KABANATA 39

48 1 0
                                    



"Are you ready?" Ellia asked me, she's Detective Flores. Hawak niya ang kaso ng ama ko. Ngayon kailangan ko maging pa-in para mahuli ang kriminal ko ama.

Malakas ako napabuntong hininga at nakangiti tumango ako.

"Ready na" wala sasarili saad ko.

"Kailangan mo siya kausapin, 5 minutes is enough, kapag nagkaroon ng aberya just press the botton. Susugod kami kong kinakailangan" seryoso wika niya itinuro niya ang ear piece na isusuot ko.  Huminga ako ng malalim at mabilis na tumango.

Kaya ko ba? Makakaya ko ba? Aminado ako natatakot ako, maraming pumapasok sa isip ko at kailangan ko yon labanan kong hindi ako lang din ang mahihirapan.

"He's dangerous, kahit sabihin natin na obsessed siya sayo hindi ibigsabihin hindi ka niya sasaktan" walang bakas na emosyon ang mga mata niya. Lalo ako kinakabahan sa pagiging seryoso niya.

"Bakit hindi niyo nalang pasukin bakit kailangan pa gamitin siya!" Singhal ni Arckeerun namumula ang mukha niya sa galit. Mahigpit ko hinawakan ang palad niya, ramdam ko ang panlalamig nito. Kahit hindi niya sabihin ramdam ko siya.

"Arckeerun..." mahinang bulong ko.

"Will you shut up Mr. Genova, hawak niya ang ina ni Dahlia, the both of them is important to us." Malamig na wika ni Detective.

"Wala na bang ibang option?" It was Hades. Halos lahat ay naririto si Darius, Seinna, Caleb at Azel si Ayen lang ang wala rito. Hindi ko na pinaalam sa babae yon dahil alam ko magiging pareho lang sila ng reaksyon ni Arckeerun at isa pa matagal na din at wala ako komunikasyon sa kanya.


"Option? Sa tingin mo pakakawalan niya ang nanay niya? Kapag nagpakita kami sa kanya or even arckeerun?" Nakataas ang kilay na hamon nito sa lalaki.

"Don't you use your brain?"  Walang emosyon pa nito dagdag. Lalo nagsalubong ang kilay ng lalaki maging ang pagigting ng perpekto panga niya ay hindi nakaligtas sa paningin ko.

Tumikhim ang babae at agad na bumaling ng tingin sakin ang malalamig niya mga mata ang lalo nagpakapaba sakin!

"And please Dahlia, Be brave, ito ang pinakamahirap mong haharapin, ang kalabanin ang sarili mong takot" seryoso wika niya. Marahan ako napatango kahit kinakabahan man ay pinatatagan ko ang loob ko.

Kaya mo to Dahlia!

"Dahlia" masuyong tawag niya sa akin. Kahit hindi man niya sabihin ay ramdam ko ang nararamdaman niya. Arckeerun Genova ang lalaking pinakamamahal ko.

"Wala na bang paraan para umatras ka?" bakas sa gwapo niya mukha ang pag-aalala. Nakangiti lumapit ako sa kanya at masuyong hinalikan siya sa labi.

"Kailangan ko lumaban Arckeerun" marahan ko hinaplos ang pisngi niya. Bago ko sila talikuran. Sa ngayon kailangan ko maging matatag para sa kaligtasan ng mga taong mahahalaga sa akin.

Ayoko na maging duwag pa.

Sa masukal na abandonando gusali kong saan kami magkikita. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, kahit malamig ang paligid ay pinagpapawisan parin ako.

("Calm down, Dahlia. My whole team will protect you") rinig ko mula kay Ellia. Huminga ako ng malalim at tinungo ko ang isang silid. Marami kwarto rito at halos hindi natapos ang gusaling to. Nasa pangalawang palapag ito base sa usapan namin dalawa.

Madilim ang paligid, tanging liwanag ng buwan ang tanging sumisilip sa loob. Marahan at maingat ang paghakbang ko.

"Nakarating ka" mahigpit ako napakapit sa lalayan ng blouse ko suot ramdam ko na ang presensya niya pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga. Sa mga oras na to gusto ko tumakbo at tumakas. Pero hindi, ayoko na maging duwag pa.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon