did for her. You even hid her lover's murder, and you never left her side. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit siya sa atin gayong mahal natin siyang dalawa. Even Maricel? She's afraid of her pero may sympathy siya sa tiyahin ko."
BINABASA MO ANG
Maidservant's Concealment
Storie d'amoreNang mamatay ang ama ni Lorna, natuklasan niya na nasa loob ng kaniyang mismong pamilya ang salarin nito. Dahil sa kaniyang kakulangan ng ebidensya ay naghanap siya ng maaaring balatkayo nang madali iyong makamtan; ang magpanggap na siya ay nag-aasa...