Bumungad ang nakangiti niya'ng labi habang hawak ang isang tupper ware na may laman na ulam. Walang emosyon ko siya pinatitigan. Simple white shirt at khaki short lang ang suot niya pero umaapaw parin ang kagwapuhan niya.Dapat kahapon ay wala na siya dito dahil sa pakikipagrelasyon ko kay Darwin but he's here again who always made my mind insane! Ang problema pa dito ay sa katabing kwarto ko siya tumutuloy! Magkatabi lang ang tinutuluyan namin! Hindi ko alam kong ano ba ang balak niya at naisipan niya ang bagay na to o talaga sinasadya niya lang to!
Sinong bilyonaryo naman ang tutuloy sa maliit at mainit na kwarto, halata naman na sanay siya sa marangyang buhay pero bakit siya nagtitiis dito?
Huminga ako ng malalim. Para pakalmahin ang tibok ng puso ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa malamig na tuno. Baliwala lang ito sa kanya, dahil walang emosyon nilahad nito sa harapan ko ang hawak niya.
"I brought your lunch" baritonong wika niya. Nanatili ang paningin ko sa hawak niya. Sa puso ko ay gusto ko to kunin pero pinipigilan ko ang pakiramdam na to.
Hangga't kaya mo pa Dahlia, wag mo na guluhin ang buhay niya.
"Sorry pero kumain na ko" walang emosyon ko wika. Bakas ang lungkot sa mukha niya.
Tumikhim ako at wari naiirita sa kanya
"May kailangan ka ba? May lakad kasi ako eh" kunwari na iinip na wika ko. Nagsalubong ang kilay niya at umigting ang perpektong panga niya.
"Who are you with?" Malamig niya'ng tanong. Napalunok ako ng pasadaan niya ako ng tingin. Nakasuot kasi ako ng itim na dress na binili ni Darwin para sakin. Kumuyom ang kamao niya, at wari nagpipigil siya.
"Do you love him?" Mariin niya'ng tanong. Hindi ko magawang makasagot. Nanatili nakatitig ako sa malamya niya'ng mga mata.
Ang gusto ko lang naman ay kalimutan niya na ko! Yon lang naman ang paraan para wala ng masaktan pa. Bakit ba sintigas ng bato ang ulo niya!
"Oo" Rumestro ang sakit sa kahel niya'ng mga mata. Gusto ko bawiin ang lahat ng nasabi ko.
"Oiy ikaw pala pogi" biglang may sumulpot sa harapan namin. Napabaling ako ng tingin kay Gina, naka spaghetti dress lang siya habang humihithit ng yosi. Kumunot ang noo ko ng lumapit siya kay Arckeerun at hinahaplos ang braso nito habang sinisilip ang dala nito.
Matalim ako tumitig sa kamay na nakapalupot sa braso ni Arckeerun. Bakit kailangan pa niya dumikit dito! Lihim ako napairap ano ba tong nararamdaman ko!
Hindi ako nagseselos ! Tama anong ba laban nito sakin? Eh mas maganda pa ko sa kanya!
"Gina, kita mong naguusap pa kami" iritable wika ko mabilis ko siya hinila paalis sa tabi ni Arckeerun lalo uminit ang ulo ko ng muli ito bumalik sa kanya!
"Ano yan dala mo" malanding tanong niya subalit marahan siya'ng hinawi ni Arckeerun at nanatili ang paningin niya sa'kin habang sumisilip ang munting ngiti nito sa labi.
Tumikhim ako para pakalmahin ang sarili ko.
"Mia Amor...please" pagsusumamo niya. Mahigpit ako napakapit sa door knob para pigilan ang sarili bumigay ng dahil sa kanya. Yung gantong ekspresyon lang niya ah nakakapanghina na pano pa kaya kong higit pa dito baka hindi ako makapagpigil at bawiin ko lang ang planong dapat ko gawin.
"Oiy dahlia nagmamakaawa na kunin mo na" natatawang wika ni Gina. Huminga ako ng malalim bago siya balingan ng tingin.
"Kong gusto mo sayo na" walang ganang sagot ko. Hindi niya pwede mahalata apektado ako hindi niya pwede marinig ang tibok ng puso ko! Hangga't maaga pa buwagin ko na ang nararamdaman ko sa kanya.
"Oh sige kapag naging akin na walang nang bawian, mukhang masarap pa naman" napakunot ang noo ko dahil imbes na sa tupper ware siya nakatingin bakit na kay Arckeerun ang atensyon niya!
Nang-aasar ba siya!
"Babe!!"
Wala sa sariling napabaling ako ng tingin kay Darwin. Napakurap ako ng makita ko siya. Bakit ang aga niya ngayon! Pwede naman mamaya nalang siya umepal!
Tumakbo siya papalapit sa'kin. As usual nakacheckerd na naman siya habang naka black pants.
"D-Da— Babe.." mahinang usal ko. Kimi ako ngumiti sa kanya.
"Ano ready ka na ba? Our first date today!" Nakangiting wika niya. Wala sa sariling napabaling ako ng tingin kay Arckeerun. Madilim ang mukha niya habang nakakuyom ang kamao niya.
Tumikhim ako bago bigyan ng pansin si Darwin.
"Uhm yeah""
"That's great nasa baba ang hiniram ko kotse kay Tito Raul, ayoko pagurin ka sa pagcocommute" maaliwalas ang bukas sa mukha niya. Hindi ko mapigilan maguilty, alam ko sa sarili ko mali to, maling mali to pero kailangan ko ang tulong niya.
Bumaling nang tingin si Darwin kay Arckeerun. Halata ang gulat sa mukha niya.
"Ohh ikaw yung bagong tenant dito ah?" Hindi siya nito pinansin. Nanatili siya nakatitig sa'kin, kaya hindi ko magawang salubungin ito.
"Take this" bumaling siya kay Gina at binigay ang hawak niyo tupper ware.
"Aww thank you pogi" para naman ito maiihi sa kilig dahil sa kislap ng mga mata nito. Ilan sandali lang ay iniwan na agad kami ni Arckeerun ni hindi niya na ko tinapunan ng tingin.
Nakaramdam ako tuloy ng lungkot feeling ko tinatamad na ko umalis.
"Babe ano tara na?"
"Ahm sandali may nakalimutan lang ako" mabilis ako pumasok sa loob ng kwarto ko at sinara ang pintuan nito. Hindi ko alam kong ilan segundo o minuto nanalagi ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ko magawang makalabas para harapin si Darwin at kahit alam ko naghihintay ito sa'kin . Gusto ko pakalmahin ang sarili ko. May kong anong kirot ako nararamdaman sa dibdib.
Dapat hindi ako makaramdam ng sakit dahil ginusto ko naman ito.
Malakas ako bumuntong hininga. Bago harapin si Darwin na ngayon naghihintay sa labas ng kwarto ko. Halata nainip siya sa paghihintay pero umaliwalas ang mukha niya ng makita ako.
"Saan gusto mo puntahan natin?" Tanong niya patungo kami ngayon sa kotse nito na nakaparada sa labas ng upahan. Mabagal lang ang lakad ko kaya sandali lang siya kong maglakad para sabayan ako.
"Kahit saan" Wala emosyon ko sagot.
"Gusto mo ba kumain muna tayo?"
"Ikaw bahala" Bahagya ako nagulat ng marahan niya'ng pinisil ang pisngi ko.
"Ayos ka lang ba?" Napatigalgal ako ng bahagya masyado ba ko nanlamig kanina?
"Oo" Nakangiting wika ko.
Nakangiti ang labi pinagbuksan niya ako nang pinto nang bigla siya napahinto nanlaki ang mga mata niya ng mapatingin siya sa gulong ng kotse niya.
"Sandali!" Mabilis siya nagsquat para suriin ang gulong ng kotse. Maging ako ay napatingin dito.
"Anong nangyare dito!? Bakit naflat to!" Nagsalubong ang kilay niya sa pagkainis.
"Patay ako nito sa tito ko!" napakamot siya sa batok niya at halata ang pag-aalala sa kotse dahil nga hiram lang niya to.
Sino naman gagawa nito?
"Pano yan babe" nakasimangot na wika niya. Wala sa sariling nilibot ko ang tingin sa paligid namin, pakiramdam ko kasi alam ko na ang dahilan ng pagkaflat ng sasakyan. Hanggang sa matanaw ko siya sa di kalayuan nakamulsa angkamay niya sa khaki short nito suot habang naglalaro ang ngisi sa labi niya nang mapansin niya ang masamang titig ko sa kanya ay tinaasan niya lang ako ng kilay at bigla nalang niya ako tinalikuran!
Ang lalaking yon!
"Magcommute nalang tayo darwin" Seryoso wika ko, agad siya'ng napatayo at nahihiyang hinawakan ang kamay ko.
"Sigurado ka ba? Pasensya na ngayon pa tayo minalas" malungkot ang boses niya kaya marahan ako umiling habang nakangiti.
"It's okay, ano tara ?" Muli ko tinanaw ang kinaroroonan ni Arckeerun subalit hindi na siya muling lumingon sa gawi namin.
BINABASA MO ANG
DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!
RomanceArckeerun is a ruthless businessman whose willingness to hurt others just to get what he wants without mercy, he doesn't allow anyone to maneuver his life. He has everything, fame, money, looks and women who's always begging him just to get attentio...