Chapter 5: Trapped

209 10 0
                                    

(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)

Lumipas pa ang isang linggo namin sa probinsya kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang magliwaliw at umikot. Hindi ko na binati pa ang aking mga dating kakilala, saka ko na lang sinamahan sina Apple at si Maricel. Laging ganoon ang aking gawain ngunit hindi naman ako nababagot. Alam kong oras namin na magpahinga ngayon.

Naiwanan ako sa aming bahay dahil bumili ng iba pang gamit ang aking ina, si Tita Danilyn, ang lola ko, pati si Maricel. Alam kong hindi nila sinasadya na iwanan ako dahil wala na talagang extra na space para sa akin sa sasakyan. Sakto rin na tinatamad ako lumabas kaya pinabantayan na lamang nila ako kay Apple. Ang ninong ko naman ay may emergency na inasikaso.

"Lorna, what if tingnan natin ang kuwarto ng nanay mo? Magkasama sila ni Tita Danilyn sa iisang room, right?" Parang may bumbilya na lumiwanag sa aking ulo pagkarinig sa kaniyang sinabi. Ini-lock agad namin ang mga pinto at ang bintana ay isinara. Umakyat kami nang magkasabay sa second floor. "Maybe may mga gamit sila rito na nadala. Or baka may bago tayong ebidensya laban sa pumatay kay Tito. Huwag tayong mawawalan ng hope."

Nang makapasok ako sa kanilang kuwarto ay kinabisado ko muna ang hitsura ng mga gamit at ang pagkakasalansan nila. Baka mamaya ay mahalata na naghalughog ako. Nang masigurado ko nang naaalala ko ang puwesto ng mga bagay-bagay ay una akong nagpunta sa mga drawer nila. Puro alahas at mga resibo ang laman ng mga iyon, kaya hindi ko na sila pinakialaman pa. Si Apple naman ay nasa damitan at hinihila ang mga damit doon na nakatiklop.

"Is this a safe?" Nang maalis niya ang halos lahat ng aparador ay nakita ko ang kaha de yero ng aking ina at tiyahin. Kanilang dalawa iyon dahil noong bata pa lang sila ay ipinagawa na iyon ng aking lola. Malawak ang loob noon at maraming gamit na alam kong nagpapaalala ng kanilang kabataan. Tinanong ako ni Apple, "Can you open that? Baka may laman iyan na suspicious. Naituro ba sa iyo ang combination?"

Naaalala ko noong bata ako ay nakikita ko iyon kapag binubuksan ng aking tita. Minsan kasi ay nagde-date ang aking magulang, kaya naiiwanan ako sa kaniya. Uso pa ang mga akyat-bahay dati kaya nasa safe ang kaniyang wallet at iba pang gamit. Hilig ko rin siyang hingan ng pera pambili ng kung anu-ano na lagi niyang pinagbibigyan kaya alam ko kung paano iyon iniikot. Lumuhod muna ako at ginaya ang pagpihit ng aking tiyahin, na talagang tumugma dahil nabuksan ko iyon. Nakakita ako ng tatlong libro at isang picture.

"Oh, this is Ninang Janiss. She's only my tita, kaso wala kasi siya noong binyag ko kaya hindi siya naging godmother ko. Pero iyon ang nakahiligan kong itawag sa kaniya." Iyon ang picture noong P.A ito ng aking ama at wala namang malisya iyon sa aking nanay. Best friends silang dalawa at pati sa akin ay wala namang mali kung may kaibigan mang babae ang aking ama. May kaibigan nga itong gay gaya ng tatay ni Apple ngunit wala namang malisya. Kinuha ko ang libro doon. "What's this?"

Nakakita ako ng libro ukol sa psychology, therapy, pati mga ukol sa illness ng tao sa kaniyang pag-iisip. Hindi maiwasang maantig ng aking puso dahil kahit pala busy ang aking nanay ay inaaral din niya ang aking kalagayan. May oras ito para doon at kahit sa probinsya ay nagdadala siya ng mga iyon.

"Janiss... I remember her name. Tama! My father named her last time. Nakakaaway raw siya ng tatay mo noong magkasama sila noon. Nagsigawan pa nga sila sa parking lot. Hindi kaya suspek din siya?" Hindi ko na siya tinugon sapagkat impossible naman iyon. Likas ding matigas ang ulo ng aking tatay dati at wala lang dito kung nasisigawan man siya. Nang maayos naming muli ang aparador ay umupo kami sa kama. "Siguro nga hindi. Close sila, eh. Saka normal lang ang magsigawan. I admire your mother dahil ang patient niya sa tatay mo and nakapalawak ng trust niya. And she's intelligent too—eek! Ang tigas naman nito!"

Nang tumayo siya ay kinapa ko ang kaniyang naupuan. May nahawakan akong parang kahon doon kaya nagkatitigan kami ni Apple. Inangat namin ang mattress at nakakita ng isa pang libro. Hinila ko iyon bago ipatong sa aking hita.

Maidservant's ConcealmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon