KABANATA 20

170 3 0
                                    


"Oiy hi Dahlia!" Matinis na tawag sakin nila Aira at Penny ano na naman ba ichichismis ng mga to? Balak ko sana hindi sila pansin pero para naman nakakabastos para sa kanila kaya plastikada ako ngumiti at hindi nalang umimik pa.

"Wala pa ba si Sir Thursday na ah, hindi ba't kahapon pa dapat balik niya sa pinas?"  Lihim ako umirap at pinagpatuloy ang pageencode ko. Oo wala pa siya hanggang ngayon at dapat nga kahapon ang balik nito pero nitong mga nakaraan araw wala ako natatanggap ni maki text reply o tawag mula sa kanya. Naiinis tuloy ako at gusto ko sapakin ang makakating labi ng mga katabi ko.

Malakas ako napabuntong hininga at tamad na bumaling sa kanila na kanina pa naghihinatay sa isasagot ko.

"Nakita niyo ba pumasok si Sir? Di ba hindi" Nagkatinginan ang dalawa at bumalik sa akin ang tingin nila kalaunan.

"Ang sungit mo teh bago yan ah!" Nagtawanan ang dalawang magkaibigan. Marahan pa ako hinampas  feeling close lang?

"Ano kaba penny Syempre nasa Qatar madami mga magagandang babae pa naman don" nakanguso wika ni Aira.

"Oo sino naman babae ang tatanggi kay sir ang Gwapo kaya niya at ang bango bango pa" suminghot pa ito sa hangin na mas lalo ikinairita ko.

Padabog ako napatayo sa sariling upuan ko. Inis ko silang binalingan ng tingin.

"Pwede ba Aira at penny kong magchichismisan kayong dalawa wag dito!" Inis ko tinalikuran ang dalawa buti nalang breaktime na kaya may dahilan ako para lisanin ang table ko. Baka hindi ako makapagpigil at ibalibag ko ang table sa kanila!

Napahinto ako ng  bigla nalang tumunog ang phone ko mabilis ko kinuha yon mula sa bulsa ko at napakunot ang noo ko ng mabasa ko ang name ni Seinna.

"Hello?" Walang ganang wika ko.

"Hi! Nasan ka?"

Nagsalubong ang kilay ko. Ano naman kailangan ng babaetang to?

"Bakit?"

"Ang sungit ah" rinig ko ang pagtawa niya. Inirapan ko lang to kahit nasa kabilang linya siya.

"Pangalawa ka sa nagsabi niyan sakin"

"Anyways, nasa JTC ka ba?"

"Oo bakit?"

"Dali punta ka sa rooftop!" Rooftop? Bakit naman ako pinapapunta ng babaetang to? Yayain niya ba ako magpakamatay. Siguro alam niya nang hindi nagpaparamdam ang kaibigan niya sakin!

"Anong meron ba?" Iritable tanong ko.

"Malalaman mo kapag nandon kana" huminga ako ng malalim at sumangayon sa gusto niya. Pumasok agad ako ng elevator habang tinatawagan ang numero ni keke ko bakit hindi man lang niya ako sagutin. Nagriring naman, ibig sabihin nakabukas ang phone niya. Bakit hindi man lang siya magtexy na busy to  kaasar.

Inis ko binuksan ang pintuan sa may rooftop. Napaidlag ako sa gulat ng makarinig ako ng estrumento na tumutog tog. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang makita ko ang lalaki nakatalikod. Nakasuot ito ng puting suit at may hawak ito ng bouquet ng Dahlia flowers. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Ang kanina lungkot at pag-aalala ay para bang bigla nalang naglaho.

Our eyes met, he smiled as he walked toward to me.

"I'm sorry I'm late" Inabot niya ang kamay ko at idinala yon sa mga labi niya. Marahan niya itong hinalikan. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kabog nito. Hindi parin ako makapaniwalang nandito siya sa harapan ko. Ito ba ang rason kong bakit hindi niya magawang kausapin ako?

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon