"Oh bilis bilisan niyo aba!! Mamatay na ang costumer sa kakahintay sainyo!" Lahat ng empleyado ay kanya kanyang pamamadali dahil sa sigaw ni Mrs. Ching na siya amo namin. Mabilis ko kinuha ang tray na iserserve ko sa table ng costumer."Here's your order ma'am" Nakangiting nilapag ko ang order nito sa table.
"Dahlia! Mamaya na yan at marami hugasin dito!" Singhal ni Mrs. Ching habang nakapamewang. Huminga ako ng malalim at tumalima patungo sa kusina. Sumalubong ang tambak na hugasin. Sumasakit na ang kasukasuhan ko pakiramdam ko babagsak na ang buong katawan ko. Pero kaya parin naman. Wala naman ako pinaggagastusan maliban sa pagkain at renta ko. Simula ng kunin ng nanay ko ang kapatid ko hindi na ko nakakuha ng balita sa kanya. Pero tudo kayod parin ako para makapagipon para kay Sairro.
Apat na buwan nadin ang nakakalipas. Apat na buwan na ko palipat lipat dahil parati ako nahahanap ni Arckeerun. Isa pa yon walang tigil sa kakahanap sakin. Daig ko pa ang wanted para lang magtago sa kanya. Akala ko lalayuan niya na ko kapag nalaman niya ang totoong sa pagkatao ko, pero nagkakamali pala ako. Ngayon lang ata tumagal dahil mag-iisang buwan ng walang nagpapakitang tauhan niya.
May pagkakataon na namimiss ko siya at gusto ko siya'ng makita kahit panandalian lang. pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ginusto ko ito dapat lang na panindigan ko.
"Una na kami Dahlia!" Si Rita isa sa mga katrabaho ko nakangiti tumango ako sakanila.
Out na namin at alas siyete na nang gabi ng matapos ang trabaho namin.
"Sige" nagkahiwalay hiwalay na din kami. Iba kasi ang dereksyon ng tirahan nila.
Agad ako pumara ng jeep patungo sa taytay kong saan ako nangungupahan ngayon. Wala nadin ako balita tungkol kay Ayen kahit maging siya ay blinock ko na. Ayoko na din magkaroon ng ugnayan nino man.
Si Arckeerun?
Naroon parin naman siya sa magazin ng Luxurious Society mayaman parin at maimpluwensiya kaya parati niya ako nahahanap pero hindi ko lang lubos maisip kong bakit ngayon ay hindi niya na ko hinahanap pa.
Napagod na kaya siya? Baka nga siguro sumuko na siya. Bakit ba ako nalulungkot at nasasaktan?
Marahan ko piniling ang ulo ko dapat maging masaya ako dahil ito naman ang plano ko.Malapit na ako sa babaan ko kaya agad ako pumara kay manong. Tahimik ako naglalakad sa makitid na daan. Madilim na pero meron naman ako ibang nakakasabayan kaya hindi nakakatakot sa lugar na to.
Pagod ako umakyat sa tinutuluyan ko kwarto. Nasa second floor kasi ito. Pagbukas ko ng pintuan tumambad ang tahimik na silid maliit lang to at tamang tama sa laki ko. Pagod ako nahiga sa kama ko.
Kamusta na kaya siya? Mainitin parin ba ulo niya kapag may empleyado nagkakamali? Apat na buwan pa lang miss na miss ko na siya pano pa kaya kong umabot ng taon? Kakayanin ko kaya?
"Ahhh.. ganyan nga bilisan mo pa"
Mariin ako napapikit. Ito ang pinakaayaw ko sa upahan na to dahil dinig na dinig ang kalapit ko kwarto. Nakakairita! Akala ata nila wala silang kapitbahay!
"Bilisan mo pa Lamuel ! Aaah" padabog ko kinuha ang cellphone ko pati narin ang earphone ko. Dating gawi! Matutulog na naman ako may nakasalpak sa tenga ko para lang hindi sila marinig.
Hanggang sa dalawin ako ng antok.
Kinaumagahan ako nagising. Pasikat pa lang ang araw kaya agad ko kinuha ang damit at tuwalya ko mabilis ako tumakbo patungo sa banyo. Isa na naman problema ko! Iisa lang kasi ang banyo dito. Buti nalang ako ang nauna sa pila mabilis ako naligo at dito na din ako nagbihis paglabas ko ay nakabusangot ang ibang tenant dahil sa tagal ko raw maligo.
BINABASA MO ANG
DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!
RomantizmArckeerun is a ruthless businessman whose willingness to hurt others just to get what he wants without mercy, he doesn't allow anyone to maneuver his life. He has everything, fame, money, looks and women who's always begging him just to get attentio...