(𝘔𝘢𝘳𝘪𝘤𝘦𝘭)
Nang makapunta ako sa aming tahanan ay nabigla ang aking ina sa hitsura ko. Napangiti ito pagkakita sa aking suot na pang-corporate talaga, at sinigurado kong puno ng makeup ang aking mukha at hindi ako mahuhuli sa mga kasama ko sa trabaho. Bumeso lang ako rito bago magsalita, "Nanay, pabalot naman po ako ng mami saka ng pares. Pasobrahan na lang po ng sahog para sa boss ko. Nakapasok na ako bilang sales coordinator! Ngayon po ang aking trabaho."
"Naku, mabuti iyan! Saglit lang at aayusin ko na agad. Tumapat ka muna sa electric fan para hindi malusaw ang makeup mo." Umupo ako sa puwestong inilaan nito at saglit akong naghintay. Pagkatapos ay bibigyan niya ako ng dalawang plastic. "Dalian mo na, sumakay ka na sa kotse mo para hindi ka pagpawisan. Galingan mo sa trabaho!"
"Opo, Nanay. Titingnan ko po kung kaya ko kayong samahan mamaya kapag nakauwi ako. Gagalingan ko talaga."
Lumulan na ako sa aking kotse nang mailagay sa heat preservation bag ang mga plastic. Halos isang oras din akong nagmaneho at huminto sa parking lot ng building. May espasyo na agad para sa aking kotse na tiyak kong si Ma'am Ivory ang nagpahanda. Tinahak ko ang entrance habang lumilibot pa rin ako sa dagsa ng mga tao. Diretso lang akong maglakad habang binabati ko rin ang mga bumabati sa akin na tao.
"Hey, Maricel! Hello!" May biglang yumapos sa akin at nakita ko si Ma'am Ivory. Unat ang buhok nito ngayon at kumikislap ang kaniyang suot na dress. Effortless lang dito ang maglakad sa heels niyang mataas ang takong. Sinilip nito ang aking bag. "Is my food in there? Sana naman, hindi mo nakalimutan."
"Opo, makakalimutan ko ba naman iyon? Nandito."
Nang maibigay ko rito ang aking dala ay inamoy niya iyon bago huminga nang malalim. Pansin ko naman na madikit ito sa mga tao lalo na nang hawakan niya ako na parang wala lamang. Tumuloy kami sa isang opisina roon na napansin kong kaniya dahil sa nameplate na nasa mesa. Inilapag niya sa gilid ang pagkain bago ako senyasan na lumapit sa kaniya.
"This is my office. Actually, my uncle owns this company. That's why may kataasan ang puwesto ko. I am in charge of hiring, investigating, and many other more things regarding sa pagpapasok dito ng mga tao. I'm also here to guide you to do your job since baguhan ka pa lang, and people will work under you. Your job is no easy task. Okay? Let's get started."
Paglabas namin sa kaniyang opisina ay inikot ako nito sa third at fourth floor. Doon ko nakita ang marami pang departamento, at marami pala ang nakaatas na trabaho sa akin. Hahawak ako ng mga biglaang tawag, email, at magiging proxy ako sa kasamahan ko sa trabaho kapag absent ito. Kailangan ko ring makipag-ugnayan sa ibang departamento at manguna sa kanilang finances. Marami rin akong kailangang i-monitor bilang parte ng aking trabaho. May workplace ako sa dulo ng malaking opisina at sapat naman ang space sa akin at malamig doon. Kailangan ko na lang na magbaon lagi ng jacket para sa aking trabaho.
"Then here, ito ang computer mo. But sometimes, you may work from home. Depende kasi iyon sa iyo kaso we'll appreciate it more if you'll work on site. Ayaw sana namin ng aberya. And bago ka pa lang, dapat na mas sanayin ka sa trabaho at tingnan ang progress mo. Mahirap kasi ang kumustahin ka lagi lalo na't marami akong ipinasok dito. Can you always be present here?"
"Yes, I can Ma'am," may kumpiyansa sa tono na tinugon ko, "I'll always report here and will do my job properly. Saka mas madali pong kumausap kapag isang lakaran lang para malapitan ang workmates."
"Then you're easy to talk to! Thank you, mas humahanga ako sa iyo. Because you know... bihira ang mga kagaya mo rito na alam at dama kong mabait. Don't worry, we're friends pero hindi ka matatawag na sipsip ng kahit na sino." Pumunta kami sa bandang pintuan at tiningnan namin ang mga naglalakad na tao. Humahagikgik itong nagsalita, "Do you have a boyfriend? Marami rito na guwapo at tiyak na bagay sa iyo."
BINABASA MO ANG
Maidservant's Concealment
RomanceNang mamatay ang ama ni Lorna, natuklasan niya na nasa loob ng kaniyang mismong pamilya ang salarin nito. Dahil sa kaniyang kakulangan ng ebidensya ay naghanap siya ng maaaring balatkayo nang madali iyong makamtan; ang magpanggap na siya ay nag-aasa...