Chapter 19: Pretender

104 4 0
                                    

(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)

Nang maramdaman ko na nakatutok ang araw sa akin ay umangat ako sa pagkakahiga bago ibaba ang kurtina. Humiga ulit ako sa kama, saka naalimpungatan nang maramdaman ang aking katabi. Bigla kong naalala na nasa kuwarto pala ako ng aking nobya at nakita ko ang kamay niyang hinahanap ako.

"I'm here," bulong ko bago ipatong ang kamay niya sa aking baywang. Ngumiti siya nang matamis bago isubsob ang kaniyang sarili sa akin. Tiningnan ko naman ang orasan at napansing tanghali na. Pabulong akong nagpaalam sa kaniya, "I'll prepare our brunch first. Saglit lang muna, ha?"

Tinanggal ko ang kamay nito bago tahimik na umalis sa higaan. Lumabas agad ako ng kuwarto at nagluto nang may pag-aatubili habang hindi pa ito lumalabas. Narinig ko ang pagbangon niya sa kama at ang pagbukas ng banyo roon. Naging abala ako sa paghahanda ng lamesa at saktong lumabas na si Maricel. Nagdasal muna kami at naghatian sa aking niluto.

"Lorna?" Huminto ako bigla sa pagkain nang tawagin niya ako. Tinaasan ko ito ng kilay bago ibigay ang aking kamay na parang hinihingi niya. Mukhang nakampante ito paghawak doon. "Girlfriend na nga talaga kita. Inaakala ko lang noon na nananaginip ako. Masaya na ako at ang puso ko. Hindi na siya sumasakit gaya ng dati."

"Ang sa akin din. Hindi na siya sumasakit. Hindi na rin masikip. Relaxed na siya kapag nakikita kita." Kinuha ko ang lumpia sa aming harapan at sinubuan ito. Pinunasan naman niya ang kaniyang labi nang matapos. Ngiti ako nang ngiti dahil sa wakas ay nagagawa na namin ni Maricel ang ganitong bagay. "Umm, ayaw kitang biglain pero... gusto ko na ikaw ang maging kasama ko sa pagkakaroon ng baby. Gusto kong mag-anak tayong dalawa, Maricel."

Hindi man lang siya nagulat sa aking sinabi at napangisi ito habang nakatingin sa mukha ko. Hinalikan nito ang aking palad. "Oo naman. Iniisip ko nga iyon kagabi pa, eh. Kasi naiisip ko na kapag singkuwenta na tayo... twenty pa lang ang anak natin. Dapat ay mas paspasan pa natin ang pag-aanak. Ilan ba ang balak mo?"

"Maybe seven? Or eight? Nine?" Ngayon na talagang lumarawan sa mukha niya ang gulat. Nagpaliwanag naman ako, "We can take turns though. Gusto ko kasi na marami tayong anak dahil alam mong solong anak lang ako. Solo ka rin naman, 'di ba? Mararamdaman natin ang saya kapag marami tayong mga anak. Ayaw ko lang na biglain ka pero iyon talaga ang balak ko. Kakayanin mo ba?"

"Titingnan k-ko..." Mukhang nanginginig pa ito sa aking hiling sa kaniya. Nagpaypay ito ng kaniyang sarili at tipid akong nginitian. "Pero nagulat ako sa dami ng anak na gusto mo. Ang maximum sa utak ko, apat. Doble pala no'n ang hiling mo. Pero pipilitin kong maibigay iyon sa iyo. Hindi mo naman ako iiwanan kung sakaling marami sila at hindi na ako gaanong makapag-ayos, 'no?"

"Mari naman," saway ko sa kaniya, "never! Gusto kita, kahit ano pa ang hitsura mo. At aalagaan naman kita, eh. Pati ang mga anak natin. Malaki kasi ang ipinamana sa akin ng tatay ko at gusto kong may pagkagastusan tayong maganda. Just rest kapag ikinasal na tayo at ako ang magiging abala sa trabaho. May income naman tayong makakabuhay sa maraming bata. At kukuhanan ko tayo ng maid. Titira tayo sa harap ng bahay namin para magkakapitbahay lang tayong lahat. Ikaw? What can you say? May plano ka rin ba?"

"Maganda ang plano mo, kasama ako. Parehas lang naman din ang laman ng plano natin. Gusto ko lang mag-settle sa iyo at pakasalan ka. Updated ako sa buhay mo, alam mo ba? Dati pa lang ay alam ko na lahat ng pinagkakaabalahan mo at nalaman ko ring kasal na si Apple. Galit kaya siya sa akin?"

"She's hurt for me, pero may part din naman siya sa iyo na naiintindihan ka niya. Let's talk to her later at sasabihin ko sa kaniya na tayo na ulit."

Minadali namin ang pagkain dahil kailangan kong timing-an si Apple sapagkat may anak na itong isang taong gulang. Si Apple pa rin ang best friend ko, na kahit kailan ay hindi nagbago sa akin at hindi ako nagustuhan romantically. Sa ugali namang ipinapakita nito kay Maricel ay alam kong matatanggap niya ito para sa akin sa ikalawang pagkakataon.

Maidservant's ConcealmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon