(𝘔𝘢𝘳𝘪𝘤𝘦𝘭)
Hindi ako makabangon man lang dahil alam kong mahina ang aking katawan. Nakita ko sa malayo ang taxi na papalapit sa akin, at pansin kong masasagasaan ako nito. Pinilit kong bumangon pero parang nakadikit ang aking katawan sa kalsada.
"Para!" Narinig ko ang boses lalaki roon at aking nabanaag si Jones na papalapit. Umiba na ng daan ang taxi at nang makalagpas iyon ay hinawakan niya ang ilalim ng aking hita. Hinawakan din ako nito sa likod. "Magpunta tayo sa ospital. Ungk! Hindi kita mabuhat..."
Naaawa ako rito dahil kahit anong karga niya sa akin ay hindi nito maangat ang aking katawan. Narinig ko rin ang mga hakbang palapit sa akin at kahit nakapikit ako ay kilala ko na iyon. Lumuhod sa akin ang kadarating lang at bahagya akong nagmulat ng mga mata. Nang tingnan ko ito ay napansin kong may pag-aalala rin sa akin si Lorna. Parang tinatantiya pa niya ako kung kakayanin niyang buhatin.
"Use the company van, here's the key."
Inabot niya iyon kay Jones at ito ang humawak sa akin. Nakita ko na unti-unti itong lumuhod, hanggang sa makakuha ng buwelo ang kaliwa niyang paa. Nang i-angat din nito ang kanan niya ay matagumpay siyang nakatayo. Magaan lang ang pagkarga niya sa akin at napansin ko na may umaagos na dugo papunta sa kaniyang kamay. Nakapikit ako at humihiling na sana ay makarating na agad kami sa sasakyan nang hindi na ito mahirapan sa akin. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay nakahinga ako nang maluwag.
"I'll phone the hospital, magmaneho ka na agad at nang madala natin siya roon." Tinawagan nito ang ospital at nagpahanda na ng stretcher na gagamitin sa akin. Tahimik lang akong iniinda ang pananakit ng aking ulo pero medyo nabawasan iyon dahil namamanhid ang aking pakiramdam. Biglang nagsalita si Lorna, "Who did it? Iyong iskandalo sa itaas, sinong may pakana no'n? Kilala mo ba?"
Nananatiling nagmamaneho si Jones. Nagsalita ito, "Hindi ko kilala. Pero malalaman mo kung sino iyon dahil may CCTV naman at hindi makakalusot ang gumawa niyan kay Ma'am Ivory. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Maricel para gawa'n siya ng kasinungalingan. May kilala ka bang gagawa nito sa kaniya?"
"Wala rin," tugon nito, "I don't get to see her a lot kaya hindi ko alam kung sino ang madikit sa kaniya. Mas lalong hindi ko alam kung sino ang kagalit o kaaway niya dahil hindi naman siya nagpapakita ng signs na she's being bullied in our workplace. Puwede niyang kasuhan ng libel ang gumawa no'n. Ipinatabi ko na ang recorder at ang mga nakapaskil doon para may magamit na ebidensya."
"Oo, titingnan natin kung may maituturo tayo. Hindi niya o nila puwedeng gawin iyon kay Maricel lalo na't bagong empleyado siya rito. At baka makasuhan ang kompanya if they'll tolerate the employee who caused this. Malapit na tayo."
Hindi na ako nag-abala pang magbukas ng mata lalo na't alam kong lalo akong manghihina kapag tiningnan pa si Lorna. Narinig ko na ang paghinto ng sasakyan, at naramdaman ko ang aking katawan na inilalapat na sa stretcher. Narinig ko rin ang paggulong no'n palayo kina Lorna at nang dumilat ako ay nakita ko ang doktor at mga nurse na nagkakagulo sa akin. Hinayaan ko na lang ang lahat at ipinagkatiwala ang aking sarili sa mga propesyonal.
Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas pero nandito na ako sa aking sariling silid. Una muna akong kinausap ng doktor at nabanggit nito sa akin na normal lang ang pagkahimatay kapag stress, at wala akong sakit sa puso o sa utak. Dapat lang na iwasan ko na ang pag-iisip nang sobra at ang pagpapagod sa sarili. Baka maging daily habit ko na ang pagiging himatayin na hindi magandang bagay.
Bumukas muli ang pinto ng aking kuwarto paglabas ng doktor. Pumasok doon si Lorna at pansin kong nakapagpalit na ito ng kaniyang suot. Hindi ko maiwasan ang pasimpleng ngumiti dahil binalikan pa yata ako nito. Nagtulug-tulugan din ako para maghintay kung may sasabihin man siya sa akin na importante.
BINABASA MO ANG
Maidservant's Concealment
RomanceNang mamatay ang ama ni Lorna, natuklasan niya na nasa loob ng kaniyang mismong pamilya ang salarin nito. Dahil sa kaniyang kakulangan ng ebidensya ay naghanap siya ng maaaring balatkayo nang madali iyong makamtan; ang magpanggap na siya ay nag-aasa...