KABANATA 33

109 2 0
                                    

TRIGGER WARNING FOR THIS CHAPTER IT CONTAINS SELF HARMING OR SUICIDE ATTEMPTS⛔️

Mariin ko pinikit ang mga mata ko. Isang hakbang ko lang ay alam ko babagsak ako. Gusto ko takbuhan at takasan ang buhay na meron ako. Kong hindi lang ako nagsinungaling at inamin ko kong sino talaga ako  siguro buhay pa ang magulang ni Arckeerun. Siguro hindi siya nag-iisa ngayon siguro ay masaya siya. Masakit man isipin pero ako ang kusang kumuha ng kasiyahan niya ang pamilyang dapat meron siya.

Muli tumulo ang luha sa mga mata ko nanatili nakatitig ako sa kawalan handa ko na salubingin ang kamatayan ko. Handa ko na takasan ang lahat.

Nang maramdaman ko ang paghila ng bewang ko dahilan para hindi matuloy ang pagbagsak ko.

Pilit ako kumakawala sa hawak niya pilit ko hinahampas ito. Bakit ba niya ako pinigilan! Bakit ba pinakilaman niya ang desisyon ko to! Ito lang ang makakabuti para sa mga taong mahalaga sakin!

"Bitiwan mo ko!" Pilit ko inaalis ang braso niya subalit lalo lang ito humihigpit! Hindi ko magawang lingunin siya dahil nasa likuran ko siya.

"Bitiwan mo ko pakiusap! Hayaan mo na ko!" Humagulgol ako ng iyak wala ako pakiaalam kong may makarinig pa sakin maliban sa kanya. Gusto ko siya hatawin ng hallow blocks sa pagpigil niya sakin!

Pagod na ko pagod na pagod!

"Bitawan mo ko!" Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya saakin. Ilan sandali lang ay narinig ko ang pamilyar niyang boses.

"Shhh I'm here, dahlia I'm here"  ang pag-aalo niya sakin ay para bang hele na wari baang dinuduyan ako. Ang pagangat ng kaliwang kamay niya para lang ipatung at haplusin ang buhok ko.

"I'm here" unting unti nanlalabo ang mga mata ko kahit pilitin ko imulat ay kusang pumipikit ito. Ang tanging bagay naalala ko ay ang pamilyar niyang boses. Ang pilit ko nilalayuan at pinagtatabuyan.

—-

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Napabalikwas ako ng bangon dahil hindi ito ang kwarto ko. Wala sa sariling napatingin ako sa lamp shade there was a frame photo between me and Arckeerun. Napalingon ako sa pasikat na araw habang umaalon ang karagatan mula dito sa kinaroroonan ko.

"Nasa rest house ba ko?" Wala sa sariling bulong ko.

"Yes" mabilis ako napalingon sa kanya. Nakasuot siya ng plain na white shirt at isang itim na boxer short maaliwalas ang mukha niya at halata bagong gising lang siya tulad ko. Mabilis ako umiwas ng tingin mula sa kanya.

Bakit nya ba ako dinala dito?

"Anong ginagawa ko dito?" Walang emosyon ko tanong. Sandali siya tumikhim.

"I took you here" maingat niyang inilapag ang tray hawak niya na may laman na sandwich at gatas. Nakangiti ang mga labi niya. Paano ko ba iiwasan ang ngiti niya na sobra ko minahal.

"Magbreakfast ka muna" huminga ako ng malalim at hindi ko yon pinansin mabilis ako tumayo sa kinauupuan ko.

"Uuwi na ko" Panandalian ako napahinto ng mapansin ko iba na ang suot ko damit. Nakaputing tshirt ako at boxer short. Sa luwag at laking nito sakin alam ko pagmamayari niya to.

"Basa ka kaya pinalitan kita ng damit" paliwanag niya dahil napansin niya siguro ang pagtataka sa mukha ko. Walang emosyon ako marahan na tumango.

"Wala ako pakialam, nakita mo naman na noon ang kahubaran ko" walang emosyon ko wika, mabilis ko kinuha ang gamit ko at lumabas sa Rest house niya ramdam ko ang pagsunod niya sakin.

"Where are you going?" Malamig niya tanong subalit nagpatuloy ako sa pag-lalakad hanggang maabot namin ang dalampasigan. Wala kahit anong bangka ang matatanaw mula sa karagatan. Ibig sabihin kami lang dalawa ang nasa isla.

Pano ako nito makakalayo sa kanya!

"Uuwi na ko" nilabas ko ang basag na phone ko sa bag ko hawak. Subalit mabilis niya yon kinuha mula sa kamay ko.

"No"

"Wag mo na ko pigilan pa"

"I said no, you will stay here!" Inis ko siya hinarap, halata sa gwapo niyang mukha ang pagkainis nito dahil sa magkasalubong niya kilay. Maging ang pagigting ng perpektong nito panga ay hindi nakaligtas sa paningin ko.

"Ano ba problema mo? Hindi mo ba naiintindihan na kailangan ko ng umuwi. Kailangan ako ngayon ni Darwin. Nasa hospital siya at kritikal ang lagay niya"
Alam ko naman na hindi ako kailangan ni Darwin Hindi ko naman din siya mapupuntahan baka nga buhusan pa ko ng asido ng nanay niya kong magpapakita pa ko don.

"Kaya nakikiusap ako sayo pakawalan mo na ko at hayaan mo na ko umalis!" Hindi niya yon pinansin basta nalang niya kinuha ang pulsuhan ko para hilahin pabalik sa loob ng bahay. Kahit pilit ako kumakawala sa hawak niya ay pilit lang din nito hinihigpitan.

"You're not going anywhere. From now on you will stay here with me whether you like it or not" buong pwersa ko hinila ang kamay ko mula sa hawak niya.

"My decision is not in your hands Arckeerun Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo! Kong kailangan languyin ko to makaalis lang ako gagawin ko!" Maprotektahan lang kita. Mariin ko napakuyom ang palad ko nang makita ko ang kakaibang sakit sa kahel niyang mga mata. Pinasadahan niya ang buhok niya at umigting ang perpektong panga niya. Halata nagtitimpi lang siya.

"Why him Dahlia? Did you ever love me for once?" Mabilis ako umiwas ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya, hindi ko kayang makita siya nasasaktan.

" Fuck! why do I need to asked you that! You almost take your own life because of him! Ganun mo ba siya kamahal para lang magpakamatay ka ng dahil sa kanya" Ramdam ko ang sakit sa boses niya. Pero anong magagawa ko? Nasaktan na si Darwin ng dahil sakin ngayon naman ay ipapahamak ko siya! Mas lalong hindi ko makakayanan kong pati siya ay maipahamak ko din.

"Tapos kana ba? Dahil kailangan ko ng umalis" akmang tatalikuran ko siya ng bigla siya lumuhod sa harapan ko. Hindi ko nabawi ang pagkabigla ko. Hindi ko inaasahan gagawin niya to. Hindi ko magawang makakilos. Ang gulat sa mukha ko ay nanataling nakatitig sa kanya.

"Please for once, choose me" nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. Hindi ko kaya makita siyang umiiyak sa harapan ko at nagmamakaawa.

"Arckeerun"

"I'll be better than him, just choose me Dahlia, i will protect you, trust me"

"Itigil mo na to Arckeerun ! Tumayo ka nga dyan!"

"No, aalis ka iiwan mo ko, i hate being alone again Dahlia"

"Arckee—

"Please don't leave me , kahit saan ka pumunta sasamahan kita susundan kita, ipagtulakan mo man ako babalik at babalik parin ako sayo takasan mo man ako hahanapin parin kita, kukulitin parin kita hanggang sa bumalik ka sakin if you take your own life then i will take mine, i will die together with you, so please this time choose me"

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon