KABANATA 27

108 1 0
                                    


"Dahlia! Kausapin mo nga ako!" Bulway sa'kin ni Ayen. Walang reaksyon ko kinuha ang mga damit ko at inilagay sa bagahe ko.

"Bakit mo binigay ang kapatid mo sa nanay niyo!?" Mariin ako napapikit marahan ko hinilot ang sentido ko ng kumirot to. Hindi na ko nagdalawang isip ibigay ang kapatid ko sa nanay ko dahil ang importante ngayon ay ang kaligtasan ni Sairro, tama siya na ako lang ang magpapahamak sa kapatid ko.

"Ano bang plano mo ah! Saan ka pupunta!?" Mabilis ko sinara ang zipper ng bag ko at sinulbli sa balikat ko hindi pa ko nakakalabas sa kwarto ng humarang siya sa harapan ko. Walang emosyon ko siya binalingan ng tingin.

"Tabi" malamig na ang angil ko.

"Pwede ba sumagot ka sa mga tanong ko! Ano ba ang pinaplano  mo! Saan ka pupunta ! At bakit iniiwasan mo na naman ang boyfriend mo!" Inis ko sinuklay ang buhok ko pakiramdam ko ay mahahampas ko na siya sa pagpipigil ko! Minsan gusto ko nalang tumahimik at hindi kumibo dahil alam ko kwekwestyonin na naman niya ang desisyon ko.

"Ayen naman eh! Anong gusto mong gawin ko! Hayaan ko mapahamak ang mga taong malalapit sakin! Tama na ang buhay na nasayang para lang protektahan ako! Kaya hayaan mo na ko!"Singhal ko. Wala ako pakialam kong mabibingi siya sa sigaw ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Dahlia may ibang paraan ! Bakit kailangan mo takbuhan!" Mariin ko kinagat ang labi ko hanggang sa malasahan ko ang dugo mula dito. Naiinis ako naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko naman gustong takbuhan to! Ang kagustuhan ko lang naman ay masiguro ang kaligtasan nila! Hangga't buhay ang ama ko hindi niya patatahimikin ang buhay ko. At walang ligtas sa puder ko.

"Hindi ko tinatakbuhan! Iniiwasan ko mangyare Ayen! Ikaw si Sairro at kahit si Arckeerun! Mapapahamak kayo kong mananatili ako sa tabi niyo! Wag mo na ko pigilan! Kahit anong gawin at sabihin mo aalis ako!" Agad ko siya'ng nilagpasan. Kailangan ko gawin to para din sa kanila. Mas ok na to atleast hindi ko sila ilalagay sa kapahamakan.

"Dahlia!" Hindi ko siya nilungon patuloy ako hanggang sa pagbukas ko ng pinto. Napahinto ako at natigalgal ng makita ko siya sa'kin harapan .

"Mia Amor" Mahal ko siya pero hindi ko kayang ilagay sa alanganin ang buhay niya. Bumaba ang tingin niya sa mga gamit ko.

Puno ng pagtataka ang gwapo niya'ng mukha. Nakakunot ang noo niya pero umaapaw parin ang kagwapuhan niya kahit anong expression ang ipinapakita niya.

"Where are you going?" Hindi ko siya pinansin nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero humarang siya sa dinadaanan ko. Ilan beses ko na to pinaghandaan kong sakali makaharap ko siya . Ang dapat kong gawin ay ang iwasan siya.

"Mia Amor.." hinawakan niya ang kamay ko at marahan ito pinisil kaya mabilis ko tong binawi mula sa kanya.

Walang emosyon ko siya'ng pinatitigan ang mukha niya na hanggang ngayon ay nalilito parin sa kinikilos ko.

"Itigil na natin to" malamig ko turan. Magkasalubong ang makapal niya'ng kilay napailing siya at muling hinawakan ang kamay ko.

"Ang alin ang itigil?" Inosenteng wika niya. Ramdam ko alam niya ang tinutukoy ko pero pinangungunahan siya ng takot sa katotohanan.

"Itigil na natin ang relasyon na to" Namula ang mukha niya at umigting ang perpektong panga niya.

Huminga siya ng malalim na wari bang nagpipigil.

"May problema ba mia amor? Tell me" pagsusumamo niya iniwas ko ang paningin ko mula sa kanya ayoko makita ang kahel niya'ng mga mata.

"Ayoko na" Lakas loob ko pjnatitigan ang mga mata niya nanatili ang kalmado mukha niya.

"No" matigas na wika niya.

"Sabi ko ayoko na Arckeerun!" He gritted his teeth as he wrap his arms around my wrist. Mahigpit niya ako hinagkan wari bang ayaw niya ako pakawalan.

"I don't care" mahinang bulong niya ramdam ko ang mainit niya'ng  hininga sa akin leeg. Hindi! Hindi pwedeng bumigay ang puso kong to! Hindi pwede!dahil kailangan ko siya mailayo sa'kin.

"Hindi na kita mahal" mariin ko kinagat ang labi ko hindi ko magawang hagkan siya pabalik. Gusto ko magalit siya sakin para layuan niya na ko para maging ligtas siya sa kamalasan dala ko.

"Then love me again" napapikit ako ng mariin

bakit ang hirap niya'ng pakawalan! Bakit hindi sumasang-ayon ang puso ko! Kailangan mo siya'ng layuan Dahlia namatay ang magulang niya ng dahil sayo! Kastigo ko sa sarili ko.

Buong lakas ko siya'ng tinulak.

"Pagod na ko sayo Arckeerun!"

"Then rest and come back to me" Nanatili naging kalmado ang expression ng mukha niya. napamura ako sa inis bakit ba sintigas ng bato ang ulo niya! Naiinis ako sa lahat ng sinasabi niya dahil pinapahirapan niya lang ako!

"Arckeerun naman! Mukha ba ko nakikipaglukohan sayo! Hindi na nga kita mahal! Ngayon ko lang narealize na marami pa palanv gwapo sa mundo at hindi ko na kayang makita ka pa!"

"I don't believe you, I know you loved me" paninigurado niya naroon ang seryosong mukha niya.

"Wala ako pakialam kong maniwala ka o hindi!"

"Then why ? Why do you need to leave me"

"Dahil hindi na kita mahal! Ayoko ng buhok mo! Ayoko ng mukha mo! Ayoko din ang mga ngiti mo! Ayoko lahat sayo! Kong alam ko lang sana—" napasinghap ako sa gulat ng siliin niya ako ng halik halos tinupok nito ang bato kong dibdib lalo na ng walang habas niya'ng pinasok ang dila niya mula sa loob ng bibig ko. Nanghihina ako hindi ko alam na ito ang sisira sa desisyon na dapat kong gawin

Mahigpit ako napakapit sa balikat niya ng lumalim ang halik nito sa akin hindi ko na napigilan bumigay sa mga halik niya.

Ilan sandali lang ay dumestansya ang aming mga labi. Kinakapos ako nag-angat ng tingin sa kanya rumestro ang pilit na ngiti sa labi niya.

"But your kiss says something different Dahlia" Mahina wika niya amoy ko ang mabango niya'ng hininga. Hindi ko maiwasan  titugan siya. Gusto ko ganto kami kalapit, gusto ko masilayan ang kahel niya'ng mga mata ang ngiti niya. Gusto ko makasama siya! Gsuto ko sabihin na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya, pero bakit ganun hindi ko man lang magawa. natatakot ako natatakot ako mawala siya sa'kin.

Madami ng namatay ng dahil sayo! Ang boses ng nanay ko ay naging memoryado sa isip ko.

"Layuan mo na ko Arckeerun nakikiusap ako sayo" usal ko ni hindi ko magawang lumayo sa kanya. Kahit pilit ko siya pinapalayo sa'kin.

"Hindi kita iiwan at kahit ipagtabuyan mo ko babalik at babalik parin ako sayo" umiling sko at dinuro siya sa dibdib

"Bakit ka ba ganyan Bakit mo ko pinapahirapan!"

"Because I don't want to lose you Dahlia! Mawala na ang lahat sa'kin wag lang ikaw!"

"Kapag nalaman mo kong sino ako lahat ng sinabi mo ay babawiin mo din!"

"Wala ako pakialam ikaw parin—"

"Ako si Leandra Salvacion Arckeerun!Ako ang anak ni Eduardo Salvacion! "

"At Ako...... ako ang dahilan kong bakit namatay ang mga magulang mo! Ako ang dahilan kong bakit nangungulila ka sa kanila! Ako dahilan ng lahat Arckeerun! Ngayon na alam mo na ang lahat magkalimutan nalang tayong dalawa! Dahil mapapahamak ka lang sa'kin"

Mabilis ang kilos ko agad ako pumara ng taxi. Pagkasakay ko ay don ko binuhas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napalingon ako sa kinaroroonan niya. Nanatili siya'ng tulala at puno ng gulat ang emosyon na nagmumula sa kahel niya'ng mga mata. Ni hindi siya makakilos.

Tama naman siguro ang ginawa ko ngayon na alam niya na kong sino ako may dahilan na siya para kalimutan ako.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon