Chapter 13: Mate

97 5 0
                                    

(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)

Maraming nangyari nang lumipas ang apat na taon. Nag-aral kami ng aking nanay sa USA, bilang may nag-offer sa akin ng scholarship. Kinuha ko agad iyon at na-accelarate naman ako at naging parehas kami ng batch ng aking ina. Ito na lang ang may tuition na aking binabayaran, saka kami nakitira sa aking mga pinsan. Nang malaman nila ang totoong sitwasyon sa aking katauhan ay tinanggap ako lalo ng mga ito. Pati ang aking Mommy Dani ay itinuturing nilang kapamilya. Naging malayo naman ang loob nila kay Tita Pristina at wala nang kumakausap sa kaniya sa aking mga pinsan.

Nang nasa kulungan ito at inaalagaan ang aking pinsan na si Matilda ay hindi niya kami kinausap kahit kailan. Nang mismong araw na lumaya ito ay nakita namin siya sa video call, ngunit ipinakilala lamang niya sa amin ang aking pinsan at hindi na ito nagpakita kailanman. Alam kong galit ito sa amin at hinayaan namin siya sapagkat may pera naman ito. Ngunit ipinahanap pa rin ito ng aking nanay at nalaman naming may sarili na siyang maliit na bahay at may benefits naman ito sa insurance ng kanilang ama na kapapanaw lang. Ng aking lolo. Hindi na namin sila binulabog dahil alam kong kampante na ito.

Ngayon ay bumalik na kami sa bansa dahil wala na kaming gagawin pa overseas. Naipatayo namin ang balak niyang swim school na ipinangalan niya sa akin. Excited akong makita iyon dahil binuksan namin ang paaralan kahit nasa America pa lang kami. Three months na iyong in operation at gaya ng aking inaasahan, malakas iyon sa mga tao at maraming may gustong isali ang kanilang anak upang matuto ng swimming.

"Uy, na-miss ko ang tanawin sa bansa natin. Ibang-iba sa pinanggalingan natin, pero panatag na ang katawan ko sa atmosphere." Nang makalabas kami ng aking ina sa airport ay nakita ko ang taxi na nakahilera doon. Kinuha ko ang kaniyang maleta at nagpatulong sa driver na ilagay iyon sa likod. "Salamat, anak. Saan naman tayo didiretso ngayon? Baka nanihilo ka pa sa biyahe natin kanina. Kanina ka pa naduduwal."

"Okay lang po ako, Mommy. Jetlag lang siguro dahil nasanay ako kanina na nasa ere tayo." Pagsakay namin ng taxi ay sumandal agad ako sa braso ng aking ina. Inakbayan lang ako nito at patapik-tapik siya sa aking likod at dibdib. Uminom muna ako ng tubig bago tumuwid ng upo. "Dumaan po muna tayo sa Placicard Hotel, nandoon daw po si Ivory at gusto niya tayong makita. Sakto at may business meeting na kasama siya kaya magkikita tayo sa first floor. We can eat our lunch there."

"Sus, ang dami mo pang sinasabi. Gusto mo lang naman siyang makita. Hindi magbabago ang sinasabi ko sa iyo, type mo siya. At nakita mo ba? Nananatili siyang single dahil hinihintay ka lang niya."

Pabiro kong inirapan ang aking nanay. Tinarayan din ako nito pabalik, kaya hindi ko maiwasan ang matawa sa kaniya. Naging kabiruan ko na rin ito at lagi na kaming madikit sa isa't isa na parang bestfriends lang. Alam ko naman na gusto niya ang aming bonding at sa apat na taon ay talagang kinilala ko ito bilang nanay ko. Kinokonsulta rin niya ako ukol sa mga nanliligaw sa kaniya roon ngunit walang nanalo sa puso nito. Mahalaga na lang ako rito at hindi na siya naghangad pa ng bagong love interest.

Si Ivory ang kaibigan ko na una kong nakita nang pinagpa-planuhan pa lang namin ang swim school. Mabait ito at madali kong nakapalagayan ng loob dahil madaldal ito kahit minsan ay hindi ko siya kinakausap dahil lugmok ako noon. Nagtayo sila ng market sa aming tapat at ako ang nag-suggest dito na magbenta rin sila ng gamit sa swimming dahil kami ang kaharap nila. Napuno na ng mga mall at iba't ibang gusali ang siyudad kung nasaan ang aming business at lagi iyong matao.

Nalaman ko rin na kaedad ko lang si Ivory at parehas kami ng birth year at buwan. Nauuna nga lang ang aking birthday. May steady connection naman kami kahit na nalayo ako sa kaniya. Sabik akong makita ito sa personal dahil huminto ito sa pakikipag-video call sa akin. Excited akong malaman kung ano na ang hitsura nito at kung may nagbago ba sa kaniya.

Maidservant's ConcealmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon