Chapter 15: Scandal

105 4 0
                                    

(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)

Ngayon ko lang ulit nakita si Maricel pagkatapos ng halos limang taon. Marami nang nagbago rito ngunit pansin ko na gumanda siya lalo na nang mag-mature ang kaniyang mukha. Pilit kong pina-deretso ang aking mukha nang tingnan ito. Malamig akong tumuran para hindi na ako nito usisain pa, "I'm okay. And I'm certain that you're okay too, right?"

"Oo naman." Alam kong hindi totoo ang ipinapakita nitong pagngiti sa akin dahil hindi nakalabas ang kaniyang ngipin. Malungkot din ang mga mata nitong pinapanood ako. "Ayos lang naman ako. May trabaho na rin, kaya nasusustentuhan ang pamilya kahit papaano. Ikaw ba? May pamilya ka na bang sarili?"

"I don't have my own family yet. I'm currently in a relationship and wants to have my own child kapag handa na ang partner ko." Hindi ko na rin gustong usisain ito kaya kinuha ko na ang aking necklace at pinagpalit ang mga hawak namin. Ayaw kong isipin nito na may malisya pa ako roon kaya ibinulsa ko ang alahas. Naglakad na ako palayo at nang hindi makapagpigil ay nilingon ko ito. Parang kaswal lang akong nagsalita, "It's nice meeting you again. But I hope, you'll stay out of our way. Especially na alam mo kung ano ang naging role mo sa akin. Let's keep the professionalism."

"Puwede ba kitang makausap kahit saglit lang?"

Sa tono ni Maricel ay mukhang nangungumbinsi ito pero hindi ako madala-dala ng kaniyang request. Umiling ako sa kaniya bilang sagot at nang mapagod ay nagsalita na lamang, "Wala na tayong pag-uusapan. Saka matagal na rin naman, 'di ba? Hindi mo na ako kilala ngayon dahil iba na ako sa dati. Lalo ka pa, ibang-iba ka na kaya ang masasabi ko na lang? Pangalan mo lang ang alam ko. Hindi ang katauhan."

"Sorry." Lumapit ito sa akin at tiningnan ako sa mga mata. Nauna na akong umiwas dito. "Sana naman, huwag kang ganito kagaspang sa akin. Wala naman akong balak na humadlang o kung ano, eh. Gusto ko lang sana na maging okay tayo kahit papaano."

"Naabhi!" Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Ivory kaya nang magdikit kami ay hinawakan ko ito sa baywang. Napansin kong sinundan ng mga mata ng babae naming katapat ang kamay ko. Magiliw itong napabulalas nang mamukhaan ang kaharap namin, "Hello! Lorna, this is Maricel. The one na nagbigay ng pagkain sa akin. I hope na kakaibiganin mo rin siya because she's a smart and obedient person. Maricel, this is my girlfriend. She works here too kaya kung wala ako, you may approach her. Nakakuha ka na ba ng ID mo, Naabhi?"

"Yeah, nakapagpakuha na ako ng picture. Within this week mayroon na ako. Let's go?" Hinawakan ko siya paakyat sa braso at hinila papunta sa aming likod. Ngunit nakatingin pa rin ito sa aming kasama at nakangiti. Tinawag ko na ang kaniyang pansin, "Ivory. Halika na at kumain na muna tayo."

"Let's invite Maricel," paanyaya nito. Sinenyasan ko sa mga mata ko ang gusto niyang panauhin ngunit ito ang nagkulit ngayon. Hinawakan niya ang kamay ni Maricel. "Let's go! Makikain ka na sa amin. Baka kasi wala ka pang kilala na workmates rito kaya I'd prefer if kami muna ang sasamahan mo."

Alam kong no choice ito kung hindi ang samahan kami. Tahimik lamang ako na hawak ang aking kasintahan papunta sa cafeteria samantalang dinadaldal ni Ivory ang kaniyang nasa kaliwa. Tipid lang ito sumagot sa kaniya at alam na alam ko ang awkwardness ngayon lalo na't walang naghanda sa akin sa ganitong pagkakataon. Umupo kami sa gitna dahil sa space roon nang makakuha ng aming pagkain.

"Ivory, matagal na ba kayo ng girlfriend mo?" Halos mabulunan ako sa kinakain kong pork cutlet dahil nakasubo iyon sa akin nang magtanong siya. Tiningnan ko ito pero hindi niya ibinabalik ang aking pagtitig. "Kasi ang sweet ninyo, eh. Pero kung matagal na kayo at ganiyan ang tratuhan... ang suwerte mong babae."

Mahinang pinalo ni Ivory ang kaniyang kamay na parang nakikipagbiruan. "You! Kasasabi ko lang before na may manliligaw ako. And it's Lorna, of course. Hindi naman ako magpapaligaw kung nakatali na ako. We're just new. And she's my first girlfriend. Hindi ko nga lang alam kung pang-ilan ako. Naabhi, pang-ilan ako sa mga naging girlfriend mo?"

Maidservant's ConcealmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon