(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)
Nagtaka ako nang may humawak sa aking likuran dahil alam kong hindi iyon kamay ng aking nobya. Nang lumingon ako ay nakita ko ang aking ina at ibinangon ako nito nang magtagpo ang aming mga mata. Nagtataka ako dahil imbis na maaga itong maghanda sa trabaho ay nandito siya at parang walang balak na umalis. Ngumiti ito nang malawak at niyakap ako.
"Lorna, nagpa-plano na akong maging permanente rito sa bahay dahil nag-early resignation na ako. I've saved enough for us at gusto ko nang lagi kang alagaan." Kinamot ko lang ang aking mga mata at nanatiling inaantok. Humikab ako nang may sabihin ito na gumising sa aking diwa, "Maybe we'll need Maricel to evacuate this house since wala naman tayong pangangailangan pa sa kaniya."
"Mama! Don't!" Medyo nawala ako sa aking tono kaya nagmamadali siyang humiwalay sa akin. Nagpaliwanag agad ako, "Ano kasi... tulong niya ako. Saka Mama, kahit wala ka rito o nandito ka... kailangan ko pa rin Maricel. Kasi need niya ako i-protect kay Zoren. Baka may bad na naman siyang gawin sa akin."
"Oo nga pala, iyon pa ang isang bagay. Sige. Hindi ko na paaalisin si Maricel dahil mabait siya sa iyo. Pero gusto ko rin na magkasama rin tayo lagi nang hindi siya kasama. Kasi ang dami-daming panahon na hindi kita nakikita at nakakausap. Gusto kong makilala ka ulit at tulungan kang bumalik sa noon. Alam kong magiging career woman ka rin na kagaya ko. Mana ka sa akin." Pasimple akong ngumiti dahil alam kong hindi kami parehas. Ang gusto ko lang ay magtayo ng business ukol sa swimming o mag-offer ng swimming lessons. Ayaw kong maying utusan at maipasailalim ng korporasyon. Hinawakan niya ang magkabila kong mga kamay. "Your father left you a lot of money, Lorna. Mas marami pa sa inaakala mo o naiisip mo. You can buy a lot of toys using that, kaso puwede rin nating ipagpagamot mo iyan. You're worth two hundred million pesos. At si Ate Danilyn, I gave her 2 million pero hindi ko sinabi sa kaniya na pera ko iyon. I just made her believe it because hindi biro ang one-fourth ng pera mo."
Napataas ang aking kilay. Nabigla ako sa sinabi nito dahil hindi ko naisip kahit kailan na manlilinlang ito. Kapatid niya pa. "Mama? Bakit mo po siya binigyan ng maliit na halaga ng money? Hindi ba't..."
"Kasi okay na siya roon. That's ten percent of what I got. Narinig mo? Ang laki-laki ng nakuha mo kaysa kay Mama. What I got is just ten percent of yours. What if... you'll give me your share and magpapapalit tayo? Kasi hindi mo naman kaya ng ganoon kalaking pera, 'di ba?" Natulala ako saglit dahil nakakaintindi ako sa mga sinasabi nitong halaga. May bumubulong din sa akin na huwag papayag dito dahil alam kong may dahilan ang ganoong gap ng nakuha namin mula sa namayapa kong tatay. Iniyuko ko lang ang ulo ko sa kaniya. "What? Nagiging madamot ka na kay Mama? Lorna, I gave birth to you at ako ang laging nag-aalaga sa iyo. Ano ba naman ang maliit na favor? I promise, hindi naman ako nagsisinungaling kasi I'm still giving you money para sa sarili mong buhay. Saka love mo naman ako, 'di ba?"
"Love kita..." sincere kong sagot, "pero Mama... hindi ko po kasi ano... naiintindihan ang sinasabi mo sa akin. Kapag naiintindihan ko na, baka i-help kita. Kapag adult na raw ulit ako. Hindi naman madamot si Lorna, 'di ba?"
"Oo naman. I'm sorry, hindi ka madamot, anak. Hindi ko lang maipaliwanag nang maayos ang gusto ko. Maybe hindi mo pa talaga nga maintindihan ang dapat mangyari kasi ganiyan ang kalagayan mo. Tama nga si Ate. Call Maricel, let's go and eat outside para mag-celebrate. Tayong tatlo lang dahil tulog pa si Yaya Jian at si Ate. Alam kong handa siyang gumising para sa iyo."
Nang lumabas ito sa aking kuwarto ay saka ako naghilamos at nagpalit na lang ng damit na pang-alis. Pinuntahan ko si Maricel sa silid nito at agad na niyakap ang kaniyang likuran nang walang babala. Hinipan ko ang tainga nito kaya siya nag-flinch at napatingin sa akin. Hinalikan ko lamang ito sa labi.
"Good morning, Mari," sweet kong pambungad sa kaniya. Aangat sana ito nang halikan ko siyang muli. Napahiga ito uli sa kama. "Halika, iniimbitahan ka ng nanay ko. Let's eat daw."
BINABASA MO ANG
Maidservant's Concealment
RomansaNang mamatay ang ama ni Lorna, natuklasan niya na nasa loob ng kaniyang mismong pamilya ang salarin nito. Dahil sa kaniyang kakulangan ng ebidensya ay naghanap siya ng maaaring balatkayo nang madali iyong makamtan; ang magpanggap na siya ay nag-aasa...