KABANATA 8

205 3 0
                                    


"Oiy babae!" Naramdaman ko ang pagyug yog sakin ni Ayen. Bakit ba ang aga aga binabalabog na naman nito ang mahimbing kong tulog! Inaantok pako!

"Ano ba yon" inaantok ko tanong.

"Kanina pa ring ng ring ang phone mo!" Nanlaki ang mga mata ko at agad ako napabangon! Sandali!

"Anong oras na!!"

"10 am na malapit na nga magtanghalian eh!"

"Shit! Late na ko!" Mabilis ko tinakbo ang banyo pero agad ako bumalik sa kama at binaon ang mukha ko sa unan.

Kainis bakit kasi napuyat ako kagabi! Hindi ako pinatulog ng kahihiyan ko! Hayys kapag naalala ko ang nangyare yon pakiramdam ko tinutupok na sa init ang magkabilang pisngi ko! Hindi kaya naliitan siya sa dibdib ko! Sinabunutan ko ang sarili kong buhok kaasar! Baka akala niya inaakit ko siya!

"Ayoko na pumasok!" Himutok ko. Hindi ko kayang harapin siya ng may kahihiyan!

"Ano ba problema mo babae ka!?" Napabangon ako at naiiyak na nag-angat ng tingin kay Ayen na nakapamengwang sa harapan ko.

"Hindi na ko papasok kahit kailan Ayen sabay sabay tayo magutom!"  Malakas niya ako binatukan kaya pakiramdam ko umalog ang utak ko sa ginawa niya!

"Ano ba!" Inis ko bulyaw sa kanya.

"Ba't idadamay mo ko !? May trabaho ako kaya hindi ako magugutom! Kayo lang ng bansot mong kapatid!" Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Ano ba iniisip ko! Bakit mahihiya ako sa kumag na yon! Ano ba ang pake ko sa iisipin niya sa'kin!?
Agad ko tinakbo ang banyo para maligo. Tama wala ako dapat ikahiya!

"  j-just stop wearing that blouse while cussing!"

Kaasar!

Pagkalabas ko ay sumalubong sakin si Ayen. Nakahanda na sa higaan ang susuotin ko kaya mabilis ako napayakap sa kanya. Hays kahit topakin ako napakabuti parin ng Best friend ko. Siya lang siguro ang taong kayang tiisin ang ugali ko.

"Thank you!"

"May bayad yan !!" Marahan ako natawa

"Sige ako na bahala sa ulam natin mamaya Iloveyouu!"

"Hay ewan ko sayong babae ka, nainlove ka lang nakalimutan mo na trabaho mo"

Napakunot ang noo ko habang sinusuot ko ang long sleeve button down blouse na  nakahanda sa kama ko.

"Pinagsasabi mo dyan?"

"Be careful baka kapag nakuha niya na ang gusto niya sayo eh baka iwanan ka niyan tapos may mangyayare sainyo tapos mabubuntis ka at itatago mo anak mo sa kanya tapos magkikita kayo ulit tapos—" mabilis ko hinampas sa mukha niya ang unan ko, ano to taguan ng anak ang peg!

"Pwede ba itigil mo na yang pagbabasa mo! Letche! Never mangyayare sa'kin ang bagay na yan I'm smarter than you think!"

Ano akala niya sa'kin tang*? Kailan man hindi ako magpapaboba pagdating sa relasyon! Kahit pa wala ako experience sa bagay na yan. Mas importante sa'kin ngayon ay ang kapatid ko. Siya nalang ang meron ako hangga't hindi pa siya nagco-college hindi pa ko mag-aasawa.

MABILIS KO TINUNGO ang elevator, nakipagsiksikan pa ko bago ako makarating sa 17th floor kong nasan ang opisina ng boss ko.

"Oh ano to nauna pa ang boss mo kesa sayo? Mahiya ka nga"Mataray na wika ni Dianne lahat ng empleyado ay napatingin sakin ang iba ay asiwang asiwa sa pagmumukha ko. Panong hindi? Ako tong secretary lang pero na late pa.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon