KABANATA 4

226 5 1
                                    


Nanatiling nakatitig ako sa tasa nasa harapan ko. Hindi ko parin lubos maisip na ginawa ko yon! Ang bigla nalang mahimatay ng peke. Napansin niya kaya ang palihim na pagbukas ng mata ko! Hayss mababaliw na ko kakaisip sa lalaking yon!

Nang mangyare iyon ay hindi ko magawang makausap pa siya ng maihatid niya ako sa apartment ni Ayen. At ngayon hindi ko magawang pumasok para harapin pa siya!

"Hoy babae wala ka bang pasok ngayon?" Tanong sa akin ni Ayen habang nagsasalang ng kanin sa rice cooker. Buhaghag ang buhok nito at halos kumalat sa mukha nito ang eye liner na suot. Hindi ba uso salamin sa babaetang to.

"Wala akong gana pumasok" mangiyak ngiyak ko wika napatakip ako ng mukha dahil sa ala-ala namutawi sa isipan ko! Ang malambot at namamasa niyang labi ang pilit na inaalala ng utak ko ! Myghod! Did i really enjoy my first kiss with him!

"Dahil ba sa boss mo na siya'ng dinakmahan mo ng patotoy?" Napaangat ang mukha ko napatingin sa kanya! Wala man lang kafilterfilter ang bibig ng babaeng to!  Bakit ko ba kasi naekwento ang tungkol sa mokong na boss ko!

"Tsssk hindi ko na alam ang gagawin ko Ayen! He kissed me!" Napabitaw siya sa hawak niya'ng plato at mabilis na lumapit sa akin. Kitang kita ang excitement na expression ng mukha niya! Seriously!?

"Hindi nga! Hinalikan ka niya!"

"Kakasabi lang, bungol ka" mahina niya ko hinampas sa braso.

"Ito naman! Gusto ko lang masiguro! So hindi na birhen ang labi mo! Ano ginawa mo hinalikan mo din ba!" Excited na tanong niya hindi ko magawang bumaling ng tingin sa kanya dahil sa pamumula ng pisngi ko.

"Bakit pa kailangan itanong iyan Ayen"

"Curiosity is killing me Dahlia natural na itanong ko yan!so ano nga ginantihan mo ng halik o baka naman bigla kayong umabot sa langit niyan" nanunuksong wika niya.

"Ano akala mo sa'kin? Mamatay ako sa isang halik lang" Napangiwi siya'ng napatingin sa akin. Problema nito.

"Ay tanga teh, ibig kong sabihin ay pagkatapos ng halik ay nag sex na agad kayo!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya agad ko tinakpan ang bibig niya.

"Sira! babaan mo nga boses mo baka marining ni Sairro!" Suway ko dito. Kulang pa ata microphone sa bibig niya kaasar. Inis niya'ng tinabig ang kamay ko mula sa bibig niya.

"Ekwento mo kasi, dapat detelyado" inis na wika niya inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagsimsim ng kape nang biglang tumunog ang phone ko. Kamuntikan pa ako mahulog sa kinauupuan ko nang makita ko ang unknown number na siya'ng tumawag sa akin nong araw na natanggap ako bilang secretary.

"Where the hell are you!!" Napapikit ako ng mariin dahil sa nakakabingi niya'ng sigaw.

"S-Sir..."

"Where are you! Nakakalimutan mo atang may trabaho ka!" Pakiramdam ko ay nasisilayan ko na ang nakataas niya'ng kilay kahit pa nasa kabilang linya lang siya.

"Ahm kasi ano.." wala talaga ako lakas na loob humarap sa kanya. Marami beses ko tinatanong sa isip ko, kong bakit niya ako hinalikan! Hanggang ngayon naron parin ang ala-alang yon!

"About that day?" Napahinto ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

"don't even think about that, it's just a mistake" wala sa sariling natahimik ako. Pakiramdam ko ay pinipiga ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. 'Tama siya dahlia kissing you is just a mistake!' Ano ba tong bigat sa dibdib ko!

"Miss Alvarez?" Napakurap ako ng ilan segundo, he's back in Ms. Alvarez. Bakit ba napakabigdeal sa'kin ang hindi niya pagtawag sa pangalan ko! Myghod Dahlia stop thinking of him! Mistake ka nga lang diba!

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon