(𝘔𝘢𝘳𝘪𝘤𝘦𝘭)
Malakas ang aking pakiramdam na sasabihin na nito ang totoo. Narinig ko ang komosyon sa labas, saka biglang bumagsak ang upuan doon. Nang makatayo ako ay nakita ko ang aking nanay na biglang bumagsak. Umaatungal pa ito na parang lasing at tama nga ang aking hinala na nakainom ito bago magpunta rito. Masuwerte akong ligtas pa rin ang aming sikreto at plano. Nagkunwari akong nakikisilip nang sumalubong si Sir Michaelson sa akin na buhat-buhat siya. Pinuntahan ko si Lorna at nagmamadaling inaalalayan ito dahil dama kong susunod sa akin ang kaniyang nanay.
"Ingatan ninyo ang mga plato rito, ha? Pati ang baso. Ako na riyan, Lorna." Siya ang umalalay kay Abhi sa pagkuha ng tubig at sa pagse-serve ng cake. Nakatingin lang ako sa kanila at tumingin pabalik sa akin si Ma'am Pristina. "Maricel? Please, pakibantayan muna at pakiasikaso si Janiss. Ako na lang ang bahala kay Lorna at pakipunasan na rin siya dahil marumi ang binagsakan niya. Hindi kasi ako makayukod masyado."
Tumalima ako sa utos nito at tumungo sa silid kung saan dinala ang nanay ko. Nasa sahig ito nang datnan ko na halatang nahulog doon. Hinila ko paitaas ang kaniyang damit at pilit itong binuhat para maihiga sa kama. Nang ila-lock ko ang pinto ay may narinig akong boses sa aking likuran, "Bilisan mo ang pagla-lock, may importante akong sasabihin sa iyo. Dalian mo at puntahan mo agad ako rito."
"Nanay?" Pinindot ko ang lock ng doorknob at iti-nrangka ang pintuan. Mukhang hindi naman ito nalasing dahil niyakap niya ang kaniyang mga tuhod bago ko malapitan. Umayos ito ng upo at tiningnan ako nang diretso. "Hindi ka talaga lasing? Akala ko... ano bang ginagawa niyo?"
"Nakainom ako kanina, kaso kaunti lang. May nalaman ako. Dapat aamin na ako, eh. Kaso may nakita akong mas magandang pagkakitaan kaysa sa pagsasabi ng totoo. Maricel, sasabihin ko na sana na isa kang Beltran at anak sa akin ni Leonard. Kasi alam kong mababaliw sa sakit si Tina at kahit magkano ay ibibigay niya para lang umalis ka sa paningin niya. Kaso... may mas pagkakakitaan tayong dalawa. Pruweba." Ngumisi ito at pailing-iling na tumawa. "Nakita ko kanina ang tiyan ni Tina. Buntis siya, malaki ang puson niya at hindi ako puwedeng magkamali sa nakita ko. Alam ko iyon dahil noong ipinagdadalang-tao kita, itinatago ko rin ang tiyan ko para walang makahalata sa iyo. Buntis siya. Puwede ba na saktuhan mo siya na litratuhan habang kita ang umbok niya sa tiyan? Magagamit natin ang bata para mangikil lalo."
Kinagat nito ang kaniyang daliri habang nakangiti nang malawak. Kumindat ito sa akin na parang nakakita ng malaking opportunity. "Nanay, pruweba? Para saan ang sinasabi mong picture? Anong magagawa no'n?"
"Private talk na namin ni Pristina iyon. Saka kapag sinabi ko, baka makagulo pa iyon sa iyo at sa layunin mo sa bahay nila. Ipagpatuloy mo lang ang pagpapanggap mo at mabilis tayong yayaman. Saka makakagulo lang iyon lalo sa kamatayan ni—"
"Nanay?" Napaangat ang aking ulo sa kaniya. Nilinaw ko ang aking narinig, "Ano? May alam ka sa pagkamatay ng tatay namin ni Lorna? Kilala mo 'yong pumatay sa tatay namin? Nanay, sabihin mo naman sa akin kung sino. Nang makatulong ako sa kapatid ko at makahingi tayo ng pera na dapat sa atin nang maayos. Hindi iyong ganito. Nakakahiya na kasi na pagnakawan sila at mabigat sa dibdib ang ginagawa ko."
"Sinabi ko na sa iyo, 'di ba? Huwag mong ibibilang ang sarili mo sa kanila. Hindi ka lalambot-lambot. Hayaan mo lang ang nalalaman ko at huwag mong isali ang sarili mo riyan. Kumplikadong bagay ang pakikisawsaw sa kamatayan ng iba. Tatay mo pa. Hayaan mo na silang magkagulo riyan habang tayo? Nangongolekta lang tayo ng salapi. May clue ka ba sa tatay ng anak niya?"
"Nanay, nararamdaman ko lang na si Zoren." Napaawang ang labi nito at ngumanga siya na mukhang nagulat sa ibinunyag ko. Ipinaliwanag ko agad ang aking suspetsa, "Iba ang paghahawakan nila sa nakikita ko. Basta 'Nay, ang dali lang kay Zoren na bitiwan ako at sinabi niyang may kasalanan siya sa akin habang magkarelasyon pa kami dati. Hindi ko dinaramdam iyon pero iyon ang hula ko."
BINABASA MO ANG
Maidservant's Concealment
عاطفيةNang mamatay ang ama ni Lorna, natuklasan niya na nasa loob ng kaniyang mismong pamilya ang salarin nito. Dahil sa kaniyang kakulangan ng ebidensya ay naghanap siya ng maaaring balatkayo nang madali iyong makamtan; ang magpanggap na siya ay nag-aasa...