EPILOUGE

182 1 0
                                    



Malakas ako napabuntong hininga habang nakatitig sa orasan. 8:0o o'clock in the evening ang simula ng party pero hindi ko pa magawang makakilos. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Naiinis ako! Nagtatampo na rin. Ano ba ako sa kanya! Girlfriend lang ba niya? O ina lang ng anak niya!

"Oh my gosh! Dahlia!" Mabilis ako dinaluhan ni Seinna.  Narito na pala siya. Dapat ay nakabihis na ko pero hanggang ngayon ay tulala parin ako.

"Bakit hindi ka pa nakapagbihis! Mamake-upan pa kita!" Marahan niya hinawi ang hibla ng buhok ko. Nanlaki ang mata niya sa gulat.

Malamang, nakita niya na namamaga ang mga mata ko sa kakaiyak!

"May problema ba? Bakit ka umiiyak?" Napapailing ako tumayo sa pagkakaupo ko sa kama. Mabilis ko pinunasan ang luha ko.

"Ayos lang ako"

"Liar, tell me what's going on?"

"Kailangan ba ako pumunta don? Para naman kasi nang-aasar ang event na yon!" Maktol ko, paano ba naman lahat ng aattend ay dapat naka wedding gown! Sino ba organizer non! Parang timang lang!

"Kailangan, ang sabi ni Kerun dapat nandon ka na, para daw ito sainyo" para sa amin? O para lang sa kompanya niya.

"Pero ayoko! Bakit ikaw nakausap niya pero ako hindi man lang niya tinawagan! hindi man lang siya umuwi! Pinabantay niya lang ako sa yo!" Mukha na ko bata dahil kulang nalang ay pumadyak ako sa inis.

"Busy lang yung tao, hayaan mo na pagbigyan mo muna sya ngayon"


"Pero.."

"Do you love him right?" Panandalian ako napahinto, yes i loved him kaya nga nagkakaganto ako ng dahil sa kanya.

"Sobra"

"Then, let's go wala na tayong time" nakangiti ang mga labi hinila niya ako. Kahit ayaw ko ay wala na ko nagawa ng maupo ako sa harap ng salamin.

"Pagagandahin kita!" Magiliw niya saad. Pilit na ngiti lang ang sinukli ko sa kanya.

Ilan minuto din ang lumipas ng matapos ang pag-aayos niya saakin. Pakiramdam ko ay ikakasal na ako dahil sa suot ko ngayon. Ang nakalugay ko buhok ay ikinulot niya sa dulo. Light make up lang ginawa niya kaya natural lang ang ganda ko lumabas. Sandali ako namangha ng makita ko ang sarili ko sa salamin.

"This can't be" hindi makapaniwala usal niya , kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.

"Huh?"

"Akala ko wala na gaganda pa sa akin! Gosh you are really pretty!" Puri niya, hindi tuloy magkamayaw ang pamumula ng pisngi ko.

"Salamat, pero bakit ganyan suot mo" pukaw ko sa suot niya nakapeach dress kasi siya, ang alam ko ay dadalo din siya pero bakit iba ang dress code niya?

"Ahh ehh ayoko ng pang wedding gown noh! Pang-Abay nalang ang isusuot ko" nagsalubong ang kilay ko.

"Pang-abay?"


"I don't believe in marriage" komento niya. Bigla nalang kumirot ang dibdib ko.


"Magkaiba pala tayo, siguro ganyan din ang pananaw ni Arckeerun kaya hindi niya magawang pakasalan ako" Malungkot ko sabi, agad siya pumitik sa ere kaya ang luha na nais pumatak ay napalitan ng gulat.

"Hey! stop that, makakasama sa make up and also to your baby!" Tama siya, dapat hindj ako makaramdam ng kahit anong emosyon na makakasama sa baby namin. Ang importante mahal ako ni Arkeerun. Hindi ko na kailangan ng kasal.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon