KABANATA 1

347 6 0
                                    


PADABOG NA NAUPO ako at nagsimulang magpack ng mga order ng costumer ko. Ito ang isa sa mga raket ko 'online seller'. Subalit hindi parin ito sapat para sa gastusin ng bahay lalo na't nakikitira lang ako sa kaibigan ko.

"Oh ba't ganyan mukha mo, mas lumalala pa ata" Salubong sa akin ng kaibigan ko si Ayen. Mukhang puyat ito dahil halata parin sa mga mata ang antok. Si Ayen ang tumulong sa amin magkapatid simula ng mawala ng parang bula ang akin ina. Kahit GRO ang trabaho ng kaibigan ko alam kong may malaking rason to. Hindi naman siya naitutulad  sa ibang bayaran na babae. Ni minsan ay hindi niya ako niyaya magtrabaho sa pinagtratrabahuan nitong bar. Kahit mismong ako pa ang nakiusap dito.

"Wala pa rin kasi ako mahanap na trabaho" Dahilan ko subalit ang totoo ay hindi maibsan ang inis ko sa lalaking iyon. Hindi parin kasi ako makapaniwala na babastusin ako ng ganun klaseng tao. Porket ba nakasakay sila sa magarang sasakyan at nakahiga sa malambot na kama ay kailangan niya na ako bastusin ng ganon?

"Sira! baka may nahanap kana wala lang tumatanggap sayo" Nakangiwing wika ni Ayen. Well totoo naman ang sinabi niya pero bakit ba kailangan ipagdiinan niya pa lalo tuloy ako naiinis.

"Pinagdiinan talaga Yen?"

"Ito naman, hindi mabiro kada aalis ka para maghanap ng trabaho, hindi naman ganyan ang mukha mo eh, iba yong lungkot sa naiinis" dahilan ng kaibigan ko habang nagsisimula na tong mag-ayos ng mukha niya. Napatitig ako sa kanya,  Maganda si Ayen kahit walang kolerete sa mukha ay umaapaw parin ang ganda nito.

"May mayabang lang ako nakita" walang ganang sagot ko habang abala sa akin ginagawa.

"Oh talaga?"

"Oo! Nakakainis nga eh ang bastos ng bibig ang sarap pakainin ng sili!" Himutok ko habang nakakuyom ang kamao pinipilit pakalmahin ang sarili.

"Oh tapos nakipagaway ka naman?"

"Ako pa ba Ayen kilala mo ko hindi ako nagpapatalo" pagmamayabang ko. Hindi ko ugali na hayaan na tapak tapakan ako aba hindi ko yon vocabulary. Hanggat kaya ay lalaban ako at hindi katulad ng isang bastos na lalaki ang pagpapatumba sa akin.

"Oo na alam ko naman eh,  the last time i checked nong may nambastos sayo tinuhudan mo Don't tell me ganun din ang ginawa mo sa kanya ?"Biglang ako natahimik. Hindi ko namalayan napahinto ako sa kin ginagawa . Nagbalik tanaw sa alaala ko ang nangyare kanina hindi ko alam kong pagsisihan ko ba o ikakasaya ? dumakma lang naman ako ng pagkalalaki ng taong hindi ko kilala!

"Ba't natahimik ka, at wait namumula ang pisngi mo!?" Kagat labing umiwas ako ng tingin sa mapanuksong mata ng kaibigan ko.

"Wala to wag mo nga ko pansinin" angil ko

"Hoy babae ka anong ginawa mo" naningkit ang mga mata ni Ayen habang nakatingin sa akin wari bang binabasa nito ang nasa isip ko.

"Kong hindi mo siya tinuhod ibig sabihin?" Napaidlag ako ng biglang lumapit sa akin si Ayen. Hindi tuloy ako makapagisip ng isasagot.

"A-no ano kasi...hiniwakan ko lang naman"

"Ano??"

"Ano...nga kasi....ba't ba ako magpapaliwanag sayo?" Napataas ang kilay ni ayen dahil sa pagkairita ko.

"Wag ka nga so ibig sabihin hinawakan mo yong..." Malakas na humalakhak si Ayen mukhang naliwanagan na ang babaetang to. Ano bang big deal sa ginawa ko? Wala naman masama sa paghawaka ng pagkalalaki sa nambastos sa akin ah! Pinagtanggol ko lang ang sarili ko!

"Ano malaki ba ? Nagkasya ba sa kamay mo?"  Kong pwede lang kainin nalang ako ng lupa, dahil sa kahihiyan kesa ekwento ko pa sa tsismosa kaibigan ko.

"K-kong alam mo lang m-maliit!" Pagsisinungaling ko ang totoo lang ay hindi naman talaga maliit ang karga ng lalaking yon. Napatitig ako sa hawak ko pakiramdam ko nandon parin ang mahaba at malaking alaga niya na  kahit sinong babae ay magugustuhan.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon