Chapter 7: Missing Beltran?

214 8 0
                                    

(𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢)

Nang makabalik kami sa kuwarto ko ay iniisip ko pa rin ang nangyayari. Nakita ko ang aking ina at si Zoren na magkasama sa iisang kuwarto. Ngunit hindi ko puwedeng isipan nang marumi ang aking nanay dahil hindi siya ganoong tao. Alam kong mabait ito at hindi niya magagawa ang makipagtalik kagaya ng maling sumagi sa utak ko. Baka nga talagang may ginagawa ito roon at hindi nakikipag-sex.

Si Zoren ay dati na naming hardinero dahil noong 14 pa lang ako ay bente na ito. Kakilala siya ng aking nanay dahil kasambahay ng kaibigan nito sa trabaho ang nanay ni Zoren. Nakituloy ito sa amin, ngunit umalis dalawang buwan bago mamatay ang tatay ko. Bumalik siya noong 22 na ako at tinanggap naman siyang muli ng aking nanay dahil naaawa itong hindi pa rin siya makakuha ng trabaho. Malaki naman ang katawan nito at nakakatulong sa pagbubuhat ng mga gamit sa bahay kaya hindi na problema ang muli niyang pagpasok sa aming bahay.

"Abhi?" Kumaway sa aking mga mata ang kamay ni Maricel. Nakangiti ito at sinisilip ang pagmumukha ko. "Ang lalim ng iniisip mo, Abhi. Bakit ba? May nangyari ba kanina? At anong ginagawa natin sa seventh floor? Ay... bakit pala sumakto ka na napunta sa kuwarto ng nanay mo?"

"Coincidence lang siguro," hindi makasigurong tugon ko. Hinaplos ko ang uluhan ni Maricel bago ilapit sa kaniya ang aking mukha. Pumikit ito nang halikan ko ang kaniyang labi at nang matapos ako ay napangiti lang ito. "Ikaw ba... gusto mo rin ba kapag hinahalikan kita? Kasi lagi ka lang nakatingin sa akin at walang reaction. Maybe you want something else."

"Lorna, ayos lang naman sa akin ang halikan mo. Kasi masarap sa pakiramdam ko kapag hinahaplos ako o kaya ay pinapakitaan ng pagiging sweet. Iyon ay dahil gusto ko lang ng pakiramdam na hatid mo sa akin. Minsan nga, gusto rin kitang hawakan gaya ng ginagawa mo sa akin. Kaso nahihiya ako kasi ang puti-puti mo at baka marumihan kita."

Napataas ang kilay ko rito. "What? Mari naman, hindi ganoon ang dahilan. Hindi ka naman marumi para sa akin. Kasi special ka. Kapag special sa iyo ang tao, wala kang pakialam kahit anong paghawak ang gawin niya sa iyo. Saka hindi naman ako nanghuhusga Maricel, eh. Gusto ko nga rin minsan gawin mo sa akin iyong ginagawa ko sa iyo. Curious ako sa pakiramdam."

Bigla akong napahiga sa kama nang ito ang umibabaw sa akin. Hinawakan ko siya sa baywang, saka naman niya ako pinahiga sa kaniyang kamay nang halikan ako nito nang mapusok. Hindi ko matukoy ang aking nadarama nang pumasok ang isang kamay niya sa damit ko at nang masahiin niya ang gilid ng aking dibdib. Sinasabayan ko ito sa paghalik ngunit bumibigay-bigay rin ako at napapahuni ako sa bawat kakaibang pakiramdam na idinudulot nito.

"Mari... oh..." Pumasok ang dila nito sa entrada ng aking bibig kaya nilawakan ko ang buka ng aking labi para tanggapin iyon. Nang kagatin niya ang aking labi ay mahina akong dumaing, "Ung! Shit... ang sarap naman..."

"Lorna?"

Naiwan lang akong nakahiga at tulala nang biglang buksan ni Maricel ang telebisyon. Mabuti na lang at sumakto iyon sa SpongeBob at nakapasok na ang aking tiyahin. Pumikit na lang ako at kunwaring kadidilat lang nang makita siya. Umupo ako para ayusin ang aking damit.

"Iwanan mo muna kami, Maricel. Hintayin mo sa hallway ang ate ko dahil baka may mga dala iyon." Nang lumabas si Maricel ay saglit kaming nagkatitigan habang tulala ako at hindi pa rin humuhupa ang epekto ng ginawa sa akin kanina. Nararamdaman ko ang panghihinayang ngayon. "Lorna, may gusto ka bang ipabili sa akin? Dadaan muna ako sa mall. Bukas ng alas-otso ng umaga ay maaga ang alis natin. Gusto mo ba ng gadget na iba pa? O baka may gusto kang kainin."

"Tita, para saan nga 'yong papel na 'yon?" pangungulit ko sa kaniya. Hinila ko ang damit nito hanggang sa mapaupo siya sa kama. "Bakit may numbers sa papel? Bibigyan mo ako money?"

Maidservant's ConcealmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon