Chapter 20: Pristina's Outrage [R16+]

168 5 0
                                    

(𝘔𝘢𝘳𝘪𝘤𝘦𝘭)

Nang makita ako ni Lorna ay nakatambay na ako sa labas ng gate nila. Nakasakay na sa kotse nito ang kaniyang ina, at marami silang dala-dala. Nagkunwari akong nag-aabang sa kanila at walang salitang nakibuhat sa mga dalahin nila. Pagpasok namin sa bahay ay nakita ko sa kusina si Ma'am Pristina at naghahanda ito ng pagkain. Tumingin ito sa akin ngunit wala namang nagbago roon at parang 'mabait' kuno ito.

"Oh, magkasama pala kayo. Ate? Anong nangyari kanina sa swim school?" Kinuha nito ang ibang supot at pumunta sa mesa para ilapag iyon. Siniyasat niya ang laman ng iba. "Lorna? May dumating na kahon diyan kaninang umaga pa. Nakalimutan kong sabihin sa iyo."

"Ah, opo Tita. Nandoon ang in-order kong security cameras. One time kasi, I found out that my drawer was kind of ransacked. Iyon, baka may akyat-bahay rito na hindi natin alam na nakapuslit sa atin. Kaya kailangan talaga ng camera. Papalagyan ko ng barbed wire ang gate at ang palibot no'n para walang makapuslit sa bahay."

"O-Oh... that's good. Maganda nga ang bantay-sarado mo ang umm... ang bahay natin. Kasi hindi natin alam kung may masamang loob na pinagbabalakan na tayo. Especially now na may kasama tayong bata sa bahay. We're all concerned for Matilda." Tumalikod agad ito pero sinusundan pa rin siya ng aking mga mata. Nang humarap ito sa amin ay tiningnan ko si Lorna. "Sige, rest first dahil alam kong mahaba ang biyahe ninyo. I'll cook."

Sinamahan ko muna si Abhi paakyat sa hagdanan at nagpunta kami sa kaniyang kuwarto. Nang tingnan ko ang paligid ay maayos naman iyon at nasa puwesto ang lahat ng gamit. Napaisip tuloy ako kung totoo ang aking nakita, at nakumpirma ko iyon nang makita ang kahon sa itaas na medyo nakalabas. Mukhang hindi maabot ni Ma'am Pristina iyon kaya hindi niya naisalansan nang maayos. Hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin kay Lorna ang aking nakita kanina.

"Ay, Lorna?" Hinarap niya ako at tinaasan ng kilay. Abala ito ngayon sa pagsusuot ng kaniyang pambahay. Itinuro ang nasa banda kong itaas. "Alin sa mga gamit mo rito ang sinasabi mong kinalikot? Baka hindi lang iyon ang kinalikot at ginalaw. Iyong mga gamit sa bandang itaas, anong mayroon? Baka may mahalaga kang kagamitan diyan."

"Ah, yeah. The rings. I forgot to mail them back to Ivory." Nang maayos ang kaniyang damit ay tumingkayad ito at may inabot sa banda niyang itaas. Kinuha niya ang kahon doon at ipinatong sa lamesa. Nagpaliwanag ito sa akin, "Before you gave me back my rings... may ibinigay rin sa akin si Ivory. Pero peke ang mga iyon. At narito sa kahon na 'to. Tingnan mo, parehas na parehas ang laman—wait. Bakit wala rito ang singsing? Nandito iyon, hindi naman mawawala. Nasaan iyon?"

"Wala riyan? Nasaan ang mga totoong singsing?" Kinuha ko ang kahon at sinigurado kung iyon nga ba talaga ang nakita kong hawak kanina ng kaniyang tiyahin. Tiningnan ko ang paligid ng kahon at nang matapos ay tiningnan ito nang may pag-aalala. "May nanakaw nang gamit ngayon."

"The real rings? I hid them in the safe. Ayaw ko nang magkaroon pa ng aberya roon. We need to find who stole the rings. Ayaw ko pa namang isipin ni Ivory na itinago ko na lang iyon at walang balak na ibalik sa kaniya." Nabalisa ako dahil gusto kong sabihin dito ang aking nakita. Huminga ako nang paulit-ulit at tiningnan sa mukha si Abhi. "Mari? Why?"

"Tingin ko, kilala ko iyong kumuha ng mga singsing mo. Hindi naman ako puwedeng magkamali dahil kakikita ko lang sa kaniya kanina. Tingin ko..." papahina kong bulong. Tumungo ako sa pintuan at binuksan iyon, saka sumilip sa aking magkabilang gilid para masigurong kami lang ang tao sa palapag. Binalikan ko ang aking nobya. "Ang tiyahin mo. Tiningnan niya ang kahon na iyan at may kinuha, tapos isinara niya. Narinig ko na sinabi niyang kukuhanin niya lahat ng gamit na naiwanan ni Sir Leonard. Diretso sa tainga ko nang marinig ko."

"Do you mean... she can remember?" Umawang ang labi ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung paano tutugon. Kahit hindi tiyak sa isasagot ay tumango ako sa kaniya. Naguguluhang mukha ni Lorna ang sumalubong sa akin. "I don't know what to say. Ganito, hindi pa tayo puwedeng magsabi ng conclusion hanggang sa wala tayong ebidensya. Sakyan mo lang ang plano ko at magkunwari kang walang alam. Hindi natin puwedeng i-conclude agad na she's after the money or what. Baka bumabalik siya sa dati at nagiging gano'n ulit ang ugali niya."

Maidservant's ConcealmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon