(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)
Pilit kong kinikiskis ang tali sa akin sa malapit na lumang mesa roon. Gusto ko nang mapatid ang tali sa aking kamay at uunahin kong kalagan ang aking tiyahin. Lalo ko pang binilisan ang pagkiskis sa aking sarili nang makita ko ang aking tiyahin na diretso akong tingnan. Lumuluha na ito sa akin kaya matindi ang guilt na aking nadarama. Kung hindi ko ito sinaktan at itinali ay hindi mangyayari iyon. Natatakot akong mamatay nang maaga at mas natatakot ako para kay Mari.
"Lorna, makinig ka muna sa akin bago mo gawin iyan. Makakaligtas ka dahil iyon ang mangyayari sa iyo. Gusto kong sabihin sa iyo ang totoo nang hindi ka na mahirapan pa. Nagsisisi ako nang husto sa ginawa ko kay Leonard. Pristina, patawarin mo ako."
"Hng! Hng!" Pinagtatadyakan ng nanay ko ang upuan nito ngunit hindi niya mapabagsak iyon. Pilit itong ngumanga para magsalita, "Huwag—hmm! Uhk! Hmm!"
"Matagal nang may relasyon ang nanay mo at ang hardinero natin. Noon, boyfriend na niya ito at may lihim silang relasyon. Hindi iyon alam ng tatay mo dahil namuo ang guilt kay Pristina nang mag-aya siya ng hiwalayan sa kanila ni Zoren. Kaso... nagkabalikan sila at nahuli silang nagtatalik ng tatay mo. Iyong damit na ipinantapal mo kay Leonard, pinaghubaran iyon ng nanay mo. Alam ko dahil nasilip ko kayo bago ako bumaba kasama si Jian para magtago. Si Zoren ang pumatay sa tatay mo." Umiiyak na rin ang aking ina at mas pinag-igihan ang pagsipa sa upuan nito. Umusog ang aking tiyahin. "Na kay Maricel ang kutsilyo na ginamit sa pagpuksa kay Leo. At alam kong nakuha mo na ang damit na nasa guest room. Sinadya kong ilagay iyon doon dahil kapag nadiskubre, mabubuksan ulit ang kaso sa kaniya. May mga patunay ako na pilit akong pinaglinis ni Pristina ng bangkay ni Leo. Ang bigat-bigat ng loob ko habang ginagawa iyon."
"Taksil ka! Taksil ka! Manahimik ka na! Itahimik mo na ang bunganga mo!" Natanggal ang busal sa bibig ng nanay ko. Masama na ang pagtitig ko rito kaya lalo pa siyang lumuha. "Lorna, anak... walang katotohanan sa sinabi niya."
"Hindi mo na maloloko pa si Lorna dahil simula't sapul, wala siyang sakit. Narinig niya ang ginawa mong pagpalo sa uluhan niya. At Lorette, kami ni Jian ang nakita mo noon bago ka panawan ng ulirat. Narinig mo? Tatandaan mo lahat ng sinasabi ko. Dumaan si Zoren sa bintana para tumakas dahil tinablan siya sa nagawa niya kay Leonard. Kaso sadyang gusto siya ni Tina kaya pinabalik niya pa sa atin iyang lalaking 'yan. Pinapaniwala niya si Zoren na siya lang ang nakakaalam ng totoo. Kaya narito siya at pabalik-balik."
Gusto ko pa rin itong kumpirmahin sa aking ina kahit alam ko na ang totoo. "Mama? Paano mo nagawa iyon? Totoo ba lahat ng sinasabi niya?"
"Lorna... I'm sorry. Patawarin mo ako sapagkat ang gusto ko lang naman sa buong buhay ko ay recognition. Ilang taon, ilang dekada, ilang libong araw akong subsob sa trabaho para sa inyo pero hindi pa rin napupunta ang mga magagandang bagay sa akin. Ang tatay mo, laging ikaw ang focus. Iyong makukuha mo, wala pa sa kalingkingan ang akin. Nakakahiya mang aminin... naiinggit ako sa sarili kong anak. Masaya ka na, Ate? Iyan na, narinig mo na. Pinaamin mo na ako."
"Hindi iyan ang lahat, Pristina," sagot sa kaniya nito. "Lorna, noong naospital ka at kailangan mong patingnan... tinatakot niya ako na itatapon ka niya at hahayaang mamatay kapag sinuplong ko sila sa pulis. Wala akong kakayahan noon na ipagamot ka at bigyan ng magandang buhay. Mas lalong hindi ko kaya ang paaralin ka. Natatakot din ako na mawala ka sa akin. At alam kong masama ang ginawa ko pero nakatulong iyon nang malaki sa iyo. Kahit matagal ko nang binitiwan ang dapat kong role sa iyo."
"Tita?" Huminto ang aking pag-iyak dahil sa sinabi nito. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkiskis ng aking pulsuhan sa pag-asang mapapatid ang tali. "Role mo sa akin? Anong sinasabi mo?"
"Hindi mo na ako matatanggap pang muli pero nanay mo ako." Parang huminto sa pagtibok ang aking puso sa narinig. Napatigil din ako sa aking ginagawa dala ng shock sa nalaman. "Hindi ka anak ni Pristina dahil wala na ang anak niya nang malaglag iyon dahil mahina ang kapit ng bata at lagi siyang puyat noong nagdadalang-tao. May mga signos din na umiinom siya ng alak kaya lalong dumagdag iyon sa nangyari sa anak niya noon. Ibinigay na lang kita dahil hindi ko maatim na makita si Pristina na sobrang lungkot at nagluluksa nang todo. Anak ka sa akin ni Leonard."
BINABASA MO ANG
Maidservant's Concealment
RomanceNang mamatay ang ama ni Lorna, natuklasan niya na nasa loob ng kaniyang mismong pamilya ang salarin nito. Dahil sa kaniyang kakulangan ng ebidensya ay naghanap siya ng maaaring balatkayo nang madali iyong makamtan; ang magpanggap na siya ay nag-aasa...