Chapter 4: Wrong Person To Trust

213 11 0
                                    

(𝘔𝘢𝘳𝘪𝘤𝘦𝘭)

Nagkukumahog kami ni Manang Jian sa pag-aayos at paglilinis sa sofa nang marinig namin na may bisita si Ma'am Pristina. Iyon ay ang kaniyang best friend na kababalik lang daw sa Pilipinas kaya dapat ay presentable ang kaniyang tahanan at halatang nagwe-welcome ng bisita. Pawis na rin ako nang dahil sa nangalkal pa kami ng basement nila para muling isalansan sa loob ng bahay ang mga mamahalin nilang pandisenyo.

"Magpapalit lang po ako, Manang. Maayos na po ba lahat?" Inayos ko ang mga unan sa sofa para maging nasa puwesto ang lahat ng iyon. Sabay kaming natahimik nang bumaba si Lorna, lalo pa nang makita niya ang mga gamit na bagong lagay roon. Natatakot ako na baka magbasag si Lorna habang ang aking kasama ay kabado rin. Binati ko na ito, "Good afternoon, Lorna. May bisita si Mama mo, eh. Gusto mo ba na bihisan kita or hanapan kita ng damit? Umakyat na muna tayo."

"Halika, Maricel. Mamaya na akyat..." Lumapit ito sa akin at hinawakan niya ang aking kamay. Hinila ako nito sa kusina at kumuha siya roon ng pitsel. Nang mapansin ko na parang bibitiwan niya iyon ay agad kong kinuha, at kumuha na lamang ito ng dalawang baso. Inilagay niya iyon sa counter bago salinan ng tubig. "Inom ka, oh. Pagod ka na?"

Nilagok ko ang laman ng baso saka siya tiningnan nang maayos. Napapansin ko na rin na nitong nakaraang mga araw, mabait na sa akin si Lorna at hindi na ito masiyadong mahilig magwala o manira. Mas ako pa nga ang binabantayan nito kaysa siya ang aking binabantayan. Nang ilapag ko iyon sa lababo ay kumuha siya ng tissue. Ipinunas niya iyon sa aking leeg.

"Salamat." Gumagalaw ang kamay nito nang hawakan ko iyon para huminto siya pansamantala. Ako na ang nagpunas sa aking sarili. "Kumain ka na muna, Lorna. Kasi mamaya may bisita na. Para kapag nakasalubong mo siya, busog ka at hindi ka masiyadong alam mo na... makulit at maligalig."

"Mamaya pa ako kain, Maricel. Sino bisita namin?" Ngumuso ito bago sumilip sa aking gilid. Pagkatapos ay binalikan ako nito. "Loko mo yata ako, eh. Wala naman visitor..."

"Mayroon nga, iyong bestfriend ni Ma'am Tina. Halika na muna dahil bibihisan kita. Para cute at presentable ka."

Umakyat kami nang magkasama sa ikalawang palapag. Isinama ko na rin si Lorna sa aking kuwarto para hindi ko ito mawala dahil baka topakin ito at magbasag bigla. Sa harapan na lang niya ako magbibihis dahil malayo ang banyo at parehas naman kaming babae. Nang nasa loob na kami ay naghanap ako ng simpleng t-shirt na black at maong na shorts.

"Ay!" Nang akmang itataas ko na ang aking damit ay nagtakip siya ng mga mata. Hindi ito nanonood sa akin dahil grabe ang pagtatakip nito. "Maricel, lalabas muna ako... bihis ka, eh."

"Bakit ka naman nahihiya? Eh bantay mo naman ako at parehas tayong babae. Wala namang masama kung makikita mo man ang katawan ko." Nagmatigas lang ito at biglang tumalikod mula sa akin. Siguro nga ay ganoon talaga kapag may sitwasyon ng katulad kay Lorna. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tanggalin ang aking damit at bra. "Sige, ha? Magbibihis lang ako. Mabilis naman ako magpalit ng damit, eh. Sasabihan kita kapag puwede ka nang tumingin ulit."

Nang makapagpalit ako ay agad ko siyang sinabihan. Lumabas na kami ng silid at saktong papunta na rin ito sa kaniyang kuwarto para siya ang sunod na mapalitan ko. Ngunit bigla akong huminto nang marinig ang pagbukas ng pinto at ang boses ng kanilang bisita.

"Ito na, Janiss. Nandito ang bahay ko. This is Jian, my Lorna's yaya ever since. Then may bago rin kaming tauhan dito. Si Maricel. She takes care of my family." Sa pagsasabi pa lang ni Ma'am Pristina noon ay alam kong iniiwasan niya na direktang sabihin kung ano ang nangyayari kay Lorna. Dumaan ang dalawa sa ilalim ng hagdan at tama nga ang aking hinala sa kaniyang kasama. "Then Danilyn, my sister... she's away. Inaasikaso na ang bakasyon namin. Actually, Yaya Jian will be back to her hometown for the meantime habang nagbabakasyon kami. Gusto niya kasing kasama ang mga anak niya. Si Maricel na lang ang kasama namin."

Maidservant's ConcealmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon