KABANATA 41

14 1 0
                                    


Nito mga nagdaang araw ay napapansin ko nagiging abala na siya, ilan gabi ko siya inaabangan makauwi. Pumayag ako na dumito nalang sa bahay kesa mag trabaho pero hindi ko maiwasan mainis dahil gabi gabi nalang kami nagsasama. Kinaumagaan ay hindi ko na siya nadadatnan sa tabi ko.

"Oiy anyare sa mukha mo para kang pato nakanguso" inis ko tinapunan ng tingin ang kaibigan ko. Narito siya ngayon para samahan ang pagiging loner ko ngayon araw.

"Wag ngayon Ayen" 


"Hahaha bakit? Di ka siguro nadiligan ng jowa mo" napataas ang isang kilay ko, tsk pano madidiligan eh napakabusy ng mukong!

"Eh ikaw ba't blooming ka ngayon siguro nadidiligan ka araw araw?"Balik na pang-aasar ko. Bigla nalang namula ang mukha niya at sa hindi ko malaman dahilan umiwas pa siya ng tingin sakin! What the! Don't tell me Inlababo na ang kaibigan ko! Marami na ko hindi alam sa babaeng to sa mga oras na nagpakalayo ako.

Simula kasi ng magkita kami dalawa kakaiba na ang nakikita ko sa mukha niya ibang iba noon. Hindi lang yon dahil hindi na siya nagtyatyaga mag trabaho sa bar. Mabuti naman at nahinto na siya roon.

Marami talaga kahiwagaan sa buhay ng kaibigan ko. Dahil nito mga nakaraan lang ay nakita ko may kotse siya at di lang yon dahil nagmukha na siya si Seinna sa paningin ko!  Branded na kasi ang mga suot niya!

"Wag mo ko tignan ng ganyan!" Suway niya sakin kasi kanina pa ko titig na titig sa kanya.


"May tinatago ka ba sakin Ayen?"  Bigla lumikot ang mga mata niya. Kahit hindi niya sabihin halata naman sa kinikilos niya.

"Anong tinatago wala ah" see dideny niya pa kahit halata na.

"Ngayon kasi kapansin pansin ang pagbabago mo, may kotse kana di lang yon pati mga gamit mo branded na! Sabihin mo nga sakin nagAfam ka naba?"

"Hindi sira ka!" Marahan niya pa ako hinampas sa braso.

"Eh ano nga"


"Tyaka ko na sasabihin sayo, ayoko makadagdag ng stress mo ang importante ikaw! Kailan ba kasal niyo ni Arckeerun!" Bigla umasim ang mukha ko, ang nakangiti labi ko kanina ay ngayon nakapantay na.  Bwesit bakit sakin napunta ang usapan!

"Magiisanv taon na din ah at isa pa buntis kana bakit di niyo maisipan magpakasal?" Malungkot ako nag-angat ng tingin.

"Ayoko magdesisyon ng ako lang" kahit gusti ko pero kong ayaw naman niya,wala ako magagawa. Ayoko na ako lang ang magdedesisyon sa amin dalawa.

"Hindi ba't mahal niyo naman ang isat isa? Wala ng dahilan para di kayo magpakasal, mayaman naman ang jowa mo kahit nga engrande kasal ay maibibigay niya sayo" hindi ko naman kailangan ng engrande kasal ayos lang sakin kahit simple lang pero mukha hindi pa ngayon ang oras.

"Baka hindi pa siya handa" Mahina bulong ko.

"Napag-usapan niyo na ba iyan?"

"Ang alin?" Tamad ko tanong, kahit alam ko naman ang tinutukoy niya.

"Ang kasal" huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti sa kanya.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon